What's new

Closed Bakit may negative na tao?

Status
Not open for further replies.

Luckymepoako

Honorary Poster
Established
Joined
Dec 14, 2017
Posts
156
Reaction
46
Points
143
MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG #NEGA

MASAYA ang balita mo, NEGA ang sagot.

“Ngayon lang yan, wag ka umasa.”

EXCITED kang mag-kwento tungkol sa achievement mo, NEGA ang reaction.

“Nagawa ko na din yan dati eh!”

NAG-TATATALON ka sa bagong blessing na dumating, deadma lang sila.

“Yan LANG ba pinagmamalaki mo?”

Paano naman tayo gaganahan mag-kwento kung sa bawat reaksyon at sagot ng kinakausap natin ay punong-puno ng negativity hindi ba?

Tuloy sila pa mismo ang nagiging dahilan kung bakit tayo napapanghihinaan ng loob at nawawalan ng gana na ituloy yung mga pangarap natin to aim for more.

Para kasing ga-patak lang yung positibong dumadaloy sa kanilang dugo.

Bakit nga ba sila ganyan?

One of the major reasons why some people are like that is because of ...

BITTERNESS

Nahihirapan sila mag move on!

Meron akong nabasang quote nun, ang sabi: “Akala ko nutrisyon lang ang madudulot ng ampalaya, bitterness din pala.”

Exactly the attitude of negative people---bitter sila.

Kasi maaring ang:

Inaasam- asam nila ay nakamtan mo na
Hindi nila matanggap ang mga pangyayari
Pangarap nila, sayo nangyari
Matagal nilang pinakahihintay, ikaw ang nauna makakuha

Even if it’s not your fault, yung frustration nila, sayo nila binubunton para magkaroon sila ng masisisi, kung bakit hindi pa nila narating ang narating mo.

Sa totoo lang, people who are bitter are hurting inside.

Nasaktan din sila, that’s why yung alam lang nila ay manakit din ng kapwa. If not, ito ay ang kanilang defense mechanism para hindi masabi na weak sila.

Ang tanong, gusto mo ba rin maging NEGA!?

I don’t think so.

Kaya nga, instead na mainis tayo, we should try our best to show compassion that they are really hurting people. We must show love instead of hate. Offer them consideration instead of judging them. Forgive them if not we will end up exactly like them.

"Huwag mong payagan na mahawaan ka ng mga taong negatibo! Always Chink Positive!"

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY.

Sino ang kilala mong ganito?
Ano kaya ang dahilan?
Gagayahin mo ba ang ganito o pipiliing maging #ChinkPositive
 
Pwede rin naman kaaing napagkaitan sila ng swerte at kaligayahan, kung kaya sila na mismo ang sumuko
 
iba iba kasi tayong lahat. natural maging nega natural ding mging positive. pag sumobra dyan na may mali hahahaha
 
Ang mga negative na tao ay puno ng negative content ang mind,nanunuod ng sobrang mga depressing na news,mga drama,Isama pa mga negative na input mula sa mga taong malapit sa kanila tulad ng magulang at mga kaibigan.
 
Ito ang payo ko diyan.

Filipos 4:6-7 (Ang Biblia)
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.


Anti-stress ang panalangin at daing na may pagpapasalamat :)
 
May nega na tao kasi nature ng tao yun,i mean,come on,think of it t.s, kapag walang nega sa isang usapan magkakaroon ba ng kwenta ang pag-uusap , kaya nga may positive and negative to make the conversation become neutral.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top