1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Two-door refrigerator, malakas sa kuryente?

Discussion in 'General Chat' started by aregee, Mar 21, 2016.

  1. Karaniwan nang nakikita sa mga bahay ang refrigerator na malaking kapakinabangan para sa pamilya. Gayunman, marami ang nagtatanong, alin ba ang mas maganda: single door o two-door type refrigerator?

    Size ng storage ang isa sa pangunahing pinag-uusapan sa nasabing uri ng ref.

    Sa two-door, karaniwang mas malaki ang storage capacity nito maging sa freezer. Ang temperature control nito ay mas adjusted o advanced para ma-compensate ang laki ng fridge. May feature ang iba na may alarm sakaling bumaba ang temperature nito na hindi akma sa dami ng nakalagay sa ref.

    Sa one-door ref may advantage rin. Bagay ito sa may maliit lang na space o sa pamilyang may maliit na miyembro o gastos . Mas mababa rin ang konsumo nito sa kuryente.

    Kung bibili ng refrigerator mag-focus sa features at benefits nito, sa kalidad o sa brand.

    Dapat ding tandaang mas mahal ang two-door kung bibilhin, at minsan ay mataas ang konsumo sa kuryente.
     
  2. salamat po sa advice icoconsider ko na po lahat yan ahhaha
     
  3. thanks sa info(y)
     
Tags / Keywords:

Share This Page

Loading...