What's new

Closed Patawad hesus

Status
Not open for further replies.

renegade24winzam

Eternal Poster
Joined
Mar 14, 2013
Posts
940
Reaction
367
Points
317
search

PATAWAD HESUS


Kay taga lkong nagkubli sa nakaraang buhay
Puro pasakit ng dilim anga king taglay
Nakagapos ang mga kamay sa tanikala
Hindi ko alam kung paano ba makakawala

Ngunit may maliit na liwanag saki’y pumukaw
Nakapiring kong mga mata ay pilit na tumanaw
Labis ang aking galak at pananabik
Sapagkat kamay ng Diyos ang muling tumapik

Patawad Hesus sa aking pagkakasala
Lubos akong nagpapakumbaba at hindi na mawawala
Patawad sayo Ama sa aking mga nagawa
Nangangakong tutuloy at ikakalat ang inyong himala

Akala ko noo’y sakit at dusa nalang ang matatamasa
At hindi na makakatakas sa nakabalot na sumpa
Sa buhay kong masalimoot at punong pagdududa
Dahil naging mahina ang aking pananampalataya

Salamat Panginoon sa panibagong buhay
Sa iyong labis na pagmamahal na wagas at tunay
Ako po’y nagsisisi sa mga nagawang kasalanan
At humihingi ng tawad, nawa’y muli nyong pagbuksan

Patawad Hesus sa labis kong pagkukunwari
Dahil alipin noon ng kadiliman sa mga gawaing mali
Patawad sayo Ama sa aking pagsasawalangbahala
Hindi na muling bibitaw at susuko nalang bigla


Originally Composed by: Chad a.k.a Renegade24winzam 9-7-17 1:10 am

Spoiler contents are visible only to Established Members.
 
Ang pagsisisi at lagging NASA huli
Tama yan, ngunit Hindi rin nation
Masasabi na, dapat sa umpisa pa lang
Ng mga bagay na gagawin mo ay magsisi ka na

Tao lamang tayo at nagkakamali.
Kayat dapat lamang maging Aral
Na ang pagsisisi talaga
Ay NASA huli lamang
 
Ang pagsisisi at lagging NASA huli
Tama yan, ngunit Hindi rin nation
Masasabi na, dapat sa umpisa pa lang
Ng mga bagay na gagawin mo ay magsisi ka na

Tao lamang tayo at nagkakamali.
Kayat dapat lamang maging Aral
Na ang pagsisisi talaga
Ay NASA huli lamang
Tama ka dyan idol
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top