What's new

Help Boost performance & save battery | ultimate guide to super android

Dark Chroma

Forum Veteran
Elite
Playing Tekken, streaming musics in spotify, running HTTP Injector, Messenger on Chat Heads in 75% brightness for 1hour pero 25% lang ang bawas sa charge... yan ang totoong battery saver habang nagmu multi tasking without lags

Na tutunan ko to sa loob ng more than 5 years na pangangalikot sa android and i will share this tricks here in PHC

Di po ito gaya ng nakikita nyo sa ibang thread na "Install and works like a Charm" dahil dito ay tuturuan ko kayo mag tangal ng mga pabigat sa phone nyo... hindi mag dagdag ng palamunin sa charge

siguro deserves ko na ang like at follow galing sa inyo

this is ongoing at habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang tutorial na ipo post ko so follow me nalang ;)

Lets start
- Trick 1 -
Remove Bloatwares:
Bloatwares ang tawag sa apps na naka install pero walang kwenta para sayo...
May mga apps na halimaw kung kumain ng apps gaya ng FB messenger... since may browser naman ako ehhh tinangal ko nasya.
Much better kung rooted ka, pwede mong tangalin ang mga system apps na di mo masyadong kailangan... di ako fan ng google apps dahil kaya ko namang mag download ng apps tru browser kaya pwede ko na syang tangalin... dipende yan sa inyo kung ano ang bloatware para sa inyo

- Trick 2 -
Make it simple: Tangalin mo na ang mga pampa landi mo sa cp mo like custom launcher at custom keyboard... aanhin mo yung mga doble dobleng apps na yan kung meron namang default? kung ayaw mo sa default then i freeze or uninstall mo nalang para walang background process...
lalo na pag dating sa theming... piliin nyo ang mas dark na wallpaper, wag nang live wallpapers kasi malakas yan sa ram at charge...
pag dating naman sa app themes piliin ang Dark Theme o Night Mode kasi nakaka bawas yan sa charge cunsume kahit ganun parin ang brightness...
limitahan din ang pag gamit ng widgets sa home screen... lagi yang buhay kaya matakaw sa charge

- Trick 3 -
LiTE (wala, gusto ko lang liitan yung "i") -
Fan ako ng mga LiTE version kasi malaki ang natitipid nito hindi lang sa internal memory pati narin sa ram and charge... kilalanin mo rin si UC Mini, OM LiTE, FB LiTE, ES File Explorer LiTE and so on... Try nyo rin ang mga Modded versions like Modded YøùTùbé, Spotify, Link2SD or yung mga favorite mong puno ng ads at mga kalandian... kadalasan sa modded version ay Ad Free and LiTE version para magaan sa phone


- Trick 4 -
Storage CleanUp:
mahirap kumilos sa loob ng kwartong puno ng kalat, tama?
ganun din sa phone... may impact din sa phone kung masyadong makalat ang storage mo, natatagalan sa pag babasa ng storage kaya natatagalan din ang ram.
ang technique ko dyan, di ko pupunuin ng kung ano anong files ang mem ko... once na feeling ko ay bumibigat na, ipapasa ko sya sa laptop ko or upload online like pictures or movies or even installer packages...
magiging handy rin kung gagamit kayo ng "OTG" na memory para kung sakaling kakailanganin mo ay madali mo lang maka copy ang file ng hindi pinupuno ang storage mo...
you might also want to remove left over files/folders ng mga na uninstall mong app...
you can also opt to a best storage cleaner for you... iba iba tayo ng taste pero para sakin okay nako sa All-In-Toolbox (Cleaner) since user friendly sya at magaan pa both storage at ram

- Trick 5 -
Swift Set Up:
Libutin nyo ang Settings ng android nio at patayin/tangalin o paliitin ang mga pampa bigat like Animations, Captions, Transitions, WiFi Settings, GPS Settings, Account Settings, Update Settings, Sync Settings, Background Data Settings, Privacy Settings at kung ano ano pa dipende sa phone mo...

Alam mo naman siguro kung ano ang kailangan at hindi kaialangan... kailangan mo lang talaga ng oras para malaman ang Proper Setting ng Android mo... As much as possible make your device always OFFLINE at walang background process para save as much as possible


- Trick 6 -
Know your Android's limitation: kung hindi rin lang snapdragon ang chipset mo ay wag mo nang pag sabay sabayin ang Clash Of Clans, Clash Royal, Boom Beach, Mobile Legends, at Minecraft... grabe ginawa mo nang computer yang CP mo.
kahit na hindi mo yan i run mayroon at mayroon parin yang background process... kaya nga nagno notify sila kung tapos na ang pinu pukpok ng builder mo o may umattack ng kalaban kahit di mo pa binubuksan diba?
kung alam mo nang halimaw sa Ram ang laro mo ehhh tangalin mo na ang iba...
Sayang ang Progress? Gamit ka Titanium Backup and make a backup ng buong app data para kung gusto mong balikan ehh madali nalang yun diba?
ang importante ma enjoy mo ang larong kina aadikan mo ngayon ng walang lag...
Aside from that, i set nyo ang apps nyo na wag mag notify hanggat maaari dahil lalaki ng lalaki ang kain nila kapag lagi silang active lalo na pag open si internet
By that, malilimitahan na ang Background Processes at makaka tulog ka pa ng mahimbing

:brb: Wala pa tayo sa kalahati so follow nalang for upcomming post :brb:
mercy naman, wag hit ad run
 
Last edited:
Pwidi rïng sabïhïn na kung dalawa o maraming kang gf, aba, e bloatware na rïn yann. Kaya magstart ka ng maglïnïs ng nakatambay at decoration lang.
 
pwede ring eforced closed lahat ng app kapag d na ginagamit. dahil sumisip sip yun ng mem. at battery. patayin ang dapat patayin na app one at a time lang sa pag gamit ng app. salamat sa share ts.
 
Back
Top