Miss Chinita
Forum Veteran
- Joined
- Feb 1, 2018
- Posts
- 2,701
- Reaction
- 2,259
- Points
- 933
una sa lahat at hindi pa naman huli hehe
boys siguro naman naranasan nyo ng maFRiendzone noh? aware naman siguro ata kayo sa mga ganyang feelings haha
ganito kasi yan, kwento ko muna ah hehe may ngfr kasi sakin then inaccept ko din kasi hindi naman dummy account eh. chinat ako syempre nereplyan ko din .. ayoko namang masabihang suplada ako kahit na ang totoo hindi talaga ako mahilig makipagchat sa hindi ko kilala.
hanggang sa tumagal yung usapan namin, mabait naman kasi sya, kalog din syang kausap parehas kami hahaha salitan ng jokes mga asaran at kwentohan. hanggang sa umamin sya sakin na matagal na daw nya ko iniistalk na gusto nya daw ako.. syempre nabigla ako nun, kasi di ko naman inaasahan na ganun yung mangyayari. hindi ko naman kasi naramdaman na dun sya papunta, at dahil prangka akong tao, tinapat ko sya .. sabi ko sa kanya na sa una palang, nasa kwentohan chapter palang kami nasabi ko na sa kanya yun na "ayoko ng commitment" na "ayoko pa pumasok sa isang relasyon" na "friendship lang talaga kaya kong ibigay sa ngayon".
hanggang sa parang feeling ko nasaktan ko sya, pero literal pala talaga na nasaktan sya. hindi ko naman ginustong masaktan sya eh .. pero nagiguilty talaga ako
hanggang sa dumating na sa point na hindi na nya ako kinakausap, chat ako ng chat nanghihingi ako ng sorry pero siniseen nya lang. naiiyak talaga ako na ewan, ang hirap kasi sa pakiramdam na may isang taong galit sayo, alam nyo yun .. hindi ko naman ginusto pero nasaktan ko na sya eh.. tapos magpopost pa sya na ganito ganyan na "kala mo kagandahan" yung mga ganyang salita, yung alam mo talaga na ikaw yung pinapatamaan .. kulang nalang etag ka eh. yung mararamdaman mo talaga yung pagkabitter nya. ewan ko basta yun yung pakiramdam ko. kasi nga hindi nya ako kinakausap. tapos ikukwento pa nya sa iba, palalabasing ako ang mali, kesyo maarte daw ako, ganito ganyan .. dumating na sa puntong hinuhusgahan nya na ako. base sa mga comments na nababasa ko from him.
so ito na yung tanong ko boys ..
ganyan ba talaga yung mga lalake? pag hindi nyo nakuha yung gusto nyo, parang feel nyo natapakan yung ego nyo lalo na pag dating sa babae? kung makaasta kasi sya parang iniwan sya ng gf nya eh .. ramdam talaga yung pait. Masakit bang maFriendzone? hndi ko naman sya pinaasa eh, sa umpisa palang naman sinabi ko na yun sa kanya. pero ewan ko. hndi ko talaga maintindihan.
baka pwede nyo namang ipaintindi sakin hehe and please hinay hinay lang po sa pag husga ah, yung hindi naman masyadong masakit hehe .. then tell me if may mali ba kong nagawa or kung ano ba dapat gawin.
pasensya na kung mahaba hehe