What's new

Closed Alagaan mo siya

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Masyado pang masakit para sakin habang naaalala ko ang aming pinagsamahan, kulitan, asaran at iba pang dahilan para masaktan muli ang nagtatago kong damdamin.

Hindi ko man lang makompleto ang isang kanta para sa pusong ewan ko kung naging bato na ba. Ngunit sadyang mahilig maglaro ang tadhana(kung meron man) sa mga taong seryoso sa tinatawag na pagmamahal.
Nasubukan mo na bang mapag-laruan ng tinatawag na tadhana? Yung tipong sweet sa umpisa ,sa kalagitnaan at sa kahuli-hulihan ay puro lang pala kasinungalingan.

Minsan kahit limot na natin ang lahat ay sya namang pagpapakita ng mga bagay na nagpapaalala sa ating mga dating minahal, na ngayo'y wala na kahit kanilang mga pangakong di ka iiwan. Handa ka na nga magmahal ng iba pero sadyang andyan ang mga gambal at tila mahihimatay ka sa kakaisip kung anu nga ba ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.

May mga pagkakataon din na gusto mong saktan ang pinalit nya sayo, yung tipong sisirain mo ang pagmumukha ng pinalit nya sayo,minsan pa nga sinisiraan mo sila pag talagang di ka pa nakaget-over . Pero para sakin ang hirap gawin at isipin, mula sa pamilya ay ayoko ipagpalit ang aking pamilya sa isang babae lamang na pinaasa kang mamahalin ka mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Eh panu naman ang pamamahinga ng araw? Ibig sabihin pag lubog na ang araw di ka na nila mamahalin.

Habang hawak-hawak ko ang may desenyong matigas na papel ay hindi ko mapigilan ang pag agos ng aking naipong tubig mula sa aking mga mata.

Saka ako nilapitan ni kuya.
"may problema ba?".

"wala naman kuya.".
"eh bakit napapaluha ka."
"masaya lang ako kuya na ikakasal kana sakanya, alagaan mo sya kuya .Dahil ang alagaan sya ang hindi ko nagawa."

-tapos
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top