What's new

Closed "may problema ba?"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
download.jpg



"May problema ba?"



Ang problema parang anino, na nais ko nang bumitaw
Tuwing magkakaroon ng ilaw, saka pa ito lilitaw
Ang buhay ko'y puno na yata ng dilim
Kaya ba pati sa pagliwanag, may mga problemang palihim

Minsan, sinubukan ko na magtiwala
Subalit, ang tiwala ay di sakin natugma
Bagamat, ibinigay ko ang tiwalang meron ako
Kahit pa, hindi nila pagkatiwalaan ang tulad ko

Kasalanan din ba, ang maging seryoso?
Kaya ba nila nagagawa, na sa akin ay magbiro?
Ano bang meron? at wala ako nito
Siguro, hindi lang ako nababagay sa mundong ito

Nagtanong naman ako ng ayos..
Subalit, bakit ang gulo?
Kailan ba masasagot, ang mga tanong sa akin
At kailan ba, gagaan muli ang aking damdamin?

May problema ba?
At nagawa ang mga dahilan na dapat ay sana hindi ko na naranasan
Kung sakali man, na malagpasan ko ito
Maging lakas ko sana, sa muling pagbangon ko


-Madpro


 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top