1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Help "unhandled http code" ano ang marapat gawin?

Discussion started by garrysrm, Jul 5, 2017.

  1. Nais ko lamang pong mabatid kung bakit ako'y hindi na makapagkarga pailalim (download hahaha!) ng mga taludtod (files) tulad ng mga apk at roms.

    Mangyari ay ang lumalabas sa aking mga luhog (request) sa mga dako ng sapot (website hahaha!) ay "unhandled http code." Ano po ang aking marapat gawin upang ako'y makapagkarda pailalim muli ng mga taludtod tulad ng apk, roms at iba pa?

    Nawa'y may mga magagandang loob na tumugon sa aking suliraning lubhang bumabagabag sa aking kalooban.

    Ngayon pa lamang ako'y lubos ng ngpapasalamat sa kung sinuman ang makapagbibigay liwanag sa aking katanungan...
     
  2. R3dzk13

    R3dzk13 Eternal Poster Established

  3. is this a "Riddle" ?

    baka sa internet connection mo ang problem or sa site na pinag kukunan mo ng apk or roms for download
     
    Last edited: Jul 5, 2017
  4. Futility

    Futility Forcing everyone to read! Staff Member Support Team

    Ang lalim ng tagalog, haha, nakakalunod.
    Tanong ko lang ts, may gamit ka bang VPN?
     
  5. PesteM DiabolicaE

    PesteM DiabolicaE Leecher Staff Member Support Team

    sana pinost mo nalang po s.s. ng makita namin kung anu talaga problema..
     
  6. Pano po naging malibog? Maaari ko mabatid kung saang bahagi ng aking mga talata ang iyong tinutukoy binibini?
     
  7. Hindi ko lubos na matanto kung sa koneksyon nga yaon o dili kaya sa aking pinagkukunan. Marahil nga ay tama ka kaibigan. Marahil sa kadahilanan na rin na mabagal sa aming dakong tinitirhan ang sagap ng internet.

    Salamat sa pagbabahagi. Aking susubukan sa malakas na koneksyon o baka dahil na talaga sa aking telepono.
     
  8. Sa kasalukuyan, aking ginamit ngaun ay postern vpn. Marahil ay mahina nga lamang ang taglay na lakas ng epekto ng proxy sa aming lugar.

    Hindi pa rin aq makapagkarga pailalim ng anumang taludtod. Gayunpaman, salamat sa iyong pagbabahagi kaibigan.
     
  9. Hindi ko na kailangan ipost pa sapagkat kapag ako'y nagkakarga pailalim ng mga apk, ang lumabas lamang naman sa aking notipikasyon
    ay unsuccessful download o di matagumpay na pagkakarga pailalim. Kung mga musika at video, pagdaka'y lumalabas ay unhandled http code.
     
  10. Salamat sa mga nagbabahagi ng kanilang mga kuro-kuro't opinyon. Lubos kong ipinagpapasalamat ang inyong pagtugon sa aking suliranin.

    Sana nga ay masulusyunan na ito pagkat ako'y nababalisa pagkat di na ako makapagkarga pailalim.
     
  11. PesteM DiabolicaE

    PesteM DiabolicaE Leecher Staff Member Support Team

    simplehan mo nalang kasi yung tanong
     
  12. Ano po ang marapat gawin sa paglutas ng lumalabas na unhandled http code sa tuwing ako'y nagdadownload?

    Iyan na po ang pinakasimpleng tanong na aking maibibigay kaibigan.
     
  1. PHCorner uses cookies to help personalise content and tailor your experience. By continuing to use this site, you are consenting to our use of cookies. Accept Learn More
    Dismiss Notice