What's new

Closed Undefined story of life

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Maluha-luha pa ang kanina'y mapugay na mata habang nakatingin kay Angelique. Halos tatlumpung minuto na ang nakakaraan para malaman na katahimikan nga ang dulot ng isang problemang hindi alam kung tama nga bang sagutan o hahayaan nalang. Ni hindi ko na alam kung anu nga ba ang uunahin ko, ang nauna sa listahan o ang pinakadulo na kailangan upang masimulan ang nasa unahan.

Walang kibo, walang imik, at lalong walan greaction ang aking kababatang kaibigan na si angelique habang magkaharap kami sa isang silya sa loob ng aking kwarto. Parang kanina lang ay masaya kaming naghaharutan at nagtatawanan, ngunit parang naging bagyo o isang malubhang sakuna ang dumaan upang kami ay maisailalim sa matagal na katahimikan.

Kanina lang ay kinukwento ko sakanya kung gaano ako kaswerte sa buhay, isang hiling, bigay agad. Kinuwento ko sa kanya kung pano ako nakarating sa estado na ganito.

Matagal kaming nagkahiwalay ni angelique since seven years old kami, ngunit pinagtagpo parin kami ng maisipan ng aking tiyahin na papasukin ako sa isang kilalang unibersidad na syang dahilan ng aming pagkikita.

Ako, isang bokasyonal graduate na naisipang ipagpatuloy para makakuha ng degree. Maliban sa pimples sa mukha at hindi paglalagay ng dash (-) para paghiwalayin ang dalawang salita, ay makikilala mo ako kung kaibigan talaga kita.

Pinag aral ako, binigyan ng kaluwagan, hindi hirap sa pera at halos lahat ng kalayaan ay nagagawa ko. Ngunit lahat ng yun ay sinayang ko. Sinayang ko sa isang bagay na habang buhay kong pagsisisihan. Mahirap mang tanggapin ang katotohanan ngunit paggising ko ay ang katotohanan parin ang unang sumasampal sa akin.

"ronald, panu to? Freshmen palang tayo.", hindi ko na talaga alam ang isasagot ko kay angelique. Hindi ko alam kung pano ko sya iintindihin, or sa mas malinaw na salita, ay kung panu ko sya pananagutan.

Hindi ko na talaga alam, ako ay naguguluhan, parehas lang tayo, kung kayo ay naguguluhan sa aking kwento, ganyan din ang kaguluhang di ko maintindihan kung panu ko pananagutan ang isang bata na nabuo sa tyan ng di ko naman alam at wala man lang akong maisip na paraan.




Authors note: hindi po nangyari sakin to ah. Para po to sa mga rockers na kapwa natin studyante, hinay hinay lang para di nyo maranasan ang magulong utak at isipan.

Kung naguluhan ka sa kwento, mag thankyou ka nalang kasi free taste palang yan. Pag nakabuntis kana ng wala sa oras, yun na talaga ang tinatawag na "UNDEFINED STORY OF LIFE".

life must go on. Keep a baby!
 
PHC Decrypt said:
Pangalawang dugo ;) para lading si paps comeback anlawak ng pagiisip ;)

ay hindi po, baguhan lang ako, hehehe trip ko lang magsulat. at mga outdated na tong mga to. kinopy ko sa blog ko na walang bumibisita hehehe. Hopefully makagawa ako ng bago (y)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top