What's new

Closed Proposed rules in sharing freenet for phc members

Status
Not open for further replies.

Harnese

Forum Veteran
Joined
Dec 20, 2016
Posts
3,341
Reaction
1,242
Points
790
Good day po sa inyong lahat mga kababayan ko! :D

Isa lang po ako sa napakaraming miyembro rito na concern sa ating iniingatang yaman, ang FREENET.

Gusto ko sana ibahagi ang opinyon ko patungkol sa responsableng pamamahagi ng mga obra natin dito sa PHC.

Ito ang mga naisip kong rules para sa ating Freenet.

1.) Naka-spoiler na DAPAT ang ating mga obra sa kahit anong uri ng Freenet pa yan.
2.) At least Level 2 na dapat ang isang miyembro na nanghihingi ng Freenet. (Bawal na sa Leecher, sorry na)
3.) Piliin lang yung mga babahagian ng obra nila. Gagamit na ngayon ng PM system mapa-ordinary o established member pa yan.
4.) Bigyan lamang ang marunong magpasalamat at mag-like sapagkat hindi ka nagpuyat o nagpakapagod para lang sa mga leecher(o iba pang miyembro) na di man lang marunong gumamit ng isang simple ngunit másáráp sa pakiramdam na salitang "SALAMAT".
5.) Sa tingin ko, mas okay na yung may duration kaysa yung lifetime lalo na kung file na mismo ng Freenet ang ating ibabahagi (e.g. .xp, .ehi, .ovpn, etc.)

Ito po ay aking suhestyon lamang. Pwede rin kayong magbigay ng sa inyo. Open ito sa lahat ng suhestyon para maingatan at tumagal ang ating Freenet.

P.S.: Wag natin hayaang dumami ang iresponsableng user, sa huli tayo ang mawawalan.

P.P.S.: Kung ito man ay mali o mababalewala, okay lang saken na isara ang thread na to. Ako ay concern lamang.

:rolleyes:
 
i think wala na tayong magagawa kalat na ehh..siguro better if maghahanap na tau ng alternative aside sa default..kaysa puro tau complain na kalat na..think of it yung unang nag post nang gantong format ay naka spoiler so may mga establish na alam din to na may mga fb group..at mahrap silang hanapin sa sobrang dami na ang nasa phc..better ng maghanda sa ano mang mangyayari after sa update nla
 
Di lang naman sa PHC may sharing ng Freenet. Kahit anong gawing tago dito meron pang ibang site at may FB pa. Wala naman tayo magagawa kung madetect na ng Globe 'to. Mag enjoy na lang habang meron pa.
 
Tama ka siguro Sir. Kalat na nga kasi talaga pero kahit papano, mababawasan mga pabibo dito sa gantong paraan. Sana magpost na lang ng obra dito lang sa PHC, wag na sa Facebook.

Siguro pero hindi naman tayo papayag na basta-basta na lang mawawalan tayo. Di na ko nagloload ng pang-Internet pero nagloload parin ako pang-text at tawag. Kahit papano, kumikita saken ang kumpanya ng Globe. Hahaha.
 
Sakin ok lang kung hit and run basta nakatulong ako leecher man yan o stablished member masaya ako nakatulong ako

Well, magkaka-iba tayo. Hehehe. Regardless ng kahit ano pa o kung sino tayo, pagdating sa usaping ito. Hindi na siguro pwede ang padalos-dalos lalo na't nasa peligro na ang ating Freenet.
 
Agree ako dito! Naabuse ang ating Freenet. Mas maganda na gawan ng systema ang pag bibigay ng detalye sa bawat libreng pamimigay.
 
Tama ka siguro Sir. Kalat na nga kasi talaga pero kahit papano, mababawasan mga pabibo dito sa gantong paraan. Sana magpost na lang ng obra dito lang sa PHC, wag na sa Facebook.

oo nga naman boss agree ako dyan sau..dto kasi atleast konti lang tau..sa fb saksakan ang mga pasikat at gustong sumikat..anyways pGkatay na mag iintay na naman tau ng bagong mga update..lets just hope na pagkatapos ng update nla d to mawala si default

Siguro pero hindi naman tayo papayag na basta-basta na lang mawawalan tayo. Di na ko nagloload ng pang-Internet pero nagloload parin ako pang-text at tawag. Kahit papano, kumikita saken ang kumpanya ng Globe. Hahaha.
 
Alam naman ng globe ang freenet bago pa natin mabutas o madiskubre yun. Kaya nasa kanila talaga ang kontrol kung kakatayin nila ang freenet. Kase last year pa lang madami ng pasikat sa iba't ibang websites and facebook groups. Kahit dito sa phc di mo alam kung sinong spy. Haha. Wag na lang sisihin ang ibang tao. Sa halip humanap ka ng sarili mong freenet. Marami namang TUT dito. (Y)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top