What's new

Closed Real creepy story behind disney movies

Status
Not open for further replies.

dostresx

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 6, 2016
Posts
1,978
Reaction
2,489
Points
822
Real Creepy story behind Disney Movies

-Whitehat
DG3KfOaMFMmIbfbviGyPDi1BqgSxTi2p0R1fxu0m9IyI59frmg.jpg

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga paboritong Disney Movies o Fairy Tale na mga kwentong may happy endings! Ngunit sa totoong kwento ay may madilim na pangyayari na maaaring makasira sa ating kabataan at pagkilala sa isa sa mga karakter na kilala natin.

Mga kwentong hindi nila isinama dahil sa mga madilim at di kaakit-akit na trahedya.

1. Cinderella - Alam naman nating naiwan ang gintong sapatos ni Cinderella, pero sinadya talaga itong iwan ni Cinderella. Mayroon syang dalawang pangit na step-sisters na kung saan pinutol ng isa ang mga daliri ng paa at hiniwa naman ng isa ang sakong ng kanyang paa para magkasya ang sapatos sa kanilang paa. Ngunit sinabihan ng mga kalapati na may dugo sa loob ng sapatos kaya't nalaman ng prinsipe na si Cinderella ang may ari ng sapatos. Tinuka ng mga ibon na kaibigan ni Cinderella ang mga mata ng kanyang step-sisters kung kayat habang buhay itong nabulag.
Siya parin ay tinutulungan ng mga kaibang mga hayop ngunit hindi mga daga kundi halos mga ibon at walang fairy God mother si Cinderella, siya ay may itinanim na isang puno sa tabi ng libingan ng kanyang ina at dinadasalan ito araw-araw at kinukuha niya ang mga makikinang na damit na suot nya sa may tabi ng puno.

2. Snow White and the Seven Dwarfs - Sa totoong kwento ay talagang napaka sama ng reyna at siya talga ay isang kanibal. Inutusan niya ang isang mangangaso para dalhin ang baga at atay ni Snow White para kaninin, ngunit hindi ito mapatay ng mangangaso kung kaya't nagdala na lamang sya ng baga at atay ng baboy at kinain naman ito ng reyna. Sa totoong kwento dalawang beses nyang binalak patayin si Snow White ngunit bigo sya sapagkat sa pangatlong pagkakataon ay binigay nya ang mansanas kay Snow White at ito'y nahimatay at hindi maka gising pang muli. Siya ay inilagay sa mala-salamin na kabaong at noong dumating an prinsipe ay pinilit syang kunin kahit na tulog pa ito. Sa kanilang paglalakbay habang karga-karga si Snow White ay nailaglag ni snow white ang may lason na mansanas sa kanyang lalamunan.
Sila naman ay ikinasal ng prinsipe at inimbita ang reyna at bilang kaparusahan ay siyang pasuotin ng nagbabagang sapatos at pinasayaw hanggang sa ito ay mamatay.

3. Sleeping Beauty - Pumunta ang hari sa bahay ni Sleeping Beauty at kumatok, ng walang pumansin sa katok ay pinilit nyang pasukin ang bahay at nakitang walang malay si Sleeping Beauty. Ni rape ng paulit-ulit ng hari si sleeping beauty, nabuntis ito at nagka anak kahit na ito ay tulog. Nakagising si Sleeping Beauty dahil sa isa sa kanyang anak ang sumipsip sa mala-karayom na mahika sa daliri ni Sleeping Beauty. Noong bumalik ang hari ay nahulog naman ang loob ni Sleeping beauty sa hari ngunit ang hari ay kasal sa reyna. Noong nahuli ito ng reyna ay hindi niya lang pinagtangkaang patayin ang kambal na anak nila ni Sleeping Beauty, gusto nya pa itong lutuin at ipilit na ipakain sa hari ngunit hindi naman ito nagtagumpay. Naging wakas ang pagpatay ng hari sa kanyang reyna para makasama si Sleeping Beauty habang buhay.

Follow me for more interesting Articles!
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top