What's new

Closed Sa likod ng kasaysayan: bagani

Status
Not open for further replies.
bagani_fb.jpg

Ang Bagani ay tribal warriors, defense system ng mga tribo noong may tribal wars pa. Nag-aagawan ng lupa, Manobo laban sa Mamanwa o iba pang tribo. Pero umabot ang panahon na nagkaroon na ng 'Tampuda' (peace pact) ang mga Manobo at Mamanwa, tulad ng 'Diyande' para sa mga B'laan at Bagobo.

Nagkaisa ang mga tribo na itigil na ang lahat ng porma ng tribal wars. Lalo pa itong umigting sa panahong nakita nila na ang common enemy na ay ang malalaking dayuhang kompanya ng mina, dams, at plantasyon na nagdidisplace sa kanila at pumapatay sa kanilang mga datu dahil sa pagtutol.

Ang Magahat naman ay ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng tribo sa pangunguna ng datu o tribal leader.

PERO BINASTOS ITO NG AFP. GINAMIT ANG MAGAHAT AT BAGANI PARA IPANGALAN SA PARAMILITARIES NILA. Inarmasan at sinanay nila ang mga iilang narecruit na Lumad para pumatay ng kapwa Lumad!!!

Sa totoo lang, maririnig mo ang mga matatandang Lumad na nagrerefuse sa paggamit ng Magahat at Bagani sa paramil. Dahil para sa kanila, sagrado ang mga ito, bahagi ng kanilang kasaysayan.

Hanggang sa binastos nga ng AFP ang kultura, hinati-hati ang mga Lumad para mas madaling makapasok ang mina at plantasyon. Pero bigo ang AFP dahil nananatiling matatag ang paninindigan at organisasyon ng mga Lumad.

Sa mainstream usage ngayon, ang mga Bagani at Magahat ay mga tuta ng AFP, marahas na pumapatay, nagnanakaw at binibinyagang 'datu' ng NCIP para papirmahin ng mining contracts na hindi naman pinayagan ng mga Lumad communities.

BAGANI Teleserye: Bastardization another!

Ngayon punta tayo sa tweets ni Liza Soberano at sa writer ng Bagani teleserye.

Sinasalamin ng tweets na 'to ang pagtingin ng burgis na kultura sa kasaysayan ng mga Lumad, pagiging invisible ng IPs sa textbooks at ang mukha ng IPs sa mainstream media: nangingibabaw ang exoticism, kawalan ng politika at itinatatago ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Lumad.

Masasalamin sa class consciousness ni Liza Soberano na ang pagtingin sa pagka Pilipino ay pagtangkilik sa lutong Pinoy. Liza, bukod sa love mo ang sinigang, sana love mo rin ang mga nasa likod ng salitang Bagani, ang pakikibaka nila. Mars, iniimbitahan ka namin na bumisita sa Lumad communities, mag-integrate at makiisa sa laban ng mga Lumad. Iyan pwede pa nating sabihing pagkaPinoy yan. Ang pag-appreciate natin sa nasyonalismo ay hindi natatapos sa sinigang. May bayan tayong pinapalaya.

Kay Writer Mark Duane Angos, ang mapagpalayang sining ay sumasalamin sa tunay na nangyayari sa lipunan. Ang 'fantasy universe' ay lalo lamang dumadagdag sa kawalan ng kaalaman ng mga Pilipino sa sarili nitong kasaysayan. Hindi matamis kundi mapait ang katotohanan sa likod ng salitang Bagani. Lumabas tayo sa pantasya natin. Mars, pwede nating gamitin ang media para makatulong sa pagpapalaya ng bayan mula sa pagkakait sa atin ng sarili nating kasaysayan. :)
credit to: Kenneth C.
#Bagani
#KulturaNgLumadPaunlarin
#StopLumadKillings
 

Attachments

Or forward nyu nalang kay sa mga socialist/commie nyung galamay sa congress para ibunyag kung sinu man yung mga politician or mga ma impleyensyang pamilya na nag exploit sa mga lupa nang mga indigenous people nang Mindanao? Pinapa-bango or justified nyu pa yung pag extort nyu sa mga mining corporations dyan sa Mindanao. olol
 
Or forward nyu nalang kay sa mga socialist/commie nyung galamay sa congress para ibunyag kung sinu man yung mga politician or mga ma impleyensyang pamilya na nag exploit sa mga lupa nang mga indigenous people nang Mindanao? Pinapa-bango or justified nyu pa yung pag extort nyu sa mga mining corporations dyan sa Mindanao. olol
tanong ko naman sayo kung tama ba pagmimina ng ating likas na yaman para sa pansarili nila kapakinabangan at pagyaman. Hindi ng para sa pangkalahatan nakikinabang
 
tanong ko naman sayo kung tama ba pagmimina ng ating likas na yaman para sa pansarili nila kapakinabangan at pagyaman. Hindi ng para sa pangkalahatan nakikinabang

NPA ay lesser Evil or mas EVIL pa sa mga mining corporation, so kung nag bayad nang revolutionary tax ng isang mining corporation eh hindi na nila susunugin yung equipment nila?
 
NPA ay lesser Evil or mas EVIL pa sa mga mining corporation, so kung nag bayad nang revolutionary tax ng isang mining corporation eh hindi na nila susunugin yung equipment nila?
thats not the reason, sinusunog lang ang mga equip ng mga iligal miners at kung may sumbong ang mga trabahador nito na nakakaranas ng pang aapi at pagsasamantala mula sa mga may ari ng minahan..

Alam mo kung sa bayan na ang naghahari ang mayayaman na kayang kontrolin ang gobyerno at militar dito dahil sa pera nila. Kayang paikutin ang batas dito.. Tulad ng mga mining company sa mindanao. Sino pa ang tatakbuhan ng mga magsasaka at mamamayan sa lugar na ito.. Kung wala naman tao inaapi at pinagsasamantalahan hindi magkakaroon ng rebelde
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top