What's new

Closed "itong mga gabi"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
sad-anime-quotes-about-love-my-emo-motto-photo-simag-photobucket.jpg


"Itong mga gabi"


Iba nga pala talaga, ang umaga at gabi
Kung saan magkaiba, ang liwanag at dilim
Dalawang bagay sa mundo, na meron tayo
Na kailanman, hindi maaaring maglaho

Sana ganun ang sitwasyon nating dalawa
Hindi man tayo bagay, ngunit hindi nawawala
Walang anumang paglayo, o di kaya paglaho
Ang mga katangian, sana di rin magbago

Subalit, tayo ay tao lamang
Sumasaya at nasasaktan
Katangian, na ang mortal ang makakaramdam
Hindi ang imortal na pagwalang bahala ang makakaalam

Iba ang umaga sa gabi, tiyak aking masasabi
Umaga na nakikita ko, tanging liwanag lagi
Samantalang sa gabi, dilim ang laging baluti
Ang bumalot sa buo kong pagkatao, at sing lamig pag wala ka saking tabi

Dun ko na lamang napagtanto, biglaang sumaulo
Sa mga bagay na di nakuntento
Ang di pagpahalaga sa kung anong meron tayo
Itong mga gabi, tanging pagsisisi ang naramdaman ko



-Madpro

 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top