What's new

Closed Ram expander | true or fake | share your toughts

Status
Not open for further replies.

Dark Chroma

Forum Veteran
Elite
RAM Expander? totoo o hindi?

gaya ng Memory Expander gumagawa ng partition sa mem card para gawing virtual ram... pero effective ba talaga?

since di naman sci. tech. ang karamihan ng tao dito sisimplehan ko lang ang post ko...

umpisahan natin sa Mem Card...
malamang marami sa inyo di pinahahalagahan ang pag pili ng class ng Sd Card... opo may class din sila...

siguro naka encounter na kayo ng SD Card Error like 0mb ang size or Needs Format or totaly corrupted... yan ang sakit ng mga low class na mem card...

bukod jan, mas mabilis ang read/write sa mga high class meaning mabilis ang pag process ng Phone to Memory and Vice Versa

Aanhin mo ang RAM Expander kung mabagal parin ang takbo ng MemCard mo? may chance din na mag corrupt yun at mawala lahat ng laman pag nagka taon...

ngayon, may mga apps na hindi pwedeng ipasa sa Virtual RAM dahil lalo syang babagal ESP. Games like Mobile Legends, dalawa lang ang kakalabasan nya, Force Stoped o pupunta sya sa physical Ram ng phone...
malam mo pa kung di mo pa nase save ang data mo...

ehhh kung pumili ka ng magandang klase ng Mem card?
pwede siguro... pero ano ba talaga ang nangyayari bat may RAM Expander?

imagine, pinag igib ka ng tubig ng nanay mo mula sa malayong gripo...
Nag dala ka ng 3 timba kahit 2 lang ang kamay mo, ang kakalabasan... pupunuin mo ang tatlong timba...
yung dalawa dadalhin mo ng ilang hakbang tas iiwan mo para balikan yung naiwang isa at paulit ulit mong gagawin hangang sa makaabot ka ng bahay nyo...

ang labas... marami kang nadalang timba pero natagalan ang pag iigib mo...

parang ganyan din ang nangyayari sa android...

marami kang nabubuksan na apps pero mas natatagalan ang process... dahil wala naman talagang pake ang Kernel kung may Virtual RAM ka pa...

hindi mo na gets? pag aralan mo kung ano ang kernel...

ano ba ang mas effective na pang RAM Expander?
sa totoo lang wala...

pero may alternatives na para kang may ram expander...

1) Custom Kernel: importanteng malaman nyo na mas importante ang Custom Kernel kaysa sa Custom Rom dahil kaya nitong pabilisin ang Android at Pahabain ang buhay ng Battery... di ko sya idi discuss ngayon, baka sa susunod na kasi mahabang usapan (Follow me nalang )
2) Remove Bloatwares: tangalin mo na yung mga walang kwentang apps na wasalak kung kumain ng RAM like yung patong patong na Launchers, Battery Expander kuno na di namam talaga effective, mga anti Virus/Malware na monster sa memory at kung ano ano pa... much better kung rooted ka para matangal mo yung system apps na lawenta
3) Linisin mo naman yung media storage mo, baka kaya mabagal cp mo kasi magulo storage mo... parang yung kwarto mo xD
4) Bawasan mo yung running apps, wag na masyadong mag multitask lalo na kung ndi snapdragon ang chipset mo xD
5) i Clear mo lagi Cache mo
syempre... pag pahingahin mo naman yang cp mo... maawa ka dude... napapagod din yan xD

Comment po kayo ng mga Idea nyo about RAM Expander

may nakuha ka? follow me for more tips like this
 
Yung tungkol sa roehsoft ram expander .. ginamit ko yung app na yan ts bcos sobrang laggy ng games ko mostly yung 3d games then nag try ako mag swap na memory sa sd into ram and class a yung gamit kong sd card ang resulta super smooth na nung games like nba by the way working lang yata yon sa rooted device .. medyo risky lng kapag hndi alam yung gagawin pero ang laking tulong para maging swabe yung performance nung device :D
 
Yung tungkol sa roehsoft ram expander .. ginamit ko yung app na yan ts bcos sobrang laggy ng games ko mostly yung 3d games then nag try ako mag swap na memory sa sd into ram and class a yung gamit kong sd card ang resulta super smooth na nung games like nba by the way working lang yata yon sa rooted device .. medyo risky lng kapag hndi alam yung gagawin pero ang laking tulong para maging swabe yung performance nung device :D
pano po??? boss
 
Fake yan ram expander n yan
Pero pwede mabago yan kso maraming process ksi nid m baklasin ung cpu chip ng cp tpos reprogram para pataasin ung ram capacity.
Bsta hirap eh explain ksi mhabang kwentuhan ang mangyayari
 
I don't believe that.

No ram expander apps or software. You can expand ram by adding ram physically.

Maybe the theory of such ram expander is to compress your file so that you can free more space.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top