What's new

Closed Para sa mga bsit: worth it ba?

Status
Not open for further replies.

seopao

Addict
Joined
Jun 4, 2016
Posts
245
Reaction
47
Points
119
Age
22
Hi I need advice. Wala akong ibang mapagkunan ng information kundi ang phcorner. I'm 16 and a grade 11 STEM student.

Nahihirapan ako magdesisyon. Tanong ko lang, worth it ba? Rewarding ba?

First choice ko ang BSIT pero sabi nila engineering or archi daw kunin ko (di talaga ako magaling sa math). Wala daw napapala ang mga IT. Totoo ba? Siyempre hindi ako naniniwala sa sabi nila. Hindi naman nila alam yun.

Wala akong mahanap na matinong sagot kaya dito na ako magtatanong.

Ano-ano po ba ang pinagaaralan? Anong kaibahan ng IT sa computer programming or parehas lang ba yun?

Ano ba yung experience niyo?
Sorry, dami kong tanong. Curious lang.
 
másáráp mag IT paps... malaki sahod mo junior programmer palang.. pero mahirap kompetisyon sa industry... kung mahilig ka sa logic ok na ok tong course na to.. sasakit ulo mo pero worth it.. piliin mo kung san nababagay ung skillset mo or kung sa anu hilig mo.. wag ka maistress haha kaya mo yan!
 
oo worth it..in demand sa ibang bansa ang mga nkapagtpos ngIT Or any related computer..but the decision is yours..piliin mo kung anong gusto mong course.
 
kung gusto mo talaga ng IT...embrace it...wag ka makinig sa iba kasi ikaw lang din ang makakapagpaahon sa sarili mo mula sa hukay..........
 
whaha natawa ako sa IT wlang napala? , IT lang naman aku pero graduating palang mostly pwede kami maging Administrator, Web developer, Game Developer, Syner Developer, programming, Web designing, encoder, etc. . . hahaha lalo na pag IT ka tapos mag aral ka ng H@cker ,

IT lang kunti lang mapapasukan naming work pero nasayo desisyon anung gusto mo at san ka magaling ,
 
Last edited by a moderator:
Para po sa akin pareho lang po kasi halos pare-pareho lang po mga subjects eh. Kung wala ka po problema sa programming, okay na okay po yan.
 
>Sariling desisyon mo yan TS kung saan ka komportable. Why not subukan ang archi/engineering kung maraming nagtitiwala sau na bagay at kaya mo ang course na yan.
>Paanong maging walang mapapala eh in demand ang IT at iba pang computer-related courses, araw araw may nakikita kang trabaho involving computer and technology tulad ng computer shop, cp and pc repair, cashier sa grocery store/mall, sa school registrars at iba.
 
Im not an I.T pero may programming kami minor subject pero mahirap lalo na pag di ka seryoso. Advice ko lang na di biro ang programming. puyat, pagod, stress. isang mali lang sa program or malagyan mo lang ng dot or anything sa program. mag eeror ito. kung tamad ka at puro laro change muna sa pagiging nerd sa programs. I.T walang mapapala? yan ata yung mga I.T na bulakbol at puro laro lang ng dota ang alam pero pag seryosong I.T ka. Marami kang magagawa
 
bydawe advice ku kung mag IT ka, ma kung anung lingwahi gagamitin nyu "example C++ or Java or C#" fucos ka lang sa isang at programmer language, at pinaka importante wag kang magpapa iwan sa mga updates kahit 1month lang dahil mahirap mag habol
 
Bag Aral ako com engineering dati.. di pa umabot 1 month .. nag shift na ako.. ang hirap parang helioglyphics ang binabasa .. tapos may mga binary ching ching pa.. numero nababasa nila hirap.. . Eto ako ngayun graduating ng fisheries... Pero masaya ako..
 
In demand siya ngayon lalo na pag magaling ka. Pero ibang usapan yung mga taga-print lang o taga-bigay ng pang-print. Masyadong fast paced ang technology.
 
im a computer engineer, but i love the work of being an IT, kanya kanya kasi tayu ng gusto kung san ka mas magiging masaya dun ka... pag datng sa industry hindi lang degree ang titingnan sayu pati ang skills mu
 
Lagay mo din sa options mo computer science. Somewhere in the middle siyA ng IT at computer engineering.
 
Im not an I.T pero may programming kami minor subject pero mahirap lalo na pag di ka seryoso. Advice ko lang na di biro ang programming. puyat, pagod, stress. isang mali lang sa program or malagyan mo lang ng dot or anything sa program. mag eeror ito. kung tamad ka at puro laro change muna sa pagiging nerd sa programs. I.T walang mapapala? yan ata yung mga I.T na bulakbol at puro laro lang ng dota ang alam pero pag seryosong I.T ka. Marami kang magagawa

correct po.
kahit anong course, kung yong student eh taken for granted lang ang mga subjects sa kanya then wala din... Huwag muna tignan yong laki ng sahod kasi depende pa rin sa "fighting spirit" yan at availability ng work. Magaling nga, di naman malakas loob sumabak sa challenges. Nagtapos nga ng cum laude, wala naman mapasukan kasi "whom you know" sa gustong mapasukan na company.
Programming at IT, same ba? Sa IT maraming programming. And for me, ang programming, pareho lang sa math. Why? kasi parehong analysis and memorization.

So reality check, tignan mo muna po TS kung anong hilig mo po. mahilig sa kusina? then culinary. Mahilig maglaro ng computer games, pwede siguro IT pero trabaho sa mga company na nagooffer ng beta testing.
sana po makatulong.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top