1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Truth behind katayan

Discussion in 'General Chat' started by qwerty0712, Oct 7, 2016.

  1. sharing! ex: nakakuha ako ng vpn naishare ko sa friend ko. naishare ng friend ko sa friend nya. hanggang kumalat. hanggang sa makarating sa network: nadetect at nakatay.

    opinion ko lang ahh. kung ang vpn ay may password or maybe some other tricks na hindi agad makakakonek. mas ok.

    ex: alam ko ang hidden tricks para kumonek. tapos naikonek ko ang friend ko pero di nya alam ang tricks. mashashare nga nya ang vpn pero di naman makakakonek. so hindi mabilis kakalat.

    but the saddest thing is walang forever.
    hahahaha
     
  2. zatanel

    zatanel Addict Established

    Business is business... Yan ang truth...
     
  3. P0PSYGIRL

    P0PSYGIRL Enthusiast Established

    may forever noh haha
     
  4. Evildeathzz

    Evildeathzz Addict Established

  5. ganyan talaga yung kalakaran
     
  6. G Flum

    G Flum PHC Master Established

  7. Haha .ehi lock nlng at unable sa rooted pra d nila pag kalat.

    Haha .ehi lock nlng at unable sa rooted pra d nila pag kalat.
     
  8. kung di ka marunong mag share ng blessing na gawa mo or tuklas mo. talagang forever.
     
  9. ibenta mo na yan..-vpn
     
  10. ang suliranin natin ay sintomas ng pagkukulang ng pamahalaan,

    at ang pagkukulang ng pamahalaan sa isang demokrasya

    ay kasalanan mismo ng taong-bayan

    na nag-uugat sa kapalpakan ng nagdaang mga salinlahi

    ibig kong sabihin, kung tutuusin, dapat libre na ang internet,

    o kaya, ay itinuturing na kagaya ng tubig at kuryente

    samakatwid, karapatan ng lahat
     
  11. Saan naman nanggaling ang rationale na dapat libre ang Internet? Ang tubig, kuryente, at pati ang Internet ngayon ay utilities, hindi na luxuries—in agreement tayo dun. Pero ang infrastructure at kasangkapan na pang-maintain sa tubig ng Maynilad, sa kuryente ng Meralco, at sa data bandwidth ng mga telcos, ginagawa ng ibang kumpanya ito at binibili ng local utilities. Ang mga equipment suppliers na ito ay mga kumpanyang nagpapasweldo din ng tao, bumibili ng teknolohiya, nagbabayad ng buwis, etc. So may expenses. Paano mo hihingiin na lang ng libre ang produkto at serbisyo nila kung ganon?

    Hindi problema ang pagbayad. Ang problema ay ang pagsingil. Pati na ang oligarchy na umiiral. In the Philippine setting, part of the problems lies with the oligarchic families who also control politics. Pero part of the problem also lies with Filipinos who keep voting into power ignoramuses like Manny Pacquiao, DU30, Erap, etc. Napakaraming experts sa agham ng pamahalaan at serbisyong pampubliko na galing sa UP, PUP, UST. Yun nga lang, ayaw nilang pumasok sa serbisyo pampubliko dahil ang nakatalaga sa loob ng napakabulok na sistema ay yung mga buwayang ibinoto ng masang Pinoy.

    Ganun kaya sa HK na kasing presyo lang halos ng Pinas ang internet, ang unli nila talagang unli, at pati sa underground puwedeng makanood ng video strêâmïng, samantalang sa Pilipinas madaanan lang ng ibon sa ibabaw, mapuputol na ang signal.
     
    perlando likes this.
  12. Ang mga utilities, kasama na ang internet, ay karapatan ng tao sa makabagong panahon.

    Kung paanong ang pagkain, pananamit, at tirahan ay tinitingnan bilang mga pangunahing pangangailangan, gayundin ang kuryente, patubig, at internet.

    Hindi naman dahil sinabing libre ay walang nagbayad. Bilang halimbawa,

    Bakit may mga pampublikong paaralan? Bakit may mga bansang nagsasaalang-alang sa Please or Register to view links?

    Ang pangangatwiran, o rationale ´ika mo, ay ang pagpapantay-pantay ng pagkakataong umunlad. Hindi pagpapantay-pantay sa tinataglay, kundi ay sa pagkakataong matupad ang mithî.

    At sa larangan ng pagbibigay kaalaman sa tao, ang internet at paaralan ay hindi nagkakalayô.
     
    Last edited: Dec 12, 2016
  13. On the same page naman tayo sa dalawang punto na ito. Pero ito lang ang isyu ko sa pagkagamit mo ng term na "libre." Walang ibang definition ang libre kundi "free." Walang pabayad. Yung sinabi mong "dapat libre na ang Internet", imposible yun.

    Ang pampublikong paaralan, ang state hospitals, maraming serbisyo ay mura pero hindi free. Bakit? Subsidized ng gobyerno. Paano? Galing sa perang ibinayad bilang buwis. So samakatuwid, someone somewhere is paying for those services. Walang libre.
     
  14. Hindi lamang ¨walang bayad¨ ang maaaring pakahulugan ng libre. Maaari ring ¨malaya¨ or ¨may kasarinlan¨.

    Hindi malaya ang tao sa paggamit ng internet kung hindi magamit dahil napakamahal, na anupat kailangang pumili kung ang kinita ay ibibili ng pagkain o ipambabayad para sa kaalamang nasa internet.

    Ang ganitong kalagayan sa kasalukuyan ay napakalungkot.

    Sa pahaging mong ¨someone somewhere is paying¨, ito ay totoo, subalit totoo ito sa maraming bagay hindi lamang sa internet, dahil nga ito ang papel ng pamahalaan.

    Ang tanong ay karapat-dapat bang ilagay sa unahan ng listahan ng mga dapat gawin ng pamahalaan ang pagbibigay ng kalayaan para sa lahat para makagamit ng internet. Para sa akin, dapat, dahil ito ay pamumuhunan sa pangkalahatang kakayahan ng lipunan, na magpapaunlad sa lahat.

    A rising tide floats all boats, wika nga. Habang mas maraming alam ang lipunan, mas masigla ang pakikipagkalakalan, mahusay para sa lahat.

    Hindi tayo nagkakaiba ng paniwala. Nailáng ka lamang sa salitang libre.
     
Tags / Keywords:

Share This Page

Loading...