What's new

Closed Tips; relax your eyes in a simple ways. (kailangan mo to) pasok guys.

Status
Not open for further replies.

Cobain420

Eternal Poster
Joined
Dec 14, 2017
Posts
1,345
Reaction
538
Points
460
Age
58
Warning: Kung mahal mo ang mata mo basahin mo to.

Nakakaramdam ka din ba ng pagiging-blurred o paglabo ng paningin?
Pagsakit ng mata? pag-sakit ng iyong ulo paikot? gaano mo ito kadalas maramdaman? Wag mo na isawalang bahala yan paps. Minsan man yan o bihira wag mo na hintayin maging araw-araw pa.
Baka symptoms na ng "EYE STRAIN" yan. Ang eye strain ay unang unang cause' ng paglabo ng paningin. Madalas makuha sa over used ng pagbabasa, pagmamaneho, pag gamit ng computer, cellphones o kahit anong may LCD radiation. O yung tinatawag na "Digital eye strain"
digeyestrain1.jpg.jpg

Hindi ko maitatanggi na nakararanas din ako niyan pag sobra sobra na, lalo at gamer ako, nagbabasa ng ebooks or kung ano-anu pang homework sa cellphone. Lol.
I have 3 simple and easy recommended tips mga paps para ma-relax naman kahit papano yung mata natin to avoid eye strain. (sobrang dali lang neto)

Eye relaxation and Healthy eye tips:
1. PALMING
isa din to sa favorite ko gawin. 30secs.-1minute lang ang kailangan neto.
  • Umupo ng maayos
  • Ipagkiskis mo ang dalawang palad mo. Mabilis. Para mag warm agad.
  • Ipikit ang mga mata. At ilagay mo ang magkabilang palad, sa magkabila mong mata (feel the warm in your eyes)
  • Siguraduhin mo na hindi didikit ang palad mo sa mata mo. (isasaklob mo lang sa mata mo ang palad mo)
  • Patagalin ito ng 30seconds o kung gaano katagal mo gusto.
  • Pagtapos ay dahan dahan at maingat mo naman buksan ang iyong mata para mag adjust ang iyong paningin to avoid brightness.
Kung maaari gawin mo siya per-hour. Lalo kung lagi ka nakatapat sa computer or phone.

2. EYES SPA
ito naman ang pinaka gusto kong gawin tuwing gabi o bago matulog.
Kailangan mo lang ng cloth or bimpo, hot water at comfortable pillow.
  • itupi mo ang bimpo pahaba ng paulit-ulit, hanggang kung ano sa tingin mo na mag-fit na para matakpan ang mga mata mo.
  • Isawsaw o ilubog sa hot water.
  • Taste the temperature (wag mo literal na tikman. Lol) i-feel mo lang kung ano ang tamang init na kaya mo.
  • Humiga ng komportable at ipatong ang warm towel sa mata mo. Wag tumapat sa electric fan para matagal lumamig ang bimpo.
  • Relax at breath properly. Inhale the goodsh*t and exhale the badsh*t. Feel the peaceful of mind.
  • Pag lumamig na ang bimpo pwede mong ulitin ang procedure.
  • Ituloy-tuloy mo lang ang process about 5-10minutes.
Warning: Nakakaadik ang eye relaxation na ito. másáráp sa mata at pakiramdam, kahit wala ka lovelife.
Minsan nga hindi kumpleto ang gabi ko pag hindi ko nagagawa to.

3. SUNNING
Dalawang benefits ang makukuha sa step na to. Una mababawasan ang eye strain mo, pangalawa makakakuha ka ng vitamin D.
Para hindi ka mangitim sa sinag ng araw mas maganda gawin mo ito between 8am to 10am.
  • Tumayo sa ilalim ng araw (before 8am and after 4pm)
  • Ipikit ang mga mata at hayaan dumampi ang init ng araw sa iyong saradong mga mata.
  • Feel the warm in your eyes.
  • At Iikot mo ang iyong ulo clockwise direction habang nakapikit para masinagan ang bawat area ng iyong mata.
  • Iba-ibahin ang direction ng pag-ikot ng ulo para hindi mahilo.
  • Gawin ito ng mga 5minutes.

Done.

Salamat guys:) sana makatulong sainyo. Hindi naman kailangan ng mahabang oras dito, konting minuto lang naman ang hinihingi. Sana magawa din ninyo.
 

Attachments

Last edited by a moderator:
ts, may source/reference kaba ng information, yung link nyan?
edited:
salamat sa share mo paps, ito ang pinaka-advisable sa mga ka-Phc, lahat naman gumagamit ng cp or pc dba...
 
Last edited:
ts, may source/reference kaba ng information, yung link nyan?
edited:
salamat sa share mo paps, ito ang pinaka-advisable sa mga ka-Phc, lahat naman gumagamit ng cp or pc dba...
Yap paps. May source at may pinagbasehan yung tips, recommended din ng mga doctor :) ayan din ang pinakamadali at advisable para magawa din ng iba katulad nung mga busy sa work.
 
Same here hays. Di ko alam kung ilan years ko na ginagawa yan. Pero yung sa right eye ko, ramdam ko na hindi na siya eye strain. Pero legit na nakaka reduce or nakakarelax ng eye strain yan
May dahilan pag labo ng mata ko e medyo weird lang ayaw ko naman sabihin dito e
 
Yap paps. May source at may pinagbasehan yung tips, recommended din ng mga doctor :) ayan din ang pinakamadali at advisable para magawa din ng iba katulad nung mga busy sa work.
pahingi ako ng link nya paps, para mashare ko kasamahan ko... salamat
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top