What's new

Closed "unhandled http code" ano ang marapat gawin?

Status
Not open for further replies.

garrysrm

Addict
Nais ko lamang pong mabatid kung bakit ako'y hindi na makapagkarga pailalim (download hahaha!) ng mga taludtod (files) tulad ng mga apk at roms.

Mangyari ay ang lumalabas sa aking mga luhog (request) sa mga dako ng sapot (website hahaha!) ay "unhandled http code." Ano po ang aking marapat gawin upang ako'y makapagkarda pailalim muli ng mga taludtod tulad ng apk, roms at iba pa?

Nawa'y may mga magagandang loob na tumugon sa aking suliraning lubhang bumabagabag sa aking kalooban.

Ngayon pa lamang ako'y lubos ng ngpapasalamat sa kung sinuman ang makapagbibigay liwanag sa aking katanungan...
 
is this a "Riddle" ?

baka sa internet connection mo ang problem or sa site na pinag kukunan mo ng apk or roms for download

Hindi ko lubos na matanto kung sa koneksyon nga yaon o dili kaya sa aking pinagkukunan. Marahil nga ay tama ka kaibigan. Marahil sa kadahilanan na rin na mabagal sa aming dakong tinitirhan ang sagap ng internet.

Salamat sa pagbabahagi. Aking susubukan sa malakas na koneksyon o baka dahil na talaga sa aking telepono.
 
Sa kasalukuyan, aking ginamit ngaun ay postern vpn. Marahil ay mahina nga lamang ang taglay na lakas ng epekto ng proxy sa aming lugar.

Hindi pa rin aq makapagkarga pailalim ng anumang taludtod. Gayunpaman, salamat sa iyong pagbabahagi kaibigan.
 
sana pinost mo nalang po s.s. ng makita namin kung anu talaga problema..
Hindi ko na kailangan ipost pa sapagkat kapag ako'y nagkakarga pailalim ng mga apk, ang lumabas lamang naman sa aking notipikasyon
ay unsuccessful download o di matagumpay na pagkakarga pailalim. Kung mga musika at video, pagdaka'y lumalabas ay unhandled http code.
 
Salamat sa mga nagbabahagi ng kanilang mga kuro-kuro't opinyon. Lubos kong ipinagpapasalamat ang inyong pagtugon sa aking suliranin.

Sana nga ay masulusyunan na ito pagkat ako'y nababalisa pagkat di na ako makapagkarga pailalim.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top