What's new

Closed Help sa mga nag weweb dev diyan

Status
Not open for further replies.

Jebaby

Addict
Joined
Nov 18, 2015
Posts
126
Reaction
51
Points
101
Age
28
Mga sir/boss/kuya/ate/maam sino po sa inyo gising pa? Pwede mag ask? sa mga web dev diyan??

Sino po ang marunong or pwede mag suggest ng data entry na walang gamit na iniimport like jquery na 3rd party such as (datatables) bawal kasi sa thesis namin

ano pong alternative na pwede niyong masuggest

PS: Defense na namin sa saturday
PPS: gusto ko nang umiyak
 
hindi ko alam yang web dev pero nakakarelate ako sayo sa thesis, ako naman sa miyerkules na gigisahin huhu
 
Bakit daw bawal TS? Narinig na ba ng mga prof mo yung programming quote na "Do not reinvent the wheel"? Bakit niyo gagawin ulit ang isang bagay na nagawa na, kaya nga meron developer community sa internet na gumagawa ng mga library para mapabilis ang trabaho. Wala sanang problema kung mag explore at i-redo mo ang isang library kung wala kang schedule na sinusunod just for learning purposes ika nga. Sorry kung iinsultohin ko mga prof mo pero sure ako hindi bihasa mag code mga yan, sadista lang sila pinipiga lang kayo. Kung hindi kayo papayagan gumamit ng third party library syempre wala kang choice kundi icode yung datatable.
 
Last edited:

yun na nga daw hindi daw talaga pwede kasi daw po baka mahirapan kaming intindihin yun sad life for us :( ano masuggest mo sir?
 
Nahirapan ba kayong gumamit ng datatable?

hindi ko talaga kasi magets ang code ng data table pang advance lang daw kasi yun mga libraries na ganun sir hehehe wala kasi talaga ako background sa pag web dev so kapit patalim ako
 
Kaiyak talaga bukas na kami mag defense tapos nag makaawa na ako para sabihin yun tapos baka yun pa daw ang maging reason na mabalikan namin ang subject
 
Marunong ka na man mag fetch ng data sa server mo di ba? Back to basic ka na lang ts. Display mo yung data sa simpleng table. Lahat sa server side mo na gawin yung data pagination, sorting and searching kung PHP ang server mo sorry pero hindi kita matutulungan sa code, hindi kasi sakop ng skillset ko ang PHP.
 
salamat po master gagawin ko po mga payo mo! :)
 
Mas importante ang resourceful ang isang dev, para kahit ano problema sa harapan nya ai ma re-resolve nya gamit ang pagiging resourceful. hindi lahat ng dev memorize nya lahat ng syntax ng isang language. yun prof nyo hindi nya alam ano ang ginagawa sa outside world ng school nyo. sa labas resourceful ka dapat.
 
Edi aralin mo kung pano magmanipulate ng DOM (document.getElementById etc.). Standard yun na dapat alam ng bawat developer. Usually yung mga accreditation exams ng Google etc. required ka din na di gumamit ng framework so dapat alam mo yung mga various browsers API. Ok na din atleast magagamit mo sa future so ok lang na aralin.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top