What's new

Closed Malamig na pag-ibig

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Puso'y nanginginig
Nauuhaw, pero ayaw ng tubig
Malamig, malamig
Nagyeyelong pag-ibig.

Napupuwing sa bawat titig mo
Nanlalamig sa tuwing yayakapin ako
Namamaos sa bawat wika mo
Kinikilabutan sa iyong pagkatuso.

Paligid nababalot ng lamig
Tuwing nariyan ka't sa akin nakatitig
Puso na tila huminto ang pintig
Dahil sa napakalamig na pag-ibig.

Sa taglamig, kung gaano kakapal ang yelo
'sing dami ng lamig para mamanhid ako
Sa bawat distansya, ikot ng relo
Nasasanay na kong wala ang tulad mo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top