What's new

3 times nagcheat

ala naman pala. pag isipan mo. sa simula lang yan mahirap pero kalaunan makaka move on karin at marami kang lesson na matutunan sa break up and try to be single for a while.
Kung wala talagang motivation para hiwalayan yan manood ka ng mga vlogs at mga content sa yt about relationship.
tama to paps. kaya ts mag-isip-isip ka na
 
Ts, sorry ah? Pero iqoqoute ko yung sinabi ni ellen adarna, you deserved what you tolerate. 3 chances na ang binigay mo Ts, katangahan na yan, Once is enough twice is too much. That 2nd chance na binigay mo is enough para bigyan siya ng pagkakataong magbago. Pero inulit pa rin niya? Di niya deserved ang pagmamahal at oras mo Ts, may mga babae/lalaki pa sa mundo na mas deserving at kayang maging loyal sayo. Bitawan mo na Ts. Yung kasabihang sayang yung memories, yung years, much better na itrade mo yang memories na yan sa peace of mind and mental health mo.
 
ika nga, once is enough pero pag hinayaan mo pa at naulit uli, its ur choice na pinatawad mo sya at hinayaan gawin uli sayo yun, ur trading ur trusrt and heart for just unfaithful partner. once he/ she cheated on u asahan mo na wala an dun yung loyalty and faithfulness, kasi sa una pa lang nagcheat na sya. wala sayo ang pagkukulang kung bakit hindi ka naging sapat sa kanya, or kung ano man yung rason why sya nagchecheat. tkasi therws no fcking reason kung bakit need mong mag cheat kasi once na mahal mo,, kahit gano pa ka low anfg rs nyo never papasok sa isip mo na gumawa ng bagay na ikakasira nyo.. i suggest
choose urslef rightnow.
 
Let go mo na pre tska daming babae, ganto kasi mindset dapat natin pre, if niloloko ka may kulang sayo,pag ayaw ng babae sayo go wala ka naman siguro pag kukulang sa kanya siya din matatauhan kasi siya nag kulang hindi ikaw
 
mas okay na i let go mo na yan paps kasi kahit pinapatawad mo na yan gagawin at gagawin nya yan e kasi nga 'cheater' madami pang mas deserve sayo hindi mo yan deserve, wag mo kainin pride mo para sa kanya baka di nga talaga kayo para sa isat isa. mag simba ka lng dadating din yung para sayo yung di ipaparamdam sayo na mag ooverthink, know your worth!!! Hindi mo yan deserve e let go mo na yan kasi ikaw na yung kawawa jan e.
 
Naku mahirap yan paps, kung jowa lang at hindi pa asawa iletgo mo. Madami pa naman jang iba eh, paka tatag kana lang makakalimutan ko rin siya.
 
Let go na lang, gumawa ng ibang pagkaka abalahan, at focus sa ibang bagay o ibang tao pamilya o kaibigan, una ay mag dasal,
 
baka hinihintay mo pa nag magcheat sya ulit ng dalawang beses pa para BINGO na?

ikaw lods kung nag eenjoy ka na nasasaktan kalooban mo, nasisira pag iisip mo, umiiyak palagi, nag mamaakaawa palagi, nangangarap na sana wag na nyang gawin yun, nawawalan ng tiwala sa lahat, go lang boss , pakasilaw ka sa pagmamahal mo sa kanya

pero kung gusto mong sumaya, magawa mga bagay na walang pipigil sayo, gagaan mga iniisip mo, makatulog ng maayos, mahalin sarili mo, hiwalayan mo na.

may karapatan ka naman na gawin na yun eh.

ikaw lods,
pili ka.

nasa sayo parin yan desisyon,, nasa sayo parin ang gawa.
kami lang yung tumatapik sa likod
 
Ako nga may anak kami pero nilet go ko parin, sustento nalang talaga kahit sobrang mahirap. kaya mo yan paps. 6yrs din pinahsamahan namin bandang huli nagloko rin kaya ayun tinapos agad namin kesa makita pa ng bata yung mga away. Kaya mo yan paps, maraming iba riyan na mas maganda at mas mabait bonus mo nalang yung mapagmahal, faithful at performance charot
 
palitan mo na, di mo deserve yung mga ganyang tao, gusto ka lang nya i-keep para lang maging kampante sya sa sarili nya na may babalikan sya if ever na di magwork yung nilalandi nya. basic
 
Lods, buti ka iniisip mo siya. Ikaw parang hindi ka niya iniisip na umabot pa sa ikatlong beses. Time naman siguro na isipin mo yung sarili mo. Let yourself go, sa relasyon na yan.
 

Similar threads

Back
Top