What's new

Closed Story about biringan city

Status
Not open for further replies.

harpydan

Honorary Poster
Joined
May 2, 2016
Posts
703
Reaction
194
Points
220
Age
24
BIRINGAN CITY – ANG KAHANGA HANGA PERO TAGONG SYUDAD NG PILIPINAS

Narinig nyo na ba ang lugar na BIRINGAN? Marahil ang ilan sa atin ay makakasagot ng oo, pero napuntahan mo na ba? Gugustuhin mo kaya?

Halika at tuklasin natin ang Hiwaga ng BIRINGAN CITY.

Ito ay kwento ng isang syudad na nakakamangha at kahanganga pero hindi lahat ay nakakakita. Biringan City ang tawag dito. Sinasabing ito ay nasa kalagitnaan laman ng Gandara, Tarangnan at Pagsanhan, Northen Samar.

Pag sapit ng gabi. Mag-ingat ingat ka.. maging mapagmatsag sa paligid, baka ikaw ay naliligaw na papunta sa BIRINGAN.

Maganda sa Biringan, may matataas na gusali na ang ilan ay elegante ang pagkakatayo na halos maihahanay mo sa mga mauunlad na Syudad sa ating Mundo. Naggagandahang mga ilaw at makabagong mga kagamitan. Pero ang mga nakatira dito, ENGKANTO at kanilang mga ANAK mula sa TAO.

May ilang mga natala na nakapunta dito gaya ng mga driver at ang kwento nila, sila ay nililigaw ng mga engkanto papunta dito at pag bumabalik na ang kanilang ulirat namamangha na lang sila sa kanilang nakikita – BIRINGAN.
May mga mangingisda din na nagsasabi na kung minsan ay kulang ang kanilang huli, namamalayan nalang nila na napupunta sila sa isang tahimik na karagatan at madami na ang huli at sa kagustuhan nilang makahuli ng sagana, hindi nila namamalayan na nasa kalangitan na sila ng BIRINGAN.
Ang ilan ay mga busienessman or dealers, as a deal, ihahatid ang mga order/products sa BIRINGAN. Minsan nang naitala na mayroong mayamang tao sa Pilipinas na umoorder ng mga mamahaling gamit sa ibat ibang bansa at pinapadeliver sa Biringan.

Mahigpit na ipinagbabawal banggitin ang pangalang BIRINGAN sa Samar. Bakit ? dahil maari kang kunin ng Syudad. At kapag nasa Biringan ka na, magdasal ka hanggat kaya mo, dahil ibig sabihin nito – ikaw ay sinasapian at kailangan mong labanan.

CAROLINA:
Isa ito sa mga lumang kwento na ugnay sa Biringan City, taong 1983, si Carolina ay nag-aaral sa Manila. Kung titignan mo Carolina, mapapansin moa ng angkin nitong kagandahan at katalinuhan. Isa sa mga naging kaibigan ni Carolina ang naglahad ng kwentong ito at itago natin sa pangalang Socorro.

Patapos na ang semester ng inimbitahan ni Carolina ang kanyang mga kaibigan. Tinanong nito kung taga saan si Carolina at nasabi nga nito na sya ay Taga Biringan, Samar. Mayaman si Carolina kaya sagot na din nya ang pamasahe papunta at pabalik ng Manila. Gayunpaman, hindi nakasama si Socorro dahil hindi ito pinayagan.

Matapos makapunta sa Biringan si Carolina at ang talo pa nitong kaklase, wala ng narinig pang balita sa kanila. Masugid na hinanap ang mga ito sa Samar namangha sila ng malamang.. walang syudad na nagngangalang BIRINGAN dito.

Ilang taon ang lumipas, isa sa kapatid ng mga nawala ay nanaginip na sinasabi umano nito na sya ay nasa Biringan na at masaya sya dito kasama si Carolina. Ganun din ang sinasabi ng sulat na natanggap naman ng isa sa pamilya ng mga kasama ni Carolina at ikinwento na ang Biringan ay napakalaking syudad at may anak na sya. Napang asawa nya ang pinakamayamang engkanto sa Biringan.

Minsan na ding naitala na ang Pilipinas ay isa pinakamayamang bansa dahil sa mga mamahaling order nito gaya ng kotse, furniture, semento at iba pa. Sino ang umorder? CAROLINA.

KARAGDAGAN:
1. May mga ulat mula sa Japanese company na nagpapakita ng maliliwanag na lupain sa sinasabing lugar ng Biringan kaya inakala nila na ito ay hitik at sagana sa deposito ng ginto at uranium. Dali dalian silang nagtayo ng work site sa bayan ng San Jorge ngunit maraming mga di inaasahang aksidente at pangyayari ang naganap. Isa sa nagging rason kung bakit nahinto ang proyekto.

2. May isang cargo ship na may dalang appliances at materials ang idedeliver sa Biringan City. As requested by the client, gabi nila idineliver ang mga ito. Namangha sila sa kanilang Nakita dahil talaga naming napakaliwanag ng syudad na ito, puno ng mga mansion at naggagandahang kalsada. Pagkagising ng mga sakay ng barko, mas nagulat sila ng Makita nilang mga malalaking puno na lang ang kaharap nila.

Hanggang ngayon ang syudad ng Biringan ay patuloy paring hiwaga. Ito kaya ay daanan papunta sa ibang mundo?
- Mikel Mystery.
#copypaste
 
Yung mga taga samar baka alam nila kung saan yan.maganda ts..share ka pa ng madami.yung sa pinas muna na mga misteryo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top