What's new

Closed Sabi nila bago ka mag desisyon mag abroad..

Status
Not open for further replies.

-Mr Bangs-

Forum Veteran
Joined
Jul 4, 2017
Posts
1,859
Reaction
2,676
Points
741
sampung beses mo muna itong pag isipan nang sa huli, hindi ka magsisi

Isa – Isang araw nagdesisyon na magpakalayo at manilbihan sa ibang bansa. Nagbaka sakali na kumita ng mas malaki at matupad ang pangarap para sakanila.

Dalawa – Dalawang taong kontrata ang nilagdaan sa napasukang kumpanya. Kailangang tapusin bago muling makapiling ang naiwang pamilya.

Tatlo – Tatlong beses na pagkain nila sa araw-araw ang siyang laging inaaalala, kahit minsan para sa sarili mismo'y nakakalimutan na.

Apat – Apat na linggo sa isang buwan bago ang sahuran. Kailangan nang magpadala bago matapos ang buwan para kanilang bills ay mabayaran.

Lima – Limang taon na ang nakaraan pero hindi parin nakauwi sa bayang sinilangan. Patuloy na lumalaban lalo na sa kalungkutan.

Anim – Anim na beses sa isang linggo pumapasok sa trabaho, minsan nga kailangan pang pumasok pag day-off sa dami ng pinapagawa ni amo.

Pito – Pitong araw lang itinagal nang kinita sa isang buwan, Sa kaibigan kung minsan ay kailangan pang mangutang.

Walo – Walong oras na trabaho, kung tutuusin kulang parin ito. Kaya kung minsan gusto nang sabihin kay amo “Boss, bayaran mo naman OT oh!"

Siyam – Siyam na kilo nalang ang kulang para mapuno ang kahon ng balikbayan. Mas mauuna pa itong makakauwi at ang pamilya’y masilayan.

Sampu – Sampung beses kong pinag-isipan kung susuko o patuloy na lalaban. Sana ang sampung taon ay sapat na para kumita ng pera sa ipapatayong sariling negosyo ng pamilya. Patuloy na sumasandal sa dasal at pinapaalala sa sarili na kailangang magtiis, kailangang magtyaga, kailangang magsakrepesyo, kailangang lumaban, kahit minsan hirap na hirap na. Pagod na pagod na kahit halos mamatay na sa gutom dahil sa mga among malulupet oh walang puso na basta makita ka lang nagtratrabaho oras oras dahil ang nasaisip lang nila ay binabayaran ka naman kaya wala silang pakealam..

Dahil sa panahon ngayon mahirap ng makahanap ng AMO or BOSS na mabait..

FB_IMG_1502802166403.jpg
 

Attachments

Last edited:
totoo yan kaya dapat lage mo kasama ang dios kahit na nasa ibang bansa kana kasi mas magiging safe ka pag kasama ang dios eh although mhirap sa ibang bansa pero gusto ko makapag work dun para mapaaral ko kapated ko
 
nagbabalak pa namn ako mag work sa abroad gusto ko lng maka experience makapunta ng ibang bansa
 
Very good advice TS. Syempre sa pagdedesisyon maraming bagay talaga ang dapat isa alang ala bago mo gawin ang isang bagay. para sa bandang huli magiging nice outcome kumbaga ang mangyayari.
 
Maganda abroad kung kasama mo rin pamilya mo. Kung places like the Middle East, medyo hindi advisable kasi walang citizenship kaya wala masyado benefits at support ng government. Gagastos ka lang lalo sa kaka-renew ng each member ng family mo. Unlike US, Canada, Australia, etc...may citizenship at maganda benefits sa family at education ng mga anak nyo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top