What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Root access f-a-q sagot sa lahat ng tanong

Dark Chroma

Addict
Joined
Sep 22, 2015
Messages
415
About me:
Mahigit 7 taon na po akong Rooted Android user at hindi ko kayang magkaroon ng android na hindi rooted

Important Notice:
• Lahat ng nagiging problema ng mga rooted device ay kasalanan ng user... WAG ISISI SA IBA
• Bago po ang lahat... mahalaga na magkaroon muna kayo ng NANDROID BACKUP (maiintindihan nyo mamaya kung ano yun)

Common Terms
- RECOVERY: kadalasan itong ginagamit sa pagfo format ng phone
• turn off device, press Vol+, Home Button, at Power Button ng sabay sabay
- ROM (read only memory): ito yung compilation ng lahat ng apps na naka install sa phone mo, supposedly hindi to accessible sa user pero once rooted, magagawa mo lahat ng gusto mong gawin sa rom mo
- Kernel: kaluluwa ng andriod... sya ang nagma manage sa mga processes sa android mo
- Custom Recovery: kailangan ito lalo na sa pag Nandroid BackUp, Flash ng Zip Files, Custom BackUp and Restore etc.
- Custom Rom: Unofficial release na ROM, kadalasan mas maganda ito kaysa sa official ROM at prerooted pa
- Custom Kernel: modified kernel for better performance.
- Bloatwares: Ito yung mga walang kwentang app na naka install sayo (system or user apps)
- Malwares: Apps na gumagawa ng kalokohan
- Bootloop: may topak na android mo, paulit ulit sa boot animation (startup logo)
- Soft/Hard brick: sira ang android mo! kailangan nang ipagamot, walang response or blackout
- SD card partition: pwedwng gamitin sa pag expand ng internal memory at virtual ram

ADVANTAGES
Marami kang bagay na gusto mong gawin sa CP mo pero hindi pwede kasi ipinag babawal ng manufacturer just like h@cking an app, theming your android, powerful operations, uninstall ng system apps, boost android performance... pag may Root Access ka na you can do all that stuffs... pero hindi lang jan ang Root Access... mauubos ang oras mo kaka basa kung iisa isahin natin ang kaya mong gawin with that kaya proceed na tayo

DISADVANTAGES
Maaaring tuluyang masira ang phone mo SYEMPRE kung di ka marunong sumunod sa instructions or di ka maingat

ROOTED vs NON-ROOTED
Syempre kung tunkol sa performance at capabilities... panalo ang ROOTED...
Yun nga lang mahina ang security at stability ng ROOTED DEVICE compare sa NON-ROOTED

Pwede bang I UN-ROOT?
Syempre naman... provided yan ng root management apps like super su

Best Rooting Method
Wala pong best rooting method dahil wala namang universal way sa pagro root...
Ibat iba ang rooting method dipende sa modwl ng phone mo... may versions na kailangan ng PC, may versions na kailangan on the air, meron ding tru custom recovery, or flash via terminal emulator
For list of almost all known devices and their rooting method, refer to this link You must register or login to view this.

## NOTES bago kayo mag umpisa sa ROOTING ##

1. !!! DO A RESEARCH !!!
RESEARCH... RESEARCH... RESEARCH...

MALING MALI na magtanong kayo kung kani kanino kung pano mag root kasi walang nakaka kabisado kung ano ang tamang rooting method para kay android version xxx maliban kay google... like I said... walang universal way...

2. Plan ahead

What if nag fail ang process at nabootloop ang cp mo (which is rare kung tama naman lahat ng ginawa at sinundan mo)...
Laging may solution para jan...
Itanong mo ulit kay google na para bang nasira na ang cp mo...

3. BackUp

Bago ka mag umpisa... I backup mo muna ang pwede mong ibackup like contacts, files, progress and so on.

4. Make sure na fully charged or atleast 80% ang chrge ng battery mo

5. Save all your backup and files in flash drive or external memory

6. ROOTING WILL VOID WARRANTY

7. Stup!dity will ruin the whole process kaya dapat alamin mo muna bago mo gawin


## SUCCESS!!! Ano nang gagawin? ##

1) MAKE A NANDROID BACKUP
like I said sa itaas... mahalaga yan... mahalagang mahalaga kasi paglalaruan mo na ang kaloob looban ng cp mo so dapat lang na mag backup ka
May ibat ibang way sa pag back up pero ang pinaka basic is tru custom recovery
May kanya kanyang compatible na custom recovery sa bawat android kaya dapat mag search ka kung ano ang compatible na Custom Recovery para sa android mo

2. Wag basta basta mag try ng kung ano anong tweaking apps dahil isa yan sa nagpapa sira ng phone

3. Ugaliin ang Research before you Apply
Research mo muna bago mo gawin kung ano mang gusto mong gawin lalo na kung di ka sure sa kakalabasan

4. Remove Bloatwares
When I say bloatwares... ito yung mga apps na HINDI MO KAILANGAN, papabilisin nyan ang performance ng android mo, papahabain ang life span ng battery at palalakihin ang free space sa system... para sa akin bloatware ang GAPPS or google apps at safe to remove sya kaya pwede ko syang I uninstall... BE CAREFULL dahil pwedeng maging fatal yan sa android mo pag mali ka ng na uninstall... pwede kang mag uninstall gamit ang Link2SD at Titanium BackUp

5. Install powerful and useful apps
MIXplorer
- fullypacked file explorer na mas maganda at mas magaan sa halos lahat ng file explorer... must try
Link2SD
- madaling mag manage ng apps gamit yan
Lucky *****er
- siguro naman alam nyo na to... pero mas marami pa itong nagagawa pag rooted
XPosed Installer
- framework na tutulungan kang baguhin ang kung ano ano sa phone mo (maraming modules na very useful)
Gravity Box
- compilation ng mga theming apps para mag mukhang kakaiba ang android mo...
- search mo yung compatible para sayo
Titanium BackUp
- very handy at fulky featured app para sa pag mamanage ng apps sa android mo (for intermediate users)

ROOTING your android gives you great power
And Great power comes with GREAT RESPONSIBILITY
yan ang wala sa karamihan ng mga root users...
Wag ka nang dumagdag dun kung ayaw mong masira ang phone mo

Happy Rooting :)

----UPDATE----

Kung sakali guys na may makita kayong post about rooting problems paki link nalang nitong thread :)


---- USEFUL THREADS ----
Coming from various PHC Members

Magisk VS SuperSU
https://www.phcorner.net/threads/563702/

Ways to save Battery Charge
https://www.phcorner.net/threads/141350/

Fix Virus on Android
https://www.phcorner.net/threads/572992/

Remove Google on your device (rooted)
https://www.phcorner.net/threads/573079/

Bypass Lockscreen
https://www.phcorner.net/threads/510436/
https://www.phcorner.net/threads/260208/


Hide Files Easy
https://www.phcorner.net/threads/574391/#post-9451041

Ultimate Battery Saving Apps (YT Link)
https://www.phcorner.net/threads/275898/

Boost Internet Speed Android (ROOTED)
https://www.phcorner.net/threads/271026/

Boost android's overall performance
https://www.phcorner.net/threads/262929/

AntiVirus/Malware on Android
https://www.phcorner.net/threads/258351/

Floating Apps Rooted
https://www.phcorner.net/threads/256817/
 
Last edited:

djlouiexz25

Eternal Poster
Established
Joined
May 10, 2014
Messages
1,870
malaking tulong ang iyong napakahalagang paalala.salamat ng marami para dito.
 

Hexxat

Addict
Joined
Jan 14, 2016
Messages
380
Maraming methods ng pag root ng Android phone but I suggest using Magisk, "systemless" root po yan kasi ngayon strict na ang Google dapat papasa ka safetynet para maka bili ng apps, subscriptions and in-app-purchases para sa Gems ng laro nyo etc. useful ang root no need to explain nakasulat na sa thread pero kung willing ka talagang e sacrifice ang safetynet it means di kana makaka bili sa Playstore at may games din na nakaka detect ng root, so ayun na imbento ang Systemless root na "Magisk" rooted ka na, pasa ka pa sa safetynet makakapag purchase ka din :)
 

9 yr old

Honorary Poster
Established
Joined
Oct 31, 2017
Messages
974
Magandang tutorial and great advice para sa mga newbie boss salamat sa share :)

Clarify ko lang ang mga to:

ROM (read-only memory)
Ito po yung physical memory, hindi po yung compilation ng lahat ng apps. In other words, ito po ay isang chip where your data is stored, it is not the data itself.
The memory is read-only because of the configuration (write permission is disabled) of the OS and file system mostly for security reasons but this can be edited through rooting.
(This is why rooting is bad because it can mess up your system files and file permissions if you don't know what you're doing!!)

Kernel (device-specific driver kung sa android)
A piece of software that links the hardware and a particular os. Kumbaga driver siya kung sa pc

Soft brick and hard brick

Ito naman magkaiba.
Yung "soft" brick is yung software lang ang nasira, pwede mo lang e nandroid restore or flash another tested working rom, problem solved.
Yung "hard" brick naman, nasira ang phone mo in the hardware level (e.g motherboard short circuit) and, of course, needs physical servicing.

Custom ROM (sometimes called firmware or more specifically the OS)
  • Di ko alam why it is named ROM when it is the OS.. maybe because the majority liked calling it like that and the community just went with the flow or;
  • It was meant to be ROM firmware, kase nasa read-only memory yung firmware hindi as RAM, but "Custom ROM firmware" was too long so the majority discarded it when mentioning and the community followed after.
I don't know for sure.. but
Lahat ng ROM na hindi factory installed or stock rom ay custom rom. May two types ng custom rom:
  • Official Custom ROM - ito ay maintained usually by a group who developed the ROM in general (e.g CyanogenMod developers)
  • Unofficial Custom ROM - ito ay maintained only by whoever decided to port the ROM to another usually unsupported device.
For those wanting to root, take note that just one missing important system file or wrong permission can cause bootloop.. say goodbye to your dog pictures there if that happens. So take some time to research! Always have a backup plan if ever anything happens. It always pays to be careful. Happy rooting! :)
 
Last edited by a moderator:

Dark Chroma

Addict
Joined
Sep 22, 2015
Messages
415
Maraming methods ng pag root ng Android phone but I suggest using Magisk, "systemless" root po yan kasi ngayon strict na ang Google dapat papasa ka safetynet para maka bili ng apps, subscriptions and in-app-purchases para sa Gems ng laro nyo etc. useful ang root no need to explain nakasulat na sa thread pero kung willing ka talagang e sacrifice ang safetynet it means di kana makaka bili sa Playstore at may games din na nakaka detect ng root, so ayun na imbento ang Systemless root na "Magisk" rooted ka na, pasa ka pa sa safetynet makakapag purchase ka din :)
Thanks for mentioning magisk... sana talaga tumaas pa ang success rate ng magisk lalo na yung root hide
 

Dark Chroma

Addict
Joined
Sep 22, 2015
Messages
415
Magandang tutorial and great advice para sa mga newbie boss salamat sa share :)

Clarify ko lang ang mga to:

ROM (read-only memory)
Ito po yung physical memory, hindi po yung compilation ng lahat ng apps. In other words, ito po ay isang chip where your data is stored, it is not the data itself.
The memory is read-only because of the configuration (write permission is disabled) of the OS and file system mostly for security reasons but this can be edited through rooting.

Kernel (device-specific driver kung sa android)
A piece of software that links the hardware and a particular os. Kumbaga driver siya kung sa pc

Soft brick and hard brick

Ito naman magkaiba. Yung "soft" brick is yung software lang ang nasira, pwede mo lang e nandroid restore or flash another tested working rom, problem solved. Yung "hard" brick naman, nasira ang phone mo in the hardware level (e.g motherboard short circuit) and, of course, needs physical servicing.

Custom ROM (sometimes called firmware or more specifically the OS)
Lahat ng ROM na hindi factory installed or stock rom ay custom rom. May two types ng custom rom:
  • Official Custom ROM - ito ay maintained usually by a group who developed the ROM in general (e.g CyanogenMod developers)
  • Unofficial Custom ROM - ito ay maintained only by whoever decided to port the ROM to another usually unsupported device.
Thanks... hindi ko kasi alam kung pano pasisimplehin yung explanation hehe
 
Last edited by a moderator:

PHC-Ghost

PHC Contributor
Joined
Apr 14, 2017
Messages
10,900
Very informative. Salamat sa pagshare.
Bookmark ko eto.
 

jheff3434

Leecher
Joined
Mar 16, 2018
Messages
11
di ako makarelate kasi ngaun ko lang nalaman ang mga dapat kung malaman about sa phone lalo na sa android gusto ko pong i root ang cp ko which is vivo 5s adroid 6 po sya medyo naguguluhan pa ako pero kung may tutorial po sana kayo sana maishare no po saken ,, more power po and maraming salamat po ,sa mga information
 

mhar27

Enthusiast
Joined
Jul 7, 2017
Messages
137
Thanks... hindi ko kasi alam kung pano pasisimplehin yung explanation hehe
boss pewde mgtanong..pano i root ang sm-120H 2016.. .kasi pgiroot ko po sya via odin cnsbing error because of frp.
 

Hexxat

Addict
Joined
Jan 14, 2016
Messages
380
boss pewde mgtanong..pano i root ang sm-120H 2016.. .kasi pgiroot ko po sya via odin cnsbing error because of frp.
hanapin nyo po yung compatible na file para sa odin, SM models diba paps samsung mga yan ?
 

Kjniolar

Addict
Joined
Mar 9, 2017
Messages
209
Maraming salamat po. Now i'm ready to take the consequences of rooting my phone. Maraming salamat talaga idol.
 

Kjniolar

Addict
Joined
Mar 9, 2017
Messages
209
Maraming methods ng pag root ng Android phone but I suggest using Magisk, "systemless" root po yan kasi ngayon strict na ang Google dapat papasa ka safetynet para maka bili ng apps, subscriptions and in-app-purchases para sa Gems ng laro nyo etc. useful ang root no need to explain nakasulat na sa thread pero kung willing ka talagang e sacrifice ang safetynet it means di kana makaka bili sa Playstore at may games din na nakaka detect ng root, so ayun na imbento ang Systemless root na "Magisk" rooted ka na, pasa ka pa sa safetynet makakapag purchase ka din :)
Pwede po ba dito version 6.0.1? Tia
 

ynoh22

Honorary Poster
Joined
Aug 22, 2016
Messages
509
thanks for sharing paps, very informative :)
 
Thread starter Similar threads Date
E
M
F
V
G

Similar threads


Popular On This Forum

New Topics On This Forum

Forum statistics

Threads
567,685
Messages
11,060,775
Members
1,062,079
Latest member
eysori
Top