What's new

Closed "pagtutugmain ko ang sintunado nating mga puso"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
5c61dfa87cd443801e0f3191371def7a--sad-quotes-anime-qoutes.jpg


"Pagtutugmain ko ang sintunado nating mga puso"


Marahil hindi tayo para sa isa't-isa
Mahirap man maglapit ang langit sa lupa
Subalit sila ay konektado
Sa pagpatak ng ulan nagkakatagpo

Parang ganyan ang sitwasyon natin
Langit ka man sa aking paningin
Ramdam ko ang luha mo tuwing papatak ito
Dahil ako ang lupa, siyang binabagsakan nito

Maraming paraan para magkalapit tayo
Handa akong maghintay bumagsak ka lang sa puso ko
At kahit pa tapak-tapakan pa ako ng iba
Iba pa rin talaga kapag ikaw ang sinisinta

Lupa nga ako sa estado nating dalawa
Pero ito yung posisyon kung saan natatanaw kita
Nasa ibaba man ako, tinitingala ka
Ganyan ang pagtingin ko sayo simula pa nong una

Subukan mong umawit tuwing luluha ka
Handa akong sabayan mapangiti lamang kita
Papatungan ko ng tono ang iyong pagkanta
Mapagtugma ko lang ang puso nating dalawa


-Madpro

 
Status
Not open for further replies.
Back
Top