What's new

Closed Pinoy tax reform calculator ... share lang po

Status
Not open for further replies.
just share lang po..

main-logo-v2.png

Simula January 1, 2018, bababa ang income tax dahil sa reporma sa buwis ng administrasyong Duterte na tinatawag na TRAIN, or "Tax Reform for Acceleration and Inclusion."

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang TRAIN nitong December 19, 2017. Dahil dito, tataas ang take-home pay ng karamihan ng mga Pilipinong manggagawa, depende sa natatanggap kada buwan.

Pero kasabay ng pagtaas ng monthly take-home pay ang pagtaas din ng buwis ng ilang karaniwang bilihin tulad ng inuming may asukal, produktong petrolyo, at mga sasakyan.

Alamin kung paano ka maapektuhan ng tax reform.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Attachments

Tingin ko din ang punto neto is nasa masa na ang kanilang pera, so nakadipende na sa tao kung pano gagamnitin in such a way na di na nila masisisi ang gov sa anumang project na gawin nila na kesyo wala namang napupunthan ang tax nila. Pero ganun pa man, talo pa din ang mga mahihirap dahil napunta din sakanila ang burden ng excise tax
 
zaitsev said:
actually ang talo dito yung mga walang hanapbuhay o mga tambay lol
hindi lang po yan.. Pati po ang mga minimum wage earner. Sila po un mga dati ng walang kinakaltas na tax.. Pero ngaun apektado sila sa pagtaas ng bilihin.

Kalokohan na pili lang ang produktong tataas ang buwis gaya ng may asukal.. Sapat na sabihin ang pagtaas ng buwis sa langis dahil sa pagtaas nito ay kaakibat na ang pagtaas lahat ng bilihin pati na ang kuryente.. Domino effect ito
 
alam natin yan na apektado rin ang mga minimum wage earners . . pero puwede naman itaas ang minimum wage rate ng gobyerno. . my point is yung mga jobless na hindi na nga naeenjoy yung pag decrease ng income tax e lalo pang nganga ngayon dahil sa increasing prices. . in short dapat may trabaho lol
 
ang mga suwerte yung mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel na dinoble sahod kasabay pa nang pagbaba ng income tax
 
alam natin yan na apektado rin ang mga minimum wage earners . . pero puwede naman itaas ang minimum wage rate ng gobyerno. . my point is yung mga jobless na hindi na nga naeenjoy yung pag decrease ng income tax e lalo pang nganga ngayon dahil sa increasing prices. . in short dapat may trabaho lol
yan dapat ang inuna at pagkakamali ng gobyerno na bakit hindi mabigyan ng trabaho ang maraming nangangailangang pilipino..

Ang minimum wage dito sa atin halos lumayo na para sa family living wage na kayang makabuhay ng pamilya...
 
pulis,titser at sundalo lang ang kaya taasan ng sahod ng gobyerno ..sa mga pribadong kumpanya,pabrika o kung ano pa man na para sana sa karaniwan manggagawa walang clang nagawa..nawala o nanahimik yung pangako na ENDO..kaya kahit ano kayod gawin wala pa rin..exempted ka man sa income tax,may bago nman tax..Bigte.
 
Last edited:

yan ang mali sa ibang mga pilipino. . laging nakaasa sa gobyerno. . kung ang isang tao ay responsable at maabilidad kaya niyang buhayin ang sarili at pamilya niya sa pamamagitan ng marangal na trabaho
 
hindi naman kasi talaga lahat ng kumpanya ay obligadong sumunod sa no endo. . pero meron din talagang ayaw sumunod. . kung sa akin naman, lilipat na lang ako dun sa kumpanya na nagreregular
 
yan naman po ang pagkakamali natin.. Alam na natin mali ang ginagawa sa atin ng kompanya oo parin at susunod tayo kaya naman umaabuso ang mga ito.. May karapatan din tayo bilang manggagawa at ito ay hindi natin natatamasa dahil palagi na lang natin inuuna ang takot kesa ipaglaban ang ating mga karapatan. Dahil sa walang nagrerklamo manggagawa o edi sige lang ang mga batas nila na palawakin ang kontraktwal at magkaroon ng mababang sahod sa probinsya. Dahil sa walang nagrereklamo at walang tumututol na mamamayan tuloy lang.. Kaya ngaun nasa huli ang pag sisisi.

Ganon din ito tax reform na ngaun mamamayan ang sumasambot ng lahat ng utang ng pilipinas na palaki ng palaki dahil hindi sumasapat ang ating ekonomiya.. Mabubuhay na lang ba tayo na ang buwis na kinukuha ay pambayad na lang ng utang. Hindi pa nga pinapanganak ang anak natin may utang na agad syang dapat bayaran na hinfi naman nya natatamasa pa,?
 
yan ang mali sa ibang mga pilipino. . laging nakaasa sa gobyerno. . kung ang isang tao ay responsable at maabilidad kaya niyang buhayin ang sarili at pamilya niya sa pamamagitan ng marangal na trabaho
un nga po ang gusto ng iba na wag na iasa sa gobyerno dahil wala naman batas sila ginagawa para sa mga lower class sa halip sila ay naglilingkod sa uri din nilang mayayaman.. Hindi tayo umaasa sa gobyerno, pinapaasa tayo ng gobyerno. Gusto nila talaga na magsumikap tayo dahil tuwang tuwa ang kapitalista pag nagsusumikap tayo kapalit ito ng super tubo nila..
 
yan naman po ang pagkakamali natin.. Alam na natin mali ang ginagawa sa atin ng kompanya oo parin at susunod tayo kaya naman umaabuso ang mga ito.. May karapatan din tayo bilang manggagawa at ito ay hindi natin natatamasa dahil palagi na lang natin inuuna ang takot kesa ipaglaban ang ating mga karapatan. Dahil sa walang nagrerklamo manggagawa o edi sige lang ang mga batas nila na palawakin ang kontraktwal at magkaroon ng mababang sahod sa probinsya. Dahil sa walang nagrereklamo at walang tumututol na mamamayan tuloy lang.. Kaya ngaun nasa huli ang pag sisisi.

Ganon din ito tax reform na ngaun mamamayan ang sumasambot ng lahat ng utang ng pilipinas na palaki ng palaki dahil hindi sumasapat ang ating ekonomiya.. Mabubuhay na lang ba tayo na ang buwis na kinukuha ay pambayad na lang ng utang. Hindi pa nga pinapanganak ang anak natin may utang na agad syang dapat bayaran na hinfi naman nya natatamasa pa,?

wow pakicomment nga dito. . bukod sa mga negatibong pananaw mo sa mga ginagawa ng gobyerno, paano ka nakakatulong sa mga pilipino?
 
kaisa po ako sa tumututol sa mga polisiya at batas ng gobyerno na anti mamamayan. Yan lang po kasi ang maiaambag kong tulong para sa atin mga interes na ayaw ibigay ng gobyerno.. Dahil kung may mali karapatan natin at malaya tayo magreklamo

Kung hindi po kikilos ang mamamayan sino pa ang kikilos.. Kung hindi ngaun kelan pa kung huli na ang lahat..
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top