What's new
Status
Not open for further replies.

erwinc09

Eternal Poster
Joined
Mar 27, 2015
Posts
751
Reaction
284
Points
348
According to Waray and Western Visayan folklore, the amalanhig or maranhig (a.k.a. amamanhig, amaranhit) are flightless aswang that came back to life after death. They rise from their grave after failing to pass their power to a relative. Upon rising from the grave, these amalanhig lurk in the woods and live as blood and life essence suckers. At night they go to nearby villages to prey on the residents using their sharp, pointed tongue.
Aside from the amalanhig of aswang origins, some deceased humans could also turn into amalanhig. These are people who died with an unfinished business or were murdered and came back for revenge. The amalanhig with unfinished business are relentless in pursuing the persons they have chosen to fulfill their goals. Others do nothing but sit and yawn outside the house of their loved ones and will only move on if asked to go in peace. Avenging amalanhig, on the other hand, tickle their victims to death while sucking their life force. They would lie in wait behind trees where the people who have wronged them usually pass.
They also mimic the words of the persons they encounter. Their presence is usually detected through the stench of their rotting flesh.
The amalanhig have stiff legs that can’t bend. The aswang amalanhig, however, are still fast and can’t be outrun. If an amalanhig chases you, climb a crooked tree to prevent the creature from catching you. You can also jump into the river or any body of water since these are known to keep the amalanhig at bay. Water can turn an amalanhig into a heap of worms and maggots that must be destroyed before they could form back into the creature.
According to one legend, a long time ago before the Spaniards came to the Philippines a chieftain ordered his priestess to create an army of warriors that couldn’t be killed. These immortals were created by killing ordinary men and encrusting their bodies with dark soot, putting a strange pebble in their mouths, and doing other rituals. After three days they came back to life but they were mindless, walking corpses that only died after accomplishing their task.
Amalanhig means “stiff one”.

15665383_367000777002753_5398795092050821672_n.jpg



Ang amalanhig o maranhig


Ayon sa kwentong bayan ng mga Waray at Hiligaynon, ang amalanhig o maranhig ay mga di nakakalipad na aswang na naghihingalo o namatay na ngunit di malagay sa tahimik. Sila ay nananatili sa lupa dahil bigong ipasa ang kanilang kapangyarihan sa isang kamag-anak. Matapos bumangon sa kanilang pagkakahimlay, ang mga amalanhig ay nananahan sa kagubatan o kakahuyan at naninipsip ng dugo o nanghihigop ng lakas ng tao. Pagsapit ng dilim, sila ay umaatake sa kalapit na barrio upang biktimahin ang mga residente gamit ang kanilang matulis at matalas na dila.
Maliban sa mga aswang na naging amalanhig, may mga tao din na maaaring maging amalanhig. Ito ay mga taong pumanaw na o yung mga pinaslang at di matahimik. Yung mga di matahimik na amalanhig ay hindi titigil hanggat hindi naisasakatupara
n ang kanilang nais (halimbawa: maipamahagi ang di napamanang kayamanan, o makapiling sa huling pagkakataon ang mga mahal sa buhay, meron ding di matahamik dahil ayaw ibahagi sa iba ang naiwang kayamanan o ari-arian). Malimit sila ay nagpapakita sa isang tao na napili nilang siyang sumagawa sa kanilang ninanais. Meron din namang mga amalanhig na uupo at hihikab lamang sa labas ng bahay ng kanilang mahal sa buhay at mamamatay din kapag pinakiusapan na manahimik na. Samantala, yung mga amalanhig na paghihiganti ang pakay ay pumapatay ng tao sa pamamagitan ng pagkiliti at paghigop ng lakas. Sila ay nagtatago sa likod ng mga puno na dinaraanan ng mga taong nagkasala sa kanila pagkatapos ay atatake.
Ginagaya rin ng mga amalanhig ang sinasabi ng sinumang makasalubong nila. Malalaman na nariyan sila dahil sa amoy nilang nabubulok na laman.
Hindi nababaluktot ang mga binti ng mga amalanhig. Ngunit sa kabila nito, sila'y mabilis pa rin at mahirap takasan. Kung ayaw mong mahuli ng amalanhig, umakyat ka sa puno o di kaya'y tumalon ka sa ilog, lawa, o dagat dahil takot ang amalanhig sa tubig. Kapag nabasa ng tubig ang amalanhig, ito ay magiging isang tumpok ng mga uuod na kayang patayin bago pa muling makabalik sa dating anyo nito.
Ayon sa isang alamat, noong unang panahon bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may isang datu na nag-utos sa kaniyang babaylan na gumawa ng mga kawal na hindi mamamatay. Nagawa ito ng babaylan mula sa pinaslang na kalalakihang binalot ng uling ang mga katawan, pinalunok ng mutya, at isinailalim sa samo't-saring ritwal. Matapos ang tatlong araw ay muling nabuhay ang mga ito ngunit mga walang sariling isip at mananahimik lamang kapag naisakatuparan na ang ipinag-utos sa kanila.
Ang ibig sabihin ng amalanhig ay "nanigas".

References:

Ramos, Maximo D. The Aswang Syncrasy in Philipine Folklore. Philippine Folklore Society, 1971
Ramos, Maximo D. The Creatures of Midnight. Phoenix Publishing, 1990
Ruiz, Ruel N. Elemental, Engkanto, Atbp. Of Man and Myths
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top