What's new

Closed Try mo ring maghirap, wag puro pasarap.. . .

Status
Not open for further replies.

Miss Chinita

Forum Veteran
Joined
Feb 1, 2018
Posts
2,701
Reaction
2,259
Points
888
Try mo ring MAGHIRAP. Wag puro PASARAP.

másáráp maging binata, Yung dating kahit saan pwede ka uminom at magwalwal, yung wala kang iisipin paguwi mo matutulog kanalang tapos Repeat. Pag naging tatay kana mas gugustuhin mo nalang na umuwi sa bahay para makita ang ngiti ng anak mo, nakakabuo ng araw.

Yung dating pag pupunta ka ng 711 or convenience store ang bibilhin mo eh alak at yosi? Ngayon, deretso gatas at mineral ng anak mo ang iisipin mo.

Yung dating cellphone mo na puro selfie mo at pag papapogi at pictures ng babae, ngayon buong album mo puro pictures at video ng anak mo habang lumalaki syang nakakatuwa.

Yung dating laman ng bag mo na puro wax, extra damit after uminom ngayon eh puro bimpo gatas at gamit ng baby.

Yung dating lagpas 12hrs ang tulog mo eh ngayon every 2hrs gising ka dahil iiyak anak mo at magpapadede ka kahit in the middle of the night.

Yung dating halos ipangligo mo na yung pabango sa katawan mo dahil part ng pagpapapogi mo eh ngayon kundi amoy gatas eh amoy lungad ka.

Mahirap pero masaya lalo na pag nakikita mong healthy at bungisngis ng anak mo, pawi lahat ng pagod.

Kaya hindi ko alam bakit yung ibang tatay o magiging tatay palang eh puro padin pasarap. Brad! MAS másáráp maging tatay. Hindi matutumbasan ng kahit na magkanong pera ang kasayahan na madudulot ng anak mo at pagiging tatay.

#Prouddaddyhere
#Amarah’sdaddy

postedby: Kim Sioco

share ko lang .. hehe buti pa si kuya kim alam ang ibig sabihin ng salitang Pamilya at alam ang responsibilidad ng isang ama .. sana lahat ng lalake katulad nya, sana all ! pero ang masaklap, hindi naman kasi lahat. swertehan lang haha. sya yung nasa pic .. oh di ba ang pogi nya hehehe
 

Attachments

Di pa ko daddy but I can relate to that.
Dami ko nang pamangkin eh. Hehehe.
Pero ganun talaga pag tumatanda na, dami na din responsilibities. Pero happy naman na nagiging productive ka habang nagagawa mo yung mga inaambisyon mo lang dati nung bata ka.
 
tatay ako.. pero nagagawa ko pa rin gusto ko..

importante may trabaho. para may pambili lahat ng kailangan mo at ng pamilya mo

kailangan .. kapag isa kang ama
..
nasa utak mo dapat .. puro sarap walang hirap.. dapat laging másáráp buhay ng pamilya mo.
 
Last edited:
Di pa ko daddy but I can relate to that.
Dami ko nang pamangkin eh. Hehehe.
Pero ganun talaga pag tumatanda na, dami na din responsilibities. Pero happy naman na nagiging productive ka habang nagagawa mo yung mga inaambisyon mo lang dati nung bata ka.
enjoy ka nlng muna habang binata ka pa hehe
 
tatay ako.. pero nagagawa ko pa rin gusto ko..

importante may trabaho. para may pambili lahat ng kailangan mo at ng pamilya mo

kailangan .. kapag isa kang ama
..
nasa utak mo dapat .. puro sarap walang hirap.. dapat laging másáráp buhay ng pamilya mo.
tama .. family dapat muna bago ang sarili hahaha
 
Ampeg nyan para ding kay spidey, Parenthood comes with great responsibilities. You gotta work and play harder:):)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top