What's new

Closed "para sakin"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
original.jpg



"Para sakin"



Hindi ordinaryo ang laban sa sarili ko
May oras na humantong na sa pagkabaliw sayo
Madalas kinakausap ko ang sarili ng wagas
Sinasagot ko din para ang dating ay patas

Minsan naisip ko bakit ba ako ganito?
Sumasagi sa akin ang bawat pagbisita mo
Kung saan sa isipan ko ikaw ay namalagi
At nasubukan ko na rin ang minsang magwagi

Ikaw itong tila ba hirap kalimutan
Parang kuwadernong kailangan malagpasan
Sa haba at dami na nang aking tandang pananong
Kailan pa kaya masasagot ang aking mga tanong

Hindi ko na mabilang ang mga bakas ng iyong mga paa
Sa bawat pagtakbo mo dito sa isip at mga mata
Ikaw lang ang nasisilayan at nais ko pati sa umaga
Subalit imposible dahil may mahal ka na ngang iba

Hindi na bale kung hindi man kita maibili
Alam ko sa sarili ko kulang itong aking atubili
Subalit ang nararamdaman ko ay wala nang hihigit
Para sakin, ikaw tong kailanman hindi ko mawawaglit


-Madpro


 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top