What's new

Closed Unang pasko

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Joined
Mar 10, 2016
Posts
2,867
Reaction
1,426
Points
929
Ilang buwan na rin pala
Bawat sandaling napapaluha ang mata
Sa ala-ala ni minsan hindi nabura
Parang kahapon lang, lahat ay sariwa pa.

Noo'y masaya pa
Hanggang araw ay lumipas pa
Araw ng paglisa'y dumating na.
Wala nang sigla, malungkot na sistema.

Tahimik na puso
Lingid sa iba, patuloy na nagdurugo
Nakakulong sa kwarto, sa dilim nagtatago
Upang mga luha'y hindi makitang tumutulo.

Umaasang lilipas din
Hinanakit yaong damdamin
Tadhana yata'y malupit sa akin
Pasko na pala, hindi ko napansin

Unang pasko na hinahanap ka
Unang pasko, sayo'y nangungulila
Unang paskong may luha sa mata
Unang pasko na wala ka.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top