What's new

Closed Bakit delikado ang “follow your heart”?

Status
Not open for further replies.

The Bible Reader

Honorary Poster
Joined
Jan 6, 2017
Posts
437
Reaction
270
Points
186
Ang sabi ng mga Disney at Hollywood movies ay "follow your heart". Tama kayang payo ito?

Ang Dios ay tumitingin sa puso ng tao mula’t simula pa man. Nasa sa puso pa lamang ng tao ay alam na Niya kung ito ay magbubunga ng kasamaan o kabutihan.

"… sapagka’t ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso." 1 Samuel 16:7 TAB.

Ang ating puso (o more technicaly ay ang ating kaisipan) ay parang sponge na sumisipsip ng mga kaalaman, maging ito man ay mabuti o masama. Malungkot mang sabihin ngunit kadalasan ay hindi mabuti ang ipanapasok natin sa ating kaisipan.

Ilang oras sa isang maghapon kung tayo ay manood ng TV na kalimitan ay puro negatibo at maling pilosopiya ang binibigay nito sa atin? Ilang oras tayong nakababad sa Facebook at ‘accidentally’ ay nailalahad sa ating harapan ang mga basura na hindi naman natin kailangan para sa ating kaligtasan?

Marahil ay hindi natin napapansin na mas marami pa tayong alam sa buhay ng mga artista kaysa sa buhay ng mga taong ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng Biblia upang kapulutan natin ng magagandang aral ang kanilang karanasan.

Oo at dumarating sa panahon na mas pinaniniwalaan pa natin ang mga pilosopiya, opinion at unawa ng mga nasa TV, mga taglines sa mga pelikula, at mga quotes ng comics o dyaryo kesa mga buhay na aral ng Salita ng Dios.

Ilang oras naman kaya sa buong maghapon nilalagyan natin ng mabubuting kaisipan ang ating puso? Ilang oras tayong nagbabasa ng aklat ng Dios sa loob ng isang maghapon?

Alam natin ang sagot. Guilty tayong lahat dito. Kung ano ipinasok natin sa ating kaisipan ay siya rin namang pagbabasehan natin ng desisyon balang araw, desisyon na magsasabi kung tayo ay nararapat sa langit o sa eternal death.

“The heart is deceitful above all things, and desperately sick; who can understand it?” Jeremiah 17:9 ESV

Dahil dito ay hindi tayo maaring magtiwala sa ating puso. Kaninong ‘puso’ ang dapat na naghahari sa ating buhay?

“Blessed is the man who trusts in the LORD, whose trust is the LORD.” Jeremiah 17:7 ESV

Bakit? Dahil kapag ang basis ng ating mga judgment ay hango sa puso ng Dios ay makasisiguro tayong ang resulta ay para sa ikabubuti natin.

“Trust in the LORD with all your heart, and do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge him, and he will make straight your paths. Be not wise in your own eyes; fear the LORD, and turn away from evil. It will be healing to your flesh and refreshment to your bones.” Proverbs 3:5-8 ESV

“And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.” Romans 8:28 ESV


bakit-delikado-ang-follo-wyour-heart.jpg

Hindi tama na isinasambit natin sa ating mga prayers ang "… Lord, your will be done" ngunit pagkatapos ng prayer ay kagustuhan o puso pa rin natin ang paiiralin. Let God be God in our lives.

 
Mateo 15:18 Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Mateo 12:34 Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
 
Mateo 15:18 Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Mateo 12:34 Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
intindihin mo ng mabuti ang talata.
 
Kaya dapat na ang gawin natin ay
Lagyan ng mga utos at salita ng Dios ang ating puso

Katulad ng ginawa ni haring David

Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
 
Proverbs 3:5,6 The verse gives an explicit command not to trust ourselves(But God's). And it gives the promise of guidance to those who choose to follow the Lord.

Again, 'Hindi tama na isinasambit natin sa ating mga prayers ang "… Lord, your will be done" ngunit pagkatapos ng prayer ay kagustuhan o puso pa rin natin ang paiiralin. Let God be God in our lives.'
 
hopefully The Bible Reader itong pinapangaral mo sa amin ay dinadala mo rin dahil itatry ko rin dalhin pakiramdam ko sobrang pagod ako at walang buhay sa patuloy na pag gawa ng mali araw araw nalang guilty ako alam ko magkapatid tayo pero hindi ko masabi may karapatan ba talaga ako hindi ko man lang masabi na lord ng hindi ako na guiguilty naiinggit talaga ako sa mga taong sinusundan si Jesus Christ i want to be with them too so why just why can't i just leave everything behind and just take up the cross and follow him
 
Many people fall from that sugar-coated advise. I was one of them. We are actually living in an era where we pay more attention to our feelings than anything. Feelings clouded our thinking of what is right/good/moral and wrong/bad/immoral. History taught us that. Unfortunately, many of us still prioritize feelings over what is right or wrong, good or evil, moral or immoral. I can't blame them. Life is hard, and in order to at least ease the burden of living, we tend to follow our heart than to think of other possible ways of living, regardless it would improve ourselves and/or our lives in the process.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top