What's new

Closed Public wifi risks

Status
Not open for further replies.

dostresx

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 6, 2016
Posts
1,978
Reaction
2,489
Points
822
The Risk of a Public Wi-fi

-Whitehat

Kaway-kaway sa mga mahilig sa free wifi jan, ang mga public wifi ay makikita natin sa mga restaurant, hotel, airport, bookstore, at sa paborito nating tambayan na mga mall. Mga wifi na hindi kinakailangan ng password para maka connect at binibigay ng libre kung saan hindi na kailangan ng authentication para ma establish ang isang network.

Tayong mga Wi-Fi users ay nasa panganib sa kamay ng mga hac.ker kapag tayo ay konektado sa mga public wifi. Ngunit mayroon namang paraan para maiwasan ito, kaya narito ako para maging safe ang pag connect natin sa anumang public Wifi.

Gamit ang public wifi na ito ay kayang nakawin ng isang hac.ker ang ating mga information sa ating mga device dahil sa connected tayo sa iisang network ma hindi secured. Lahat ng mga information na sinisend mo sa internet gaya ng mga importanteng email, credit card information at mga security credential sa iyong business network.

Maaari ring mag lagay ng mga malware ang mga hac.ker sa isang unsecured na wifi gaya ng trojan na kayang ma remote ang mga device natin. kung pinabayaan mo ang file sharing sa isang network maaari rin mag tanim ng mga malware ang isang ha.cker sa ating softwares. Mag kakaroon ng pop-up sa inyong device na kunwari nagpapa update ng mga applications ngunit nag iinstall pala ito ng mga malware.

Pero hindi ibig sabihin nito ay habang buhay na nating iiwasan ang mga public wifi.
Maaari ngang madali lang ito sa mga hac.kers pero sa simpling pag iingat ay madali lang itong maiwasan gaya ng;

PAG GAMIT NG VPN

Ang VPN o virtual private network ang kailangan natin para maging ligtas ang pag gamit ng mga unsecured na connection. Gamit ang VPN ang pag interrupt ng isang hac.ker sa connection ay magiging hassle para sa kanila dahil sa naka encrypt ang ating data o information na sinisend sa iisang network, ang mga ha.cker ay gusto ng simpleng pagnanakaw at walang hassle. Kapag naka encrypt ang data natin, maaaring hindi nya ito manakaw dahil sa kinakailangan pa ng mahabang proseso para ma decrypt ang mga information.
Madalas gamitin o mas gustong gamitin ng karamihan ang VPN Master sa Android dahil sa ito ay libre lang.

Mas maganda narin kung papatayin muna natin ang ating mga WiFi kung hindi naman ito ginagamit para doble ligtas.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top