What's new

Closed Halamang gamot: paragis

Status
Not open for further replies.

PHC - Nino

Forum Veteran
Joined
Mar 17, 2016
Posts
1,473
Reaction
1,749
Points
518
Age
34
Guys ishare ko lang sa inyo itong kinababaliwan ko na herbal med. ito ay palagian ko na iniinom sa pang araw araw.

sa mga hindi pa nakakaalam tungkol sa isa sa mga magandang pinagkaloob satin ng kalikasan. ito po pakibasa.


Kaalaman tungkol sa Paragis bilang Halamang Gamot
Scientific name: Eleusine indica (Linn.) Gaertn.; Eleusine barbata Vidal

Common name: Paragis, Sambali (Tagalog); Wire grass, Dog’s Tail (Ingles)
paragis.jpg
Ang paragis ay isang uri ng damo na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at mga gilid ng kalsada. Ang mga dahon, tulad ng karaniwang damo ay pahaba at patulis. Tumutubo naman sa tuktok nito ang mga spikelets na siyang kahalintulad ng bulaklak na nagbibigay ng buto ng halaman.

Ano ang mga Sustansya at Kemikal na Maaaring makuha sa Paragis?
Ang iba’t ibang bahagi ng paragis ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang dahon ng paragis ay may taglay na silicon monoxide, calcium oxide, at chlorine
  • May taglay din na protein ang pinatuyong halaman
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Ang buong halaman ng paragis ay maaaring gamitin sa panggagamot:

  • Dahon. Ang dahon ng paragis ay karaniwang nilalaga upang mainom at makagamot. Maaari ding dikdikin ang dahon upang ipantapal sa ilang kondisyon.
  • Tangkay. Ang malambot na tangkay ng halaman ay karaniwang hinahalo sa mga dahon kapag nilalaga o dinidikdik.
  • Ugat. Iniinom din ang pinaglagaan ng ugat ng halaman upang makagamot.
Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Paragis?

1. Bulate sa sikmura
. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at tangkay ng halaman ay mabisang pampurga sa bulate sa tiyan.

2. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong din sa kondisyon ng hirap sa pag-ihi ang pag-inom ng pinaglagaan ng mga dahon.

3. Altapresyon. Mabisa din pampahupa ng pagtaas ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at tangkay ng paragis.

4. Lagnat. Mapapababa ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ang mataas na lagnat na nararanasan.

5. Pilay. Pinaniniwalaang makapanlulunas sa pilay ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng paragis sa apektadong bahagi ng katawan.

6. Balakubak. Ihinahalo naman ang dinikdik na dahon at tangkay sa gogo bago gamitin bilang shampoo sa anit na apektado ng balakubak.

7. Dysenteria. Ang matubig na pagtatae na may kasama pang dugo ay maaaring malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.

Ipinalabas na rin ito sa programang Kapuso Mo Jessica Soho.
at masasabi ko na isa na rin ako sa mga gumagamit nito nasabing gamot.

napapansin ko rin sakin kalusugan na hindi na ko nahihirapan umihi dahil sa sakit kong UTI.


Paano nga ba ihanda ito?
  • Pakuluan ang Paragis(ang dami ng tubig naka dipende sa dami ng paragis)
  • Pagkatapos kumulo hinaan ang apoy at patagalin ito ng higit 20mins
Ang lasa po nito at amoy ay parang mais.
Ang ginagawa ko po dito ay nilalagyan ko ng kalamansi para mas másáráp ang lasa nya.

Try nyo po másáráp na healthy pa!
No Side Effect.
 

Attachments

Last edited:
nice!dami na patotoo nito sa bisa at ito masasabi ng mga doktor dyan kundi "taragis" instead na "paragis" :)
 
Last edited by a moderator:
Lasang mais nga, at ang epekto nito ay makakaramdam ka ng antok
Napapasarap ang tulog
Oo paps tama ka dyan. Yung problema ko din sa ashma medyo hindi na ko nahihirapan huminga.
nice!dami na patotoo nito sa bisa at ito masasabi ng mga doktor dyan kundi "taragis" instead na "paragis" :)
Oo malulugi ang mga tabletas nila. Haha
Nice. Makapag laga nga nyan amamay. Thanks ts.
másáráp to paps. Hugasan mo lang ng maigi. Ang ginagawa ko pag laga dito ay pakukuluan ko muna, pag kulo hihinaan ko apoy at oorasan ko ng 20mins para lutong luto sya. Isama mo pati ugat paps. másáráp yan. 2days lang kaya nito itagal pag nakalagay sa ref. Pag hindi naubus ng dalawang araw itapon na at gawa ng bago
ang galing mu kaibigan . maraming salamat sa kaalaman na binahagi mu :D
Np sir. Nakuha ko lang din yan kay jessica soho ainubukan ko lang at medyo nagkaron ng resulta kaya ibinahagi ko dito
eto ung nagtrending na halamang gamot thanks
Yes po at usap usapan na sya sa maraming site.
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top