What's new

Closed Bluebox2600: it's time (door 1)

Status
Not open for further replies.

DWE Alamat

Addict
Joined
Feb 14, 2018
Posts
8
Reaction
14
Points
70
Age
24
Ang artikulong ito ay karugtong lamang ng "Introduction Part" ng Bluebox2600: It's Time.

Kung iyong mababasa ang naunang part ng series na ito, sa umpisa ng laro ay may apat na pintong pagpipilian. Ang nais ng larong ito ay malaman kung alin sa apat na pinto ang sa tingin mo ay ang tamang pinto sa pamamagitan ng mga puzzles na iniwan ng mismong creator nito.

Handa ka na bang buksan ang mga pinto?

Unahin na natin ang unang pinto. Sa lahat ng pinto, ito ang may pinakamatagal na video. Sa unang part ng video, mga montage lang sa labas ng bahay, mga highway, magagandang tanawin at marami pa kasabay nito ang kanta ni Billie Holiday habang patuloy na nag peplay ang video pero ang mga sumunod na clip ay biglang nag-gliglitch at kasunod nito ay ang malalabong video na may lalaking nakaupo habang nakatakip ang mukha ng tela ngunit may butas ang dalawang mata at bibig ng tela pero hindi pa rin naaaninag ang mukha ng nasa likod nito.

Habang naka-play ang clip ng lalaki, may text na mababasa sa kada segundo ng video kasabay ng pag blablack-out nito,

KILL
DON'T CRY
followmefollowmefollowme
BLOOD
(Russian word, hindi ko alam kung anong meaning)
followmefollowmefollowme
GOD WILL NOT HELP YOU
SLAVE
(Russian word)
HA HA HA Please
STOP
I NEED YOU PLEASE
I WANT YOU
followmefollowmefollowme
CHILD
STOP Please
I WANT YOU I NEED YOU
Please forgive me
WHY SO SAD?
MO
RT
UU
SV
IR
DE
AD
MA
N!
(Russian Word)
Hello, Beautiful.

Pagkatapos ng mga text na lumalabas sa bawat segundo ng video, magsisimula nang magsalita ang lalaking may nakabalot ng tela sa kaniyang mukha. Sa hindi masiyadong maintindihan na boses, batay sa mga naunang linya na kaniyang sinambit, ito ay tungkol sa isang babae at anak nito.

"I saw you with your true love…I saw you with your child….I have watched the child…I have watched your child but some day I may decide to do more…"

Habang naka-upo ang lalaki, gumalaw ito at inilapit ang kaniyang mukha sa camera at patuloy na nagsalita.

"One day I merely may decide not to follow, not to watch…I may decide something needs to be done…Something more vicious…Whether it be with you or your child…."

Maaari kayang may malalalim na kahulugan ang mga sinasabi ng lalaki? Maaari din na may tunay na kwento sa likod nito kung bakit niya ito ipinapaalam sa mga manonoud.

Lumipat sa ibang clip, at ang lalaki naman ngayon ay nakaharap na sa isang salamin habang may sunod-sunod na text na mag popop-up sa video. Lumilingon-lingon ito sa camera at sa salamin ng paulit-ulit kasabay ng glitch ng video. Kasabay ng malalakas na tunog at mga huni ng hindi mo mawari kung sino ang may likha ng mga tunog na ito.

Ilang segundo lamang ang lumipas, tinanggal ng lalaki ang telang nakabalot sa kaniyang mukha habang nakaharap sa salamin ngunit saglitan lamang ito at ibang clip na naman ang ipinakita. Mga clips ng naglalakad na tao ng nakatalikod sa camera sa isang masikip na eskinita at sa highway, makalat na sahig sa isang bahay, crib ng isang baby, at isa pang tao na may nakakatakot na mukha habang nakatingin sa salamin.

Pagkatapos ng mga clips ay mag fefade na lamang ang video at babalik muli ito sa umpisa. Ito na yata ang may pinakamahaba at nakakatakot na video sa lahat ng pinto. Sulit ang panonoud simula umpisa hanggang sa matapos dahil sa background music, sound effects at sa mga video clips na ipinakita. Ngunit ayon sa hidden code sa html nito, hindi ito ang tamang pinto.

Para sayo? Ano ang tamang pinto? Handa ka na bang buksan ang susunod na pinto?

Ipagpapatuloy...

Bluebox2600: blueboxlxc4o7mvk . onion
It's Time: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. . onion/
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top