What's new

Closed Silang mga komportable nakaupo.. sila din ang makikinabang sa itinutulak nila pederalismo

Status
Not open for further replies.
SILANG KOMPORTABLENG NAKAUPO..
DINASTIYANG POLITIKAL ANG MAKIKINABANG SA ITINUTULAK NILANG FEDERALISMO.

■ 94% o 73 mula sa 80 probinsiya sa bansa ay mayroong mga political dynasty

■ Nasa dalawa hanggang tatlo ang political dynasties kada probinsiya

■ 20% ng pamilyang Pilipino ang nagmamay-ari ng 80% ng yaman ng bansa

■ Dinodomina ng mga political dynasty ang mga malalaking partido politikal

■ Mas maraming political dynasty sa mga lugar at rehiyong may mataas na poverty rate

■ Mas mababa ang social mobility at mababa ang human development kung saan maraming political dynasty

■ Mas mayaman ang mga kongresistang mula sa political dynasty, ayon sa kanilang SALN (Statement of Assets and Liabilities Net Worth)

■ Mula 1907 (Unang Asembilyang Pilipino) hanggang 2004, ang Kongreso at Senado ay dinomina ng 160 pamilya na tuloy-tuloy na nakaupo sa puwesto ang dalawa hanggang tatlong miyembro ng isang pamilya

■ 61 ng kabuuang 98 kongresista noong 1946 ang mula sa pamilyang nakaupo sa politikal na posisyon mula 1907 hanggang 1941.

■ Lumawak ang lupang pagmamay-ari at ang negosyo (tabako, pagmimina, midya, real estate, banko, at iba pa) ng mga political dynasty

■ Ang mga politiko mula sa mga dinastiya na hindi pa ulit makatakbo sa aalisan o kasalukuyan na posisyon noon ay tatakbo sa ibang posisyon

■ Ang mga incumbent na opisyal na naabutan na ng term limit ay tumatakbo sa mga gawa-gawang partylist

Sa FEDERALISMO ni Duterte, sila-sila pa rin ang maghahati-hati sa posisyon sa gobyerno. Sila-sila pa rin ang magpapasasa sa pondo/yaman ng bayan.

Taumbayan ang naghihirap, Tayong dapat manindigan at lumaban!

NO TO CHARTER CHANGE. NO TO FEDERALISM.

(Datos mula sa ACT Teachers Partylist, CenPEG, Ibon Foundation at “An Empirical Analysis of Political Dynasties in the 15th Philippine Congress” ng Asian Institute of Management)
 
Mas gusto ko pa federal system kesa sa unitary na subok ng di epektib kinakalawang na pati, tama lang mag shift to federal para naman di karamihan sa resources eh napupunta sa imperial manila, ngayon kase kailngan mo pang makipagsisikan sa maynila dahil doon malaki ang sahod
 
nasaan po ba magiging maayos ang sistema kung sila rin ang uupo.. Mahigit 1 siglo sa kanila natin pinapaasa ang ating kabuhayan at ekonomiya pero may nabago ba,? Mas lalong humihirap ang mahirap habang sila ay lalong yumayaman.. Kung sa federalism ay sila din ang manunungkulan para sa akin wal din magbabago..

Maghahangad din naman tayo ng pagbabago doon na tayo sa SOCIALISM.
Dahil ito ang sistema ng lipunan na para sa nakararaming uri ng pilipino, ang maralita, magsasaka, manggagawa, propesyunal, maliliit na negosyante. Hindi ang sistemang ngaun o ang federalism man na ito ay para sa mga naghaharing uri.
komunista kaba ts? Yang act party list legal front yan ng cpp eh
 
Daming ek ek Hanapin mo ÿôutubê Mr Riyo at ipapaliwanag Niya federalism.
sir sa tingin nyo po ba mag papaliwanag si mr Riyo na hindi maganda sa federalism o may hindi maganda sa federalism kung sya ay Pro DDS? Syempre po hindi. Bilang bahagi ng propaganda ng mga DDS ito..

Kung gusto po natin malaman ang totoo patungkol sa isyu.. Wag po tayo manatili sa isang side lang nito. Alamin din natin ang kabilang side bago tayo magsuri kung ano ba paniniwalaan natin..
 
ibig pala sabihin , sa federalism, porma lang ng panggugubyerno ang mababago pero ang esensya/kaibuturan ng political, economic and cutural system ay mananatiling gaya pa rin ng dati o maaaring maging mas malala pa nga.
 
ibig pala sabihin , sa federalism, porma lang ng panggugubyerno ang mababago pero ang esensya/kaibuturan ng political, economic and cutural system ay mananatiling gaya pa rin ng dati o maaaring maging mas malala pa nga.
watch Jan Erk video in YøùTùbé about FEDERALISM para maliwanagan ka sir just don't jump in a conclusion
 
TS yung ipinost mo po ay applicable sa lahat ng uri ng gobyerno, pero tama ka po kung sino nakaupo sya ang makikinabang. Kahit democratic, autocrati, fascist, communist o kahit anong form pa yan yung mga nanunungkulan ang makapangyarihan at dahil nga sa kasabihang power (kesyo minimal o absolute pa yan) corrupts, inaabuso ito ng mga makapangyarihan at kanilang ginagamit ang power para sa ikakaunlad nila at sa mga pinagkakautangan nila ng loob.
Ang problema po ay hindi kung ano ang uri ng gobyerno ang gusto natin kundi po ang tunay uri ng puso ng mga pipiliin nating mamuno sa atin.
Ito po ay aking saloobin lamang, mabuhay po tayo!
 
ibig pala sabihin , sa federalism, porma lang ng panggugubyerno ang mababago pero ang esensya/kaibuturan ng political, economic and cutural system ay mananatiling gaya pa rin ng dati o maaaring maging mas malala pa nga.
tama po kayo, hanggat dala dala natin ang makalumang political, economic,at cultural ay walang mababago.. Porma nga lang ng gobyerno ang binago at hindi ang sistema nito..
 
Last edited:
TS yung ipinost mo po ay applicable sa lahat ng uri ng gobyerno, pero tama ka po kung sino nakaupo sya ang makikinabang. Kahit democratic, autocrati, fascist, communist o kahit anong form pa yan yung mga nanunungkulan ang makapangyarihan at dahil nga sa kasabihang power (kesyo minimal o absolute pa yan) corrupts, inaabuso ito ng mga makapangyarihan at kanilang ginagamit ang power para sa ikakaunlad nila at sa mga pinagkakautangan nila ng loob.
Ang problema po ay hindi kung ano ang uri ng gobyerno ang gusto natin kundi po ang tunay uri ng puso ng mga pipiliin nating mamuno sa atin.
Ito po ay aking saloobin lamang, mabuhay po tayo!
tama po kayo sir.. Kaya ko po nasabi na uri ay dahil batay sa kasaysayan at sa pagsusuri ng bawat uri ng tao sa lipunan ay doon po natin makikita sa uri kung ano ba ang interes ng bawat isa at sino ba ang paglilingkuran nila.. Halimbawa po ang uri ng tao nakaupo sa gobyerno natin ngaun.. Sila ang mayayaman, may malalaking negosyo, may malawak na lupain. Di po ba, ang interes nila ay yumaman pa, lumawak pa negosyo nila at lumawak ang lupain? Magbibigay ba sila ng reporma sa lupa sa magsasaka kung mababawasan ang lupa nila? Magbibigay ba sila ng mataas na sahod kung sila ang may ari ng negosyo, tatanggalin ba nila ang kontraktwalisasyon para maregular ang manggagawa nila.
Bakit walang makaupo sa gobyerno na magsasaka at manggagawa o mahirap? Bakit hindi tayo magpaupo ng tao na mula sa uri ng nakararami bilang ng populasyon na magbibigay ng interes na para sa lahat..

Isa lang po un nakikita ko na magbibigay ng ikauunlad ng para sa lahat at magbibigay na interes para sa lahat. Ang pamumuno ng communist. Sila un may ideology na pagkakaroon ng pagkapantay pantay ng bawat uri at nagbibigay ng interes ng para sa lahat..
 
Nag seminar ako about fediralism yon sinasabi ng iba dito hindi po ganon once n magkaroon n tayo ng plebisito bumuto sa may 14 kong matuloy posible na kasama diyan ang fediral voting yes or no kong matuloy.kong matuloy ang plebisito para bumoto may mga pupunta sa inyong mga barangay para iaral sa inyo kong ano ang fediralism don masasagot lahat ng mga katanongan nyo..para sa akin fediral is the best basta iaral sa inyo bago kayo bomoto sa may 14 kong maisasabay sa mayo eleksyon
 
Kailanan ng fediral para maiangat ang kalagayan ng mga tga visayas at Mindanao na nahuli na s modernisasyon ng imprastraktura.pag fediral hindi na dadaan kay gobernador, congressman o kay mayor ang projects derikta mismo ky kapitan wala ng porsentohan sa mga project sa mga politiko alam yan n my porsyentohan s project di na cla mkakakurap si kapitan na lng ang sisihin nyo if my nawala sa pundo
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top