What's new

Closed Bluebox2600: it's time (introduction)

Status
Not open for further replies.

DWE Alamat

Addict
Joined
Feb 14, 2018
Posts
8
Reaction
14
Points
70
Age
24
Kung isa ka sa mga feeling diver o di kaya naman ay diver talaga sa Deep Web, maaaring alam mo na kung ano o sino ang Bluebox2600. Ang Bluebox2600 ay isang site sa Darknet na kung saan makikita mo ang ibat-ibang palaro na maaari mong laruin ng libre lamang. Kilala ang Bluebox2600 bilang "The Puzzle Maker" batay sa bansag sa creator nito.

Ang Bluebox2600 ay may ibat-ibang palaro katulad ng "The*******" (na hindi pa narerelease dahil inaayos pa), "Witches Code", "Creepy", "The Light", "Alien", at ang pinaka-naangasan ako sa lahat, ang "It's Time". Kaya kung isa ka sa mga naboboring na feeling diver at puro rant lang ng rant na masiyadong nagmamagaling na akala mo naman ay diver talaga, at gustong-gusto yung mga creepy na nakakakaba ng sobra, BAGAY NA BAGAY TO SAYO ka-baruy.

Maaaring ngayon mo pa lang ito malalaman o mababasa. Maaaring ngayon mo pa lang ito mapupuntahan o makikita. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit "It's Time" ang ipinangalan ng Bluebox2600 sa larong ito, para malaman mo kung bakit, basahin mo hanggang dulo.

Sa unang bukas mo pa lang ng site ng It's Time, bubungad na agad sayo ang isang .webm na video na may napakababang resolution at yung filter ng video ay maaaring year 1970-1980. Ang video na ito ay automatic na magple-play at makikita mo ang isang tao na maaaring naka-hood o di kaya naman ay naka mask na nasa kusina habang may kinakatay na tao.

Kasabay ng video, ay ang background music nito na nagsimula sa mahina at palakas ng palakas habang may umiiyak na maaaring babae o lalaki. Aabot lamang sa apat hanggang limang segundo at bigla na lamang nawala ang tao na marahil ay pinutol ang clip pero patuloy pa din ang pag-play ng video habang naka-focus lamang sa kabuuan ng kusina.

Lumipas lamang ang 30 seconds at biglang nag-flash ang video ngunit kasabay ng pag-flash ng video ay may napakabilis na .1 second clip ng picture na plain white pero may mga words na magkakahiwalay na maaaring dalawang pangungusap ang mabubuo kung bubuuhin ito.

a
lady
stile.
the
to
she
On
the
out.
I
parson
lady

Kung iisiping mabuti, maaaring may dalawang pangungusap ang nais iparating ng mga salitang ito dahil may mga tuldok sa salitang "stile" at "out". May dalawang salita naman na naka-capitalized letter ang umpisa nito, ang "On" at "I". Matapos ang napakabilis na clip na ito, bumalik ang lalaki habang buhat-buhat ang isang maliit na katawan ng tao at inilapag muli ito katabi ng pinaglalagyan ng kalan.

Matapos ilapag ang katawan, makikitang nagfafast forward ang video habang may dinudukot ang lalaki sa tiyan ng katawan at naputol na naman ang video, nawala ang lalaki at nakafocus na naman sa kabuuan ng kusina sa huling limang segundo ng video.

Simula sa umpisa ng video sa pinaka-entrance ng site hanggang sa matapos ang video, nakasulat sa ibaba ang "It's Time", sa baba naman ng title ng game, nakasulat ang "Click to Begin" at sumunod dito ay ang salitang "Another puzzle by Bluebox2600". Upang umpisahan ang laro, pipindutin lamang ang "Click to Begin" gamit ang cursor ng mouse at bubungad na sa iyong screen ang apat na pinto. Marahil ay dahil sa background sound ng laro kung bakit "It's Time" ang ipinangalan sa game na ito ay dahil habang nag-iisip ka kung anong pinto ang nais mong buksan ay may mabilis na tunog ng orasan ang sumasabay sayo.

Handa ka na bang buksan ang unang pinto?

Ipagpapatuloy...

Bluebox2600: blueboxlxc4o7mvk . onion

It's Time: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. . onion/
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top