What's new

Closed REINCARNATION NG ISANG LASENGGO...

Status
Not open for further replies.

DonttrustanyonE

Forum Guru
Joined
Aug 31, 2015
Posts
3,424
Reaction
1,289
Points
1,817
REINCARNATION NG ISANG LASENGGO...

> As always! Madaling araw na naman nakauwi si RIKARDO galing sa inuman

> at lasing na lasing. Pag dating niya ay tulog na ang kanyang MISIS kaya

> tumabi na lang siya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, sa muling

> pagmulat ng mga mata ni RIKARDO ay nakita niya na ang katabi ay isang

> lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!

> RIKARDO : Sino ka! At ano ang ginagawa mo dito sa kuwarto namin?

> SAN PEDRO: Huminahon ka RIKARDO. Hindi ito ang kuwarto niyo at ako ay si

> SAN PEDRO.

> RIKARDO: Ha? Kung ganon patay na ako!

> SAN PEDRO: Ganon na nga iho.

> RIKARDO: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa ang dami

> ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka SAN PEDRO pabalikin mo sa lupa kahit

> man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!

> SAN PEDRO: Teka huminahon ka. Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw

> pero pwede kita i- reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!

> RIKARDO: Mmmmm kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok lang

> po SAN PEDRO, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para malapit ako

> sa pamilya ko!

> SAN PEDRO: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.

> At muling nabuhay si RIKARDO bilang isang inahing manok. Nakita niya ang

> sarili na puno ng balahibo at kasama niya ang ibang mga inahing manok sa

> bukid nila. Kinausap siya ng isa pang inahing manok na si SUSY.

> RIKARDO: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka bakit

> parang umiinit ang tiyan ko at kumukulo?

> SUSY: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag

> malapit ka nang mangitlog. Magrelax ka lang at hayaan mo siyang dumaloy.

> RIKARDO: Ano? Mangingitlog ako! Oo nga pala inahin nga pala ako kaya

> normal lang siguro yun.

> Kahit medyo kinakabahan si RIKARDO ay sinunod nya si SUSY at nailabas nya

> ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam

> ni RIKARDO.

> RIKARDO :Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon

> ko lang naramdaman ito, para akong isang ina na nagsilang ng sanggol

> napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito. Pero teka bakit parang meron

> pa?

> SUSY :Huwag kang mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya natin

> mangitlog ng isa hanggang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang

> lumabas.

> RIKARDO: Ganon ba? O sige. Maraming salamat SUSY! Hindi ko maintindihan

> ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig ng damdamin.

> At muli na naman nangitlog si RIKARDO. Gumaan muli ang pakiramdam niya.

> Napangiti at nasabi niya sa sarili niya na ito ang pinakamasarap na

> naramdaman niya sa buong buhay niya kahit na noong namumuhay pa siya

> bilang isang tao. Halos mapaluha siya sa galak. Naghahanda na sanang

> ilabas ni RIKARDO ang pangatlo niyang itlog nang biglang may matigas na

> bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig siyang malakas na sigaw�

MISIS : HOOOY PUT............ MO!!! GUMISING KANG DEMONYO KA! BAKIT KA TUMATAE SA KAMA ?!?


bwahahahaha :hilarious:
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top