What's new

Closed Ano po ang dahilan bakit nilikha ang tao?

Status
Not open for further replies.

Thea18

Eternal Poster
Joined
Feb 27, 2016
Posts
1,588
Reaction
424
Points
381
May nabasa po kasi ako sa biblia ng ganito:

Efe.2:10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Kung ia-analyze nyo po yan may dahilan naman po pala bakit tayo nag-exist at yan ay ang lakaran ang mabubuting gawa na nakahanda na noong una pa.
 
Ayun kase sa kwento, kulang daw ang kaligayahan ng ating panginoon sa mga hayop halaman atb, kaya lumikha sya ng kanyang kawangis.
 
I am not particularly religious but I guess I'll reply in a "spiritual sense".

Maraming bagay sa mundo ay man-made. And all of them have a purpose. Minsan, may manual pa nga. For example, a phone has pieces of paper na kailangan mong basahin para malaman mo kung ano pwede nitong gawin at hindi pwedeng gawin dito.

In the same sense, kung totoo nga na nilikha tayo ng isang "Supreme Being", we may also have a purpose. Pero wala tayong manual tulad ng gadgets at kung ano ano pa. Hindi tayo isinilang na may papel na nakasabing, "Ang pangalan neto ay si Madrid at siya ay magiging inhinyero."

The Christian's version of such "manual" is the Bible.
It's so easy to misinterpret this manual, because, in a way, they are written by men albeit inspired by the spirit of God. Moreover, the time in the period was set thousands of years ago. Maraming context na hindi na sang-ayon ngayon.

So if I talk "biblically", we have to go to the "maker" to know our purpose. Jesus said that the most important commandment besides honoring God is loving thy neighbor as you love yourself.
Matagal na ang bibliya ngunit one remaining constant aspect will always be love.

So love ang sagot ko.
 
Sa pagkakaalam ko hindi po tayo ginawa ng Dios na parang robot na kung ano lang ang gusto nya sya nating gagawin.ang bagay na ito kung tawagin nila ay freewill na may kalayaan pumili anuman ang naisin natin kung gusto nating magpakasama o kung gusto nating magpakabuti pero sa pagmamahal na rin siguro ng Dios sya narin ang nagsabi kung alin ang pipiliin natin sa dalawa.

Deut.30:19 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Ang sabi kasi dyan inilagay ng Dios ang buhay at kamatayan,ang pagpapala at ang sumpa pero para mabuhay tayo piliin daw po natin ang buhay.dahil sa tinatawag na FREEWILL gagamitin ito ng tao para gamitin ang kalayaang nyang pumili di na tayo magtataka bakit napakasama na ng mundo ngayon karamihan ng mga ginagawa o gawi ng mga tao ngayon puro patungkol sa mga bagay na may kinalamang pangmateryal puro luho ng katawan ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanilang sarili.
 
Sapagkat yan ang hiling nang Anak sa kanyang Ama kaya nilikha ang tao dahil mahal na mahal nang ama ang kanyang bugtong na anak
 
Para sa amin pong mga muslim, ito naman po ang sagot ko, ang sabi ng allah sa banal na qur-an, "wa ma khalaktul jinna wal insa illa liya'budun", arabic po yan na ang ibig sabihin, sa malapit na kahulugan, "Hindi ko nilikha ang mga engkanto at ang mga tao, liban na lamang upang ako ay kanilang sambahin".
 
FREE WILL AT LOVE ikaw na bahala kung di ka maniwala na may diyos kasi may malasakit at awa at mapagmahal at hindi tayo kinalimutan ng diyos kahit tayu mismo ay hindi naniniwala at kinalimutan sya.
 
for me go with the flow lang kung anong plano ng panginoon para saatin basta wag lang tayo magkakamali ng subra² ...ok lang naman tayo magkamali kasi di naman tayo perpekto.....pero pipilitin nating wag magkamali......
 
Based kasi sa bible nagkaroon ng kaalaman sa tama at mali ang kauna-unahang dalawang taong nilikha noong sila ay tinukso at sumuway . ,,, So maybe freewill at love nga pero in a sense na paano ito i interpret at isasakatuparan ng tao ...
 
Minsan lang po ako magbasa ng biblia pero ang curiosity ang magdadala sayo sa maraming katanungan tulad na lang po nito:

Isa.34:16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

Sabi po dyan saliksikin daw natin sa kanyang aklat hindi daw magkukulang kahit isa ni mangangailangan ng kasama.so para sa mga naghahanap ayon sa sinasabi dyan kung magsasaliksik tayo sa aklat nya di na kailangan ng iba dyan din pala makikita kaya naitanong ko kung saan galing ang tao...biblical naman pala...di na kailangan pala ng ibang aklat nasa inyo na po yan bahala na po kayo sa freewill nyo kung saan nyo gagamitin.
 
Another way of looking at this:

1. Something you're good at
2. Something you're passionate about
3. Something that the world needs

Pag pagsasamahin mo yung tatlo na yan, yan daw yung purpose mo sa mundo.

And another way of looking at this is:

Ikaw lang ang makakapagbigay ng purpose sa sarili mo.
Why do you get up in the morning?
Why do you go to work?
What's the end goal?

A lot of people, including the church will give you reasons why you are given a life, pero ikaw pa rin magdedecide kung ano talaga yun.

In my experience, may isang araw na umiyak lang ako. Something came to me in a dream and pag gising ko, may naririnig akong mga bata humihiyaw sa labas kasi minumura at sinasaktan ng magulang. I cried for the whole day tapos nafefeel ko na nagtatranscend sakin ang lahat ng pain at fears ng mga batang abused.

That's when I knew what I had to do in my life.


I hope y'all find yours.
 
ito po ang dahilan ng tao kaya siya nilikha

QURAN
Quran 51:56
At hindi Ko nilikha ang Jinn at ang Tao malibang
sila ay sumamba lamang sa Akin.”

BIBLE
Ecclesiastes 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao
 
ito po ang dahilan ng tao kaya siya nilikha

QURAN
Quran 51:56
At hindi Ko nilikha ang Jinn at ang Tao malibang
sila ay sumamba lamang sa Akin.”

BIBLE
Ecclesiastes 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao


Naku.bro.mukhang hindi magugustuhan ng mga taong hindi naniniwala sa Dios yang pronouncement ng biblia sa ecclesiastes 12:13 sasabihin nanaman nila malupit ang Dios bakit kailangan nating matakot sa kanya.pero mayron akong nabasa sa biblia ewan ko lang ano reaction nila rito malamang lalo silang maggalaiti sa galit sa Dios

Aw.14:1 Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

Bahala na po kayo mga kasama umintindi sa verse na yan.curiousity lang walang masama kung lalo na kung gagamitin ko freewill ko na piliing di mapabilang sa mga taong binabanggit sa verse nayan.paumanhin sa na offend pasenya na po,intindihin nyo nalang po para siguro yan sa kinauukulan.
 
hindi ko rin alam kaya tinanong ko sabi ng mga born again "HE made us in order to be his servant" "in order to praise HIM" ewan ko anong verse ito pero yan ang sagot ng mga pinag tanungan ko maging catholic ata yan ang sagot
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top