What's new

Closed Kadena a tagalog word spoken

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
download.png



"KADENA"


Ang buhay ko'y parang isang bagyo. Dahil nang akala ko'y di ka magbabago. Ngunit ako pala'y naging isang hangal, Pagkat ako sayo'y natutong magmahal.
Kadenang maituturing itong damdamin ko. Na sa bawat pag-usad nito laging dala ang pangako mo. Nakakabit pa rin sa isip ko ang mga sinumpaan mo. Mga katagang sana'y di ko na napagtanto.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako'y nakakulong. Nakakulong ako sa labis na pagkasuplong. Nitong kasinungalingang sakin mo ibinulong. Ang kadenang nakakabit sa akin ngayon.
Hindi ko man kaya pero aking pipilitin. Salitang pagsuko buburahin saking isip. Ano pang silbi nitong pagsisisi. Kung babalik balikan parin ang alala ng iyong ngiti.
Ako'y lulong ngunit hindi sa droga. Ako'y nabaliw ngunit hindi sa problema. Sayong pagkawala'y lubos akong nangulila. Sana'y noon pa lang di na kita nakilala.
Napakahigpit at napakatibay, itong kadenang iyong iniligay. Ikinabit mo gamit ng pekeng ngiti, mga titig na nagtunaw saking binti.
Matibay ako oo ngunit hindi sa ganito. Ang ibigin ka'y hindi ko kailanman ginawang biro. Kadena man itong iyong saking iniwan, Handa kong ihakbang kahit na gumagapang.
Ang daming ibang bagay ukol sa kadena, bakit sa malas ko damdamin ko pa ang nakadena? Hindi pa ba sapat sayo na ako'y iyong alila? handa akong gawin lahat upang ika'y mapasaya.

Ang sakit mahal ko dahil sa paglisan mo.Masakit mahal ko dahil minahal kang totoo. Masakit mahal ko dahil ako'y nagpakatanga sayo. At ang sakit mahal ko dahil nakakadena parin ako sayo.
Ngayong wala ka ano pang magagawa? Ngayong ako'y mag-isa at ikaw ay masaya na. Hindi ko magawang makapiglas sa dulot mong sakit. Itutuloy ko parin ang buhay ko kahit sa pagngiti ko'y pilit.

Kung ang kadenang ito'y mas matibay pa sa lahat. Hindi na ako papalag sa anumang paraan. Kung ang kadenang ito'y mananatili pa sa buhay ko. Ayos lang sa akin kung ang ala-ala mo naman ang dahilan nito.
Paalam na aking mahal sa ating dalawa. Hindi ko makakalimutan iniwan mong marka. Pagkat ang minsang maging parte ng buhay mo. Minsan na rin akong natuto dahil sa pagkabigo.




Spoiler contents are visible only to Established Members.



MadprO`ThePoetMotivator
PHC-Natasha
 
Habang binabasa ko ang gawa mo
Nagtataka din ako minsan kung ba't ang bilis mong gumawa ng tulang ito
Di ko alam kung dahil ba sa ikaw ay architech o sadyang natural talent mo
Kaya kaibigan ako'y labis na humahanga at nagagalak sa'yo ng sobra
Pagkat ang mga gawa mong tula ay sadyang kahanga-hanga.

Di ko alam kung ba't ako'y biglang napapatula
Epekto lang ba to ng walang magawa? :D
Pero isa lang ang masasabi ko sa'yo kaibigan
Ang katulad mo'y dapat hangaan at tularan.

Keep it up lodi! :)
 
Habang binabasa ko ang gawa mo
Nagtataka din ako minsan kung ba't ang bilis mong gumawa ng tulang ito
Di ko alam kung dahil sa ikaw ay architech o sadyang natural talent mo
Kaya kaibigan ako'y labis na humahanga at nagagalak sa'yo ng sobra
Pagkat ang mga gawang mong tula ay sadyang kahanga-hanga.

Di ko alam kung ba't ako'y biglang napapatula
Epekto lang ba to ng walang magawa? :D
Pero isa lang ang masasabi ko sa'yo kaibigan
Ang katulad mo'y dapat hangaan at tularan.

Keep it up lodi! :)
MA's maganda pa tula mo keysa sa kanya Bess haha
 
Habang binabasa ko ang gawa mo
Nagtataka din ako minsan kung ba't ang bilis mong guwa ng tulang ito
Di ko alam kung dahil sa ikaw ay architech o sadyang natural talent mo
Kaya kaibigan ako'y labis na humahanga at nagagalak sa'yo ng sobra
Pagkat ang mga gawa mong tula ay sadyang kahanga-hanga.

Di ko alam kung ba't ako'y biglang napapatula
Epekto lang ba to ng walang magawa? :D
Pero isa lang ang masasabi ko sa'yo kaibigan
Ang katulad mo'y dapat hangaan at tularan.

Keep it up lodi! :)


Nariyan ka na pala IDOL
hahaha since high school pa kasi ako
mahilig na ako magtula pero ni minsan
di ko pa nasubukang sumali sa larangan
balagtasan o kahit saan pa man.
kahit ilang beses pa akong pagtulakan ng mga
kaibigan at guro ko ^_^

i just dont.. dont like it.
sasali ka para lang makilala ka nila?
sasali daw ako para sa papremyo ng iba


nope!
dahil ang pagiging gaya ko
ay walang katumbas na halaga o
atensyon ng iba :)
kuntento na ako IDOL kung sa anong
kakayahan meron ako :)



"sometimes silence is the best answer"
 
M
Nariyan ka na pala IDOL
hahaha since high school pa kasi ako
mahilig na ako magtula pero ni minsan
di ko pa nasubukang sumali sa larangan
balagtasan o kahit saan pa man.
kahit ilang beses pa akong pagtulakan ng mga
kaibigan at guro ko ^_^

i just dont.. dont like it.
sasali ka para lang makilala ka nila?
sasali daw ako para sa papremyo ng iba


nope!
dahil ang pagiging gaya ko
ay walang katumbas na halaga o
atensyon ng iba :)
kuntento na ako IDOL kung sa anong
kakayahan meron ako :)



"sometimes silence is the best answer"
aag reverse poetry ka kung magaling ka talaga
 
M

aag reverse poetry ka kung magaling ka talaga


hindi ako kumakagat sa anumang pangbubulyo mo saken :)
di dapat sinusubukan ang kakayahan ng isang manunulat :)
hintayin mong ipakita nila ito. wag agad husgahan.
dahil kung marunong kang umunawa
marunong kang magbasa XD
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top