What's new

May gamot ba sa nerbiyos?

Status
Not open for further replies.

kensky1

Honorary Poster
Joined
Dec 14, 2016
Posts
354
Reaction
475
Points
185
Ganito kasi nabgyari
3 days sunod sunod akong nag inom
na madalas ko namang ginagawa kasi medyo *******ic ako,
nung pagkagising ko ng umaga ok pa naman. Bandang tanghali umalis ako ng bahay nakamotor tapos bigla ako nakaramdam ng pagkahilo
inisip ko baka hang over lang pero umabot na sa punto na parang babagsak na talaga ang bilis na ng kabog ng dib dib ko tapos nanghihina na ko na parang kumukulo ang tyan
kaya nagpahatid nako sa kasama ko pauwi. pagkauwi kumain ako inisip ko gutom lang, ayun medyo ok na pakiramdam ko. balik normal na ulit. Kinabukasan umalis ulit ako ng bahay nakamotor ulit sinamahan ko nanay ko
pagdating dun sa bahay ng friend nya nagsimula nanaman bumilis tibok ng puso ko parang nahihilo nanaman ako
naki cr ako dun kasi parang kumukulo nanaman tyan ko pero wala.
ang nangyari nun iniwan ko na motor ko dun kasi feeling ko pag nagdrive ako baka bgla ako mawalan ng malay kaya umarkila nalang kami ng tricycle.
pagdating sa bahay nahiga nako inisip ko baka kulang lang sa tulog. kinabukasan ok na naman.
pero nung mga sumunod na araw nagsunod sunod na yung pagbilis ng tibok ng puso ko yung feeling na kumukulo tyan mo tapos papawisan ka ng malamig na nahihilo.
kaya nagpacheck up na ko sa doctor
sabi ng doctor kumain lang daw ako every 2 hours kasi acid daw yun na umaakyat kaya nakakahilo. saka low blood daw ako at posibleng nababa sugar
niresetahan ako ng gamot.
ayun ok na ko mga ilang araw.
tapos eto na nayaya ulit ako sa inuman
isang shot pa lang sumama na naman pakiramdam ko ganun nanaman ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko kaya umuwi nako.
simula nun halos 2 weeks ako di makalabas ng kwarto kasi konting galaw parang pagod na pagod nako.
nung medyo ok na pakiramdam ko pumunta akong center kasi feeling ko may sakit nako sa puso o kaya sakit sa bago o sobrang baba ng dugo,
kung anu ano na naiisip ko kasi bagla nalang ako nagkaganito.
Pagpunta ko sa center normal naman lahat pati bp pero ganun pa din pakiramdam ko parang may sakit sa puso.
Pagkatapos ulit ng isang linggo alam ko magaling na ko kasi normal na lahat bp sugar acid.
ang problema ko ngayon e dpa din ako makalabas ng bahay kasi pakiramdam ko pag lumabas ako baka mahilo nanaman ako
di ko na din magawang tumikim ng alak kasi ninenerbyos na ko na baka pag uminom ako sumakit nanaman ****** ko.
sa ngayon 1month nakobdi nakakalabas ng bahay iniisip ko palang lumabas ninenerbyos nako
saka kapag may ibang tao sa bahay na nagiinuman ninenerbyos nako.
dko na magawa mga bagay na dati kong ginagawa.
wala naman akong nerbyos dati di ako mahilig sa kape.
basta tuwing me gagawin ako lagi ko naiisip na baka mahilo mangyari ulit yung nangyari dati
kaya wala nako nagagawa.

meron din ba sa inyong naka experience nito?
at paano ang ginawa nyo?
salamat
 
Meron naman. Kaso hindi ako Doctor kaya hindi ako pwede magbigay ng reseta.
Iwas lang sa Coffee.
 
Seryoso madalas ko naeexpirience yan kaso yung sakin alam ko na Nagpapalpitate ako kase my hearth enlargement ako. Baka sa Lifestyle mo yan madalas kabang puyat? Hindi ka natutulog ng 8hrs? My time ba na hindi ka makatayo? Tapos my mga bagay na bigla kang natatakot o kinakabahn na hindi mo malaman.
Yung sakin pre Stress tapos depressed.
Angg ginawa ko inayos ko yung sarili ko tapos iwas sa mga bawal. Pahinga
 
Well una sa lahat binasa ko talaga kahit may kahabaan. About sa hilo hindi mo na indicate kung naka ilan kang bote, kase bro pwede ka naman mki pag inuman basta may sariling pagpipigil ang mahalaga kasama ka ng barkada mo. And baka tama si doc accid reflux lang yan, kaya yan kahit isang bote.
 
About sa nerbyos baka psychologically wí†hdráwal lang, ganun po kase pag tumigil ang isang tao bigla sa isang adiksyon. Hanap ka ng Support system ( Family or Friends ) na makakatulong sayo.
 
pwede rin pong ganyan ganyan pero mataas lang po talaga acid nyan halo ng hang over bilis ng dibok ng puso madalas pag matutulog ganyan na ganyan asawa ko pag uminum 1week straight tapos mag papabebe pag tapos ng inum sakit tiyan bilis tibok ng puso parang nasusuka na ewan naninikip ****** nag dudumi kuno hehe
 
Baka HYPERTHYROIDISM yan ts
Ito daw mga sintomas nyan

Appetite change (decrease or increase)
Difficulty sleeping (insomnia)
Fatigue
Frequent bowel movement—perhaps diarrhea
Heart palpitations
Heat intolerance
Increased sweating
Irritability
Light menstrual periods—perhaps even missed periods
Mental disturbances
Muscle weakness
Nervousness
Problems with fertility
Shortness of breath
Sudden paralysis
Tremor/shakiness
Vision changes
Weight loss-but perhaps weight gain
Dizziness
Thinning of hair
Itching and hives
Possible increase in blood sugar
 
Pa check up ka sir sa private hospital.....para sigurado tapos po sabihin mo lahat nararamdaman at kung pano nag simula .
 
Gollum-AddictEstablished
Seryoso madalas ko naeexpirience yan kaso yung sakin alam ko na Nagpapalpitate ako kase my hearth enlargement ako. Baka sa Lifestyle mo yan madalas kabang puyat? Hindi ka natutulog ng 8hrs? My time ba na hindi ka makatayo? Tapos my mga bagay na bigla kang natatakot o kinakabahn na hindi mo malaman.
Yung sakin pre Stress tapos depressed.
Angg ginawa ko inayos ko yung sarili ko tapos iwas sa mga bawal. Pahinga

-8hours mahigit naman ang tulog ko kaso umaga nako nakakatulog may insomia kasi ako.
ayun nga kapag iniisip ko na aalis ako ng bahay ninenerbyos nako basta yung mga time na inatake ako ng pagkahilo at pagsama na pakiramdam naiisip ko na baka mangyari ulit kaya diko magawa
iniisip ko pa lang ninenerbyos nako
 
[URL='https://phcorner.net/m/drew-ramos.893431/' said:
drew ramos[/URL]]Hahahahahaha grabe ang pag ka nerbyos mo wag ka kasi kape ng kape hehe
Di ako nagkakape sir siguro dalawang beses lang sa isang taon
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top