What's new

Closed Pimple remover

Status
Not open for further replies.

UndefinedX

Eternal Poster
Joined
Aug 14, 2016
Posts
1,084
Reaction
394
Points
390
So first. Based on my own experience 'to, and sa experience ni Mama. Haha. Siya talaga originally nagturo nito sa akin.

First, ikwento ko muna yung pimple nightmare ko. Lol. Nag umpisa akong magkapimple nung pagtuntong ko ng 1st year college. Hindi naman super lala. Pero alam kong may outbreak, kasi, hindi sila nawawala. As in everyday, may nagp-pop up na bago. Tapos minsan, naranasan ko na tawagin akong Luzvimin kasi yung pimples ko, meron sa noo, sa cheek na isa tapos sa lower part ng face ko. Nakakababa ng self confidence, sa totoo lang. Tapos meron pa akong zits sa noo. May nasusugat pa minsan which nagleleave ng dark spots. Hanggang sa pinakinggan ko yung payo ni Mama ko.

1 capsule dalacin-c + eskinol. Alam ko laganap na ito, pero gusto ko lang ishare yung feedback ko about this one.

Bumili ako nung tig 50+ pesos na eskinol. Di ko alam ml e. Then, 300mg na dalacin capsule. (Yung mg, depende sa lala ng pimples, if super lala talaga, pweding dagdagan)

For 1 month ko syang ginamit. Sa 1st week, kuminis yung noo ko. Then ayun. Hanggang sa naubos yung laman ng bote, nawala na sila at di na bumalik. Di ko na tinuloy kasi hindi na sila bumalik. Gamitin lang ito kapag meron ka, para hindi ma immune ang skin sa epekto nito.

Pwede mo syang i apply 2 times day. Day at night. Or kahit night lang. Ako nung umpisa, 2 times. Noong tumagal, once a day nalang.

Tsaka 2 times a day lang po dapat ang paghilamos ng mukha, huwag sumobra o kumulang. And, pinaka nakaka tigyawat ang puyat guys. Yun lang. Sana nakatulong. :)

3rd year college na ako and lahat ng friends ko, nagtatanong, "Anong ginawa mo?" Lol. Yung dati, lagi akong paranoid baka may bago nanamang pimple, ngayon hindi na.
 
Hindi ko lang po alam. Alam ko po kasi ang eskinol is medyo matapang. So iwas iwas sa pagbibilad nalang para sure
 
hmmm... meron ako nabasa sa fb.. honey lng ginamit niya tsaka nagpalit lang sya ng sabon to safeguard derma sense.. ayun natural pa gurl... so safe sa allergic reactions i guess..

either way.. always consult your doc.. charot! haha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top