What's new

Closed Ngiting kaypait

Status
Not open for further replies.

PHC - Prince Ellgrey17

Forum Veteran
Joined
Jul 22, 2017
Posts
2,506
Reaction
1,338
Points
953
alaala ng nakaraan
ayoko nang balikan
takot na akong umibig
ayoko nang masaktan

luha sa'king mata
dala ng pusong sugatan
ngayon ay napawi
nawala ng tuluyan

sa haba ng panahon
puso'y nalulumbay
araw at gabi
lungkot ang karamay

luha'y pumapatak
katabi ko'y alak
gitara ko'y saksi
sa puso kong wasak

noo'y lagi akong
naglalakad sa ulan
upang patak ng luha
di nila mamasdan

pinilit kong umahon
mundong kinasadlakan
mundo ng pag-ibig
unti unti'y nilayuan

di na magmamahal
minsa'y pinangako sa sarili
dahil dinulot saki'y
lungkot lamang at pighati

tuwa saking mukha't
mga ngiti ay napawi
dahil sa pag-ibig
taksil, mapagkunwari

ngayon ang tadhana
para bang naglalaro
e kasi nga naman
tayo ay pinagtagpo

puso kong ito
natutulog nang mahimbing
nang dahil lang sayo
muli itong nagising

unang pagkikita'y
di ko malimutan
itong aking damdamin
di maintindihan

pag sumulyap ang 'yong mata
na para bang nang aakit
siya namang bumibilis
tibok nitong aking ******

ano nga ba ito
tanong nitong yaring isip
ako na ay gulo
ito nga ba'y pag ibig?

ngunit natuto na
sa minsang pagkakadapa
kaya pilit kong ito'y binabalewala
ayoko na sanang ikaw ay makita
natatakot ako baka sayo'y mahulog pa

labag man sa damdamin
ako'y iiwas na lamang
itong nadarama'y
wag na lamang ipaalam

sa aking pag iisa
hawak ay isang sandata
may anim na kwerdas
daliri ang kumakapa

idadaan na lamang
sa awitin at kanta
pag-ibig kong ito
para sana sayo sinta

gusto ko mang ialay
sayo sana'y magtatapat
ngunit wag na lamang
ayokong puso'y magkasugat

takot na akong umibig
ayoko nang maulit
ayoko nang ngumiti
ng ngiting kaypait
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top