What's new

Closed Upuan

Status
Not open for further replies.

Vantablackxx

Honorary Poster
Joined
Aug 9, 2016
Posts
700
Reaction
166
Points
232
Age
28
UPUAN

Dati ay dito ka, doon naman ako
Tandang tanda ko pa, magkalayo tayo
Sinusulyapan lang kita sa malayo
Mga ngiti mo ang siyang ligaya ko

Dati ay dito 'ko, kalapit pa kita
Naalala pa noong lumapit ka
Tanong mo "'tong bangko ba'y may may-ari na?"
"Wala" ang tugon ko, puso ko ri'y wala

Dati ay dito ka, at matalik kita
Kwentuhan natin ay parang walang hangga
Bakit ngayon ay nawalan ng sigla?
Pagkamalapit ay naglaho ng bigla!

Ngayon ay dito ka, nandito rin ako
Heto tayo lapit, ngunit magkalayo
Ang puso natin ay kapwa dumurugo,
Ang mata'y mayroong luhang tumutulo!

Ngayon ay dito ko, nandoroon ka na
Lumayo, umiwas, ligaya'y humupa
Mula sa malayo'y sinusulyapan ka
Kahit masakit na kalapit mo'y iba.
 
Hindi mo palaging hawak ang kanyang kamay
Huwag kang mapalagay
Tandaan mo hindi siya qng iyong habambuhay
Gaya nyan, nalungkot sa sa inyong paghihiwalay
 
Isang napakahusay na tula galing sayo
Sana ito'y ipagpatuloy mo
pagkat ang nadarama ng isang tulad mo
Pinapahalagahan bawat pagtibok nito <3
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top