What's new

Closed Minsan

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Lasing, wala sa katinuan, at pinagtritripan ang mga nagdaraan.


Bakit kaya sa buhay may mga taong dumaraan sa atin, di alam ang tunay na pakay, mayroon yung papansinin ka sa pamamagitan ng pagkaway at pag ngiti, meron din naman yung snob lang dahil wala pa silang kelangan, at meron din yung tipong nakakapag init ng loob.

Minsan naisip ko.
Bakit kaya ang mga taong to sobrang makasarili. Nakaroon lang ng konting laman sa bulsa, yumabang na.

Samantalang yung ibang tao na mayayaman eh di mo man lang sila makitang magyabang. MINSAN nga naatasan ako na magdeliver ng producto sa isang bakery, yung tipong sosyal na bakery.
"boss san ko ilalagay ito?". Tanung ko sa taong nakaupo sa may gate ng nabanggit kong bakery.
"jan nalang pogi." panumbalik nya sabay turo sa isang lugar na pwedeng pagtulugan ng mga tauhan sa bakery.
Nung aalis na ako ay bigla kong nasalubong si bosing(tatay ko.)
"o anak naibigay mu na ba?" .Bungad nya sakin sabay hinarap yung mama na nakaupo sa upuan malapit sa gate(di naman kasi pwede umupo sa gate eh, sa upuan sya nakaupo).
"sir kelangan mo ba bukas ng stock mo? Mawawalan kasi ng stock the next day.". Pakikipag usap ni bos dun sa lalaki na naka t-shirt ng butas-butas at parang taga-masa ng mga ginagawang tinapay.
Dun ko lang napapag-tanto na yung lalaki pala na yun ay syang may-ari ng bakery.
Tapik sa noo nalang ang nagawa ko, mabuti nalang nagawa ko pa syang tawaging "boss", kundi napahiya nanaman sana ako.

Minsan naisip ko nanaman.
Bakit sadyang kaylupit ng panahon? Kung kelan di mo inaasahan, saka dumarating, kung kelan walang-wala ka saka maniningil,
at kung kelan hindi ka handa, saka magpapaquiz.
Diba sobrang nakakainis? MINSAN nagalit ako sa aking mga magulang."bakit si ate may ganito, si kuya may ganun." ,mga simpleng bagay na kinaiingitan kapag bata pa(at isip bata). Si ate may sariling motor, ako di man lang mabilhan. Labis na hinanakit at pagseselos ang aking nadarama nuon , sabi ng nanay ko. "jen puntahan mu nga si Jr at utusan mo na bumili ng gagamitin natin bukas.", pinuntahan ako ng ate ko sa mismong araw na yun, ngunit tanda ko pa na sa araw na yun ay hindi ko nakausap si ate, dahil tanging si jomar lamang ang aking nakausap at napag usapan namin ang aming mga gustong regalo sa pasko.
Nung december 23, malapit na magpasko dahil sa mahirap lang kami ay parang ordinaryong araw lang an pasko.
"Jr pakikargahan nga ng gas yung motor ko", dahil sa mainit palad ko sa silinyador ay agad akong sumunod.
Pagka-uwi ko ng bahay ay natanaw ko ang isang gitara na may nakaprintang "I love you bro", at isang signiture ng iniidolo kong SIMPLE PLAN.
chineck ko sa net kung ganun nga ang signiture ni Brian, ayun! Swak, sya nga!
"pinabili ko yan kay kuya mo(nasa new jersey sya,asawa ng ate ko,)".
"panu mo alam na gibson ang gusto kong gift?", pagtataka kong tanong sa ate ko.
"narinig ko kayo ni jomar na nag-uusap nuong nakaraang linggo, nung inutusan ako ni nanay na tawagin ka, pero di na kita inabala", nayakap ko ang ate ko ng wala sa oras.
oh diba? expect di unexpectable.

Minsan gusto kong isipin ang lahat ng bagay , kung bakit may planets, universe, galaxy, at big bang theory, pero sadyang ayaw sakin ng tinatawag na kasipagan kaya minsan,

heto lasing nanaman
wala sa katinuan at palaboy-laboy sa kalsada, walang matulugan, walang kasama, tanging sako lamang na mayroong lamang lata para ibenta at magkapera.

anlupet ng buhay no?pero alam ko na kasalanan ko kaya ako may dalang sako at natutulog sa gilid ng bawat kanto.


Gaya ng sabi ko:
Lasing, wala sa katinuan, at pinagtritripan ang nagdaraan.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top