What's new

Closed Questions about big bang theory

Status
Not open for further replies.
"Una, nang sinabi kong ¨hindi mali na magsaliksik ng mga bagay na sa wari ay walang patutunguhan¨, ito ay para sa sinabi mong ¨wala namang mapapatunayan kung matutuklasan ng mga astrophysicists ang simula ng cosmos.¨ Nangyari lamang na hindi ko maatim na hindi salansangin ang wari baga´y pagmamaliit sa ginagawa ng mga nagsasaliksik."

minamaliit ko talaga ang pagsasaliksik ng mga astrophysicists sapagka't ginagawa nilang basehan ng paglaban/hindi paniniwala sa Dios ang kanilang "natuktuklasan". Hindi mo matututulan na "generally" mga atheist ang "karamihan", kung hindi man lahat, ng mga iyan.
-sasaliksikin mo kung ano ang "simula" ng "cosmos" na kung saan ay tahasang lumalabag sa turo ng Biblia?(particularly what has been called "big bang" theory)

"Hindi sila nagsasaliksik para patunayan kung may Diyos o wala. Sa katunayan, kung sila ay pakikinggan, marami sa kanila ang walang pakialam sa tanong na ito.

Nagsasaliksik sila dahil batid nilang marami tayong hindi alam sa kalawakan, at gusto nating alamin ang mga bagay na ito, dahil malay natin, sa pagsasaliksik na ito ay makakatakid tayo ng kaalamang magbubunga ng teknolohiyang kapaki-pakinabang."

talaga lang ha, sinasabi lang nila yan, pero iba ang pinapakita ng kanilang gawa.
at matuwid ang Dios na hindi pinababayaan ang Kanyang mga lingkod, kahit pa wala yang mga astrophysicist na atheista.

Kung magiging tapat tayo sa ating sarili, ang malinaw na sagót ay na hindî natin alám.
kung ginagamit mo ang Biblia, bakit hindi mo alam na ang Dios ang gumawa ng cosmos?
pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?
kailangan ba ikaw ang sang-ayunan ng kasulatan o dapat ikaw ang maki-ayon sa kasulatan?
kung oo, sino ka ba upang i-question ang mga salita ng Dios?
kung hindi, ano ang punto de vista mo, kinokontra mo ba ang iyong sarili?
ginagawa mo ba ang pakikipagtunggalian upang maaliw lamang?
naniniwala ka ba talaga sa tunay na Dios? sa Kanyang mga Salita sa Biblia?

Iglesia ni Manalo ka ba?
 
Nakakalito nga siya kung ano ang nais nyang ipunto parang nais niya ilagay na ang teyorya ng bigbang at Biblia ay hindi magkalaban

Mali pati paggamit nya ng mga verses

Pilit nyang ilalapat sa hindi naman talaga dapat
 
ang siyensa ay sukatan ng karunungan ng tao. Ito ay isang malawakang eksplorasyon

Tumpak. Lalong-lalo na sa punto na ang pagsasagawa ng agham ay isang malawakang paggagalugad.

Ang salita ng Diyos ay isang misteryo, ito ay sukatan ng pananampalataya

Kailangang bigyang-diin ang salitang misteryo. Ibig sabihin, sadyang hindi malalaman ang kabuuan. Sang-ayon nga mismo sa pagpapakahulugan ng Bibliya sa kung ano ang pananampalataya,

"Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita." (Heb. 11:1, MBB)

Kaya talagang hindi ito dapat paghaluin, dahil sa agham, kailangang mayroong katibayan na mapagkakasunduan at mapalalabas ng paulit-ulit taglay ang isang malinaw na pamamaraan (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Samantalang ang pananampalataya ay batay sa sarili, personal, o kung ano ang inaasahan na mangyayari ng mismong tao na nananampalataya.

Hindi nga ba´t ito ang dahilan kung bakit kapag may palarô, ang magkakalabang koponan ay nakapananalangin sa kung tutuusin ay iisang Diyos upang ang panig nila ang siyang manalo? Nangyayari ito dahil nga ang paniniwala sa Diyos ay mula sa sarili.

Ang mahirap ay na dahil sa pagkadama ng pananampalatayang ito, sa panig ng mga deboto, at dahil naman sa higit na kaalaman ng mga gumugugol ng panahon para makialinsabay sa makabagong pananaliksik, sa panig ng mga maka-agham, ang bawat usapan ay madalas na nauuwi sa pagbibigay ng hatol sa isa´t isa. Tungayawan at panghahamak ang kinalalabasan.

Hindi ito maganda. Dapat na igalang at pakinggan ang pinanggagalingan at mga dahilan ng magkabilang panig. At aminin na lahat tayo ay napakakakaunti ng nalalaman, anupat kung ihahambing sa kawalang-hanggan ng maaaring malaman na hindi pa natin alam, para na rin tayong walang-alam.

si Albert Einstein ay naniniwala sa Diyos

Halimbawa ito, palagi itong ginagamit ng mga naniniwala sa Diyos para pasayahin ang kanilang sarili. Subalit ang pagkaunawa ba natin sa kung ano ang Diyos ay katulad ng pagkaunawa ni Einstein sa kung ano ang Diyos?

Ang buong sinabi ni Einstein ay, "I believe in You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., who reveals himself in the harmony of all that exists, not in a God who concerns himself with the fate and the doings of mankind." (sipi mula You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..)

Alam ba natin kung ano ang Diyos sang-ayon kay Spinoza na sinipi dito ni Einstein?

Sa sinabi na lamang ni Einstein na hindi siya naniniwala sa isang Diyos na may pakialam sa kapalaran at pinagágagawâ ng tao, taliwas na ito kaagad sa paninindigan ng maraming mga maka-Diyos na malimit sumandal sa umano'y paniniwala ni Einstein sa Diyos, na sa wari ay dahil ginamit ni Einstein ang salitang Diyos ay katulad na ito ng sarili nilang pagkaunawa sa kung ano ang Diyos.

"It was, of course, a lie what you read about my religious convictions, a lie which is being systematically repeated. I do not believe in a personal God and I have never denied this but have expressed it clearly. If something is in me which can be called religious then it is the unbounded admiration for the structure of the world so far as our science can reveal it." - Einstein, letter to Joseph Dispentiere, 22 March 1954 (muli, sipi galing You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.)

ito ay isang malawakan [walang hanggan?] na pananaliksik

Subalit tiyak na sasang-ayon ang lahat na mas mainam pa rin ang mayroong sinaliksik at pinagsakipang alamin kaysa sa walâ, kahit na mahirap. Dahil para saan pa´t nabuhay na nakakapag-isip.
 
Last edited:
Alam mo ang Bible ay guide natin sa buhay na ito dahil nasa buhay tayo na masalimuot at mapanganib

Kaya ibinaba ang utos at palatuntunan para malaman natin ang kalooban ng Lumalang para sa ating mga tao

Alam mo ang bagay na inaakala ng tao na ultimate at siya lamang sa kanyang sarili ang nakatuklas
Ay ang nagpapahamak sa tao dahil likas sa tao na walang guide ng kasulatan ang itaas ang kanyang sarili na akala mo eh alam nya na lahat dahil lamang nakatuklas sya ng isang bagay

Alam mo ang pinaka mas magandang isipin ay ito
Ano ang kahulugan ng buhay?
 
Hindi ko agad nakita kanina, may page two na pala.
Iglesia ni Manalo ka ba?
Karkula ko inc. Siya

Hindi, mga kaibigan. Sa katunayan, hindi ko masasabing alam ko ang puno't dulo ng paniniwala ng mga INC. Ang alam ko lamang sa kanila ay kung ano ang naririnig ko sa balita.

Hindi mo matututulan na "generally" mga atheist ang "karamihan", kung hindi man lahat, ng mga iyan.

Hindi nga matututulan na maraming siyentipiko ang ateista.

Subalit kung pinanood mo yung video na unang-una kong isinagot sa umpisa ng usapang ito, batíd mo ná sa ngayon na ang nagpalayaw at naglathala tungkol sa Big Bang ay isang paring Katoliko. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.)

Muli, ang video:

kung ginagamit mo ang Biblia, bakit hindi mo alam na ang Dios ang gumawa ng cosmos?

Hindi maipagkakaila na sang-ayon sa Biblia, ang Diyos ang gumawa ng sansinukob.

Alam kong ito ang nakasulat sa Biblia, dahil nabasa ko at kita kong nakasulat, subalit mapagpakumbaba kong inaamin na hanggang doon lamang ang aking tiyak na alam, na nakasulat sa Bibliya na gawa ng Diyos ang sansinukob, o cosmos, ´ika mo.

Maaaring ako´y maniwala dito, subalit hindi dahil sa ito´y aking pinaniniwalaan, masasabi kong ito ay tiyak kong nalalaman.

pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?

May iba´t ibang bahagi ng Biblia na sisipiin ko sa sumusunod:

(Iminumungkahi kong basahin ang buong kapitulo para buô ang kwento. Nakikipag-usap ang Diyos noon sa tao gamit ang mga propeta na sinasaniban ng espiritung kanyang inuutusan. May hari na binabawalan ng Diyos na sumali sa isang digmaan dahil ito´y ikakatalo ng kanyang piniling bayan, pero ayaw maniwala nung hari. Kaya naiyamot na ang Diyos at hinayaan ang isa niyang espiritu na magsinungaling para sabihin ng mga propeta sa hari kung ano ang gusto nitong marinig. Subalit sa madalíng salitâ ay si Propeta Micaya ang bida at ito ang kanyang sinabi para ihantad kung ano ang nangyari sa langit. Pero tumuloy pa rin ang hari pagkatapos nito at namatay siya sa digmaan.)

1 Hari 22:19-23 MBB :

Ngunit nagpatuloy si Micaya, “Pakinggan ninyo si Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kanyang trono. Nasa kanyang harapan, sa kaliwa at sa kanan, ang buong hukbo ng langit. Nagtanong siya, ‘Sino ang hihikayat kay Ahab na salakayin ang Ramot-gilead?’ Kanya-kanyang sagot ang mga espiritu. Ngunit mayroong isang tumayo at nagsalita ng ganito: ‘Ako po ang hihikayat kay Ahab.’

“‘Sa paanong paraan?’ tanong ni Yahweh.

“‘Pupunta po ako roon at magiging espiritung sinungaling na magsasalita sa pamamagitan ng kanyang mga propeta,’ sagot ng espiritu.

“‘Ikaw ang humikayat sa kanya at magtatagumpay ka,’ sabi ni Yahweh.”

At patuloy ni Micaya, “Ngayon, nakikita mo kung paanong nagsalita ang espiritu ng kasinungalingan sa bibig ng iyong mga propeta. Ngunit si Yahweh ang nagtakda ng iyong kapahamakan.”​

Tito 1:2 MBB
Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi nagsisinungaling.​

Levitico 19:11 MBB
Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling.​

Ngayon, kung hindi naman ikasasama ng iyong loob, nais kong ikaw ay tanungin kaibigan:

Kailanman ba´y kinunsinti ng Diyos ang pagsisinungaling?

(Makapagbibigay pa ako ng iba pang mga halimbawa, na sa wari ay hindi magkakatugma ang nakasulat sa Banal na Aklat.)

1 Kay Timoteo 6:9 SND
Ngunit ang mga naghahangad na maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa isang silo. Sila ay nahuhulog sa mga mangmang na hangarin na makakapinsala sa kanila, at nagtutulak sa mga tao na malunod sa pagkawasak at pagkapahamak.​

Kung tapát nating tatanungin ang ating sarili, masasabi kaya natin na wala tayo ni katiting na hangad na maging mayaman?

Sabi mo nga sa iyong tanong, pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?

Nakakalito nga siya kung ano ang nais nyang ipunto

Sa tingin ko ay ito talaga ang gusto kong sabihin sa simula pa lamang.

Ang alam natin ay kung ano lamang ang ating naranasan, o binasa, o natutunan. Wala ng iba.

Kaya kung aalamin lamang natin ang mga bagay na kaayon ng dati nang nalalaman, ikinikahahon natin ang ating sarili, at hindi namamalayang sarado pala ang ating isip. Dapat na maingat ding isaalang-alang ang pinanggagalingan ng mga taliwas ang alam sa sariling paniniwala, bago magpasya.

Aminin sa sarili kung alin talaga ang tunay na alam, at alin ang ipinapalagay lamang, at alin ang narinig kanino, at kung bakit ang pinaniniwalaan ang siyang pinaniniwalaan.

Ang mahirap, ang gawaing ito ay gumugugol ng panahon, kaya mahirap gawin, at napakaalwan na sumabay sa agos ng kung ano ang sinasabi ng nasa paligid, para mas madali ang buhay.

Madaling salita:

Suriin ang magkabilang panig ng nagtutunggaliang kaisipan.

Mateo 7:1,2 SND

Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo. Sa sukat na inyong ipinanukat ay isusukat sa inyo.​

Kawikaan 18:13 ADB1905
Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.​
 
Ayan na naman ang mga verses nyang wala sa tamang kinauukulan ang paggamit

Tawa nalang ako sa uri ng paggamit nya ng mga talata sa biblia

Sa lagay naniniwala sya sa paring katoliko na isa sa kasangkapan ng kwan heheh hindi nalang ako mag tell

Tapos na ang usapan nalaman ko din kanino at sino ang pinaniniwalaan nya
 
Ayan na naman ang mga verses nyang wala sa tamang kinauukulan ang paggamit

Sinong tao, kung maaaring magtanong, ang may karapatang magsabi kung tama o mali ang paggamit ng kanyang kapwa sa Biblia? Kung hindi naman pinalitan ang nakasulat, bakit ikinababahala?

Sabi nga ng isa nating kaibigan,

Pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?
Kailangan ba na ikaw ang sang-ayunan ng kasulatan o dapat ikaw ang maki-ayon sa kasulatan?

Palibhasa´y ang sinipi ko ay nakasulat sa Biblia, kung ito man ay kakaiba sa iyong pandinig, ano ang aking magagawa? Sabihin lamang kung ano ang kinasanayan at huwag pansinin ang iba pang bahagi?

2 Timoteo 3:16 MBB
Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos
Ang nais mo ba sa paggamit ng Kasulatan ay ulit-ulitin ko na lamang ang ¨For God so loved the world...¨ gaya ng kinaugalian?

EDIT:
Sa lagay naniniwala sya sa paring katoliko na isa sa kasangkapan ng kwan

Ang layunin ng pagbanggit sa paring Katoliko ay para sabihin na ang Big Bang ay ginawa ng pari para patunayan na may pasimula, dahil bago ang Big Bang, ang mga siyentipiko ay naniniwala na walang pasimula, hindi para sabihing naniniwala ako sa pari.

Kung paanong walang hanggan ang hinaharap, walang hanggan din ang nakalipas. Ganoon ang paniwala sa agham bago ang Big Bang. At sa video, dito ito gustong ibalik ng nagsasalita sa pagtawag dito na Everywhere Stretch.

Kaya sa katunayan, kung pinanood ang video, ang Big Bang ay inilathala para subukang gawan ng sandigang magka-agham ang turo ng paglalang na ¨in the beginning¨.

Tunay nga ang Kawikaan 27:22 MBB,
Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.​
 
Last edited:
May mga sitas na hindi naman nakaukol sa isang bagay tao at pangyayari na hindi naman basta basta nalang pilit mong ilalapat sa hindi dapat at hindi naman talaga dapat

Hindi kasi guided ng bible at laban sa bible ang teyorya at kaisipang nasa bigbang

Kaya malabong maging exact science ang bigbang
 
Hindi kasi guided ng bible at laban sa bible ang teyorya at kaisipang nasa bigbang

Kung walang Big Bang, babalik ang mga maka-agham sa katwiran na walang pasimula dahil ang nakalipas ay walang hanggan din.

Kung ang pagkaunawa mo sa teorya ng Big Bang ay iba sa kung ano talaga ang teorya ng Big Bang, hindi talaga tayo makakahanap ng mapagkakasunduan.

Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, lalong higit na pinakamahalaga na maunawaan kung ano talaga ang sinasabi ng mga hindi sinasang-ayunan, sapagkat kung ang papansinin lamang ay ang mga bagay na sinasang-ayunan, hindi namamalayang maaaring naikakahon na pala ang sarili sa isang makitid na pananaw, ito man ay maka-agham o maka-Diyos.
 
Isa lang naman ang pinagmulan ng lahat eh no matter what the scientists say or discover. Everything comes down to the question, "if it is here, then how did it come into existence?"
 
Hindi ko alam ang sagot

Maghahanap ako ng alien tapos aaralin ko salita nila tapos itatanong ko kung ano sagot sa tanong mo :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top