What's new

Closed Pag-ibig sino ka???

Status
Not open for further replies.

Dongsdownload

Forum Veteran
Joined
May 15, 2013
Posts
1,007
Reaction
1,623
Points
650
Age
35
Sa araw - araw nating
pakikipagsapalaran sa mundong
ibabaw, pag - ibig ang dahilan ng
ating pagkabuhay. Ngunit
hanggang kelan at hanggang
saan natin hahanapin ang tunay na kahulugan ng pag - ibig? Pag - ibig...ikaw ba ay
mapagbigay? Ang pagbibigay ng
kusa ng taong nagmamahal.
Ngunit pag - ibig pa kayang
maituturing kung ang buhay ay
kapalit ng taong nagmamahal? Ang pagkawala sa mundong
ibabaw para lang sa minamahal?
Paano mo pa ipapadama ang
pagmamahal mo kung ika'y wala
na? Pag - ibig pa rin ba itong
matatawag? o kamartiran lamang? Ikaw ba ay mapag - aruga?
Katulad ng pag - aaruga ng
isang ina sa musmos n'yang anak.
Ngunit paano mo maihahanay ang
mga ina na nag - abandona ng
kanyang mga musmos na anak. Mga ina na ang dahilan ay
kahirapan upang hindi maaruga
ang mga anak. Katangap -
tangap ba ang dahilan ng mga
inang ito? Ang pag - aaruga ba
ay para lang sa mga may kayang mag - aruga? Paano naging pag
- ibig ito? Pag - ibig pa ba ito o
pagiging makasarili?
Mapagkalinga. Kayaga ng isang
kaibigan na pwedeng takbuhan
sa oras na kailangan mo ng karamay para damayan ka sa
pighati na dulot ng isang
masalimuot na relasyon. Pagdinig
sa iyong kwento ng hindi
nagsasawa at magpapahid sa
bawat patak ng iyong luha. Pagkalinga ng ina sa mga anak
na natatakot sa gabing
kumukulog at umikidlat upang
hindi sila matakot. Subalit paano
kung ang iyong kaibigan ay may
mas mahalaga pang responsibilidad na dapat n'yang
gampanana at ang iyong ina ay
nagtratrabaho sa mga oras na
kailangan mo ng kanilang kalinga.
Nasaan ang pag - ibig dito? Saan
ang pag kalinga na kailangan ng iyong minamahal kung wala ka sa
tabi niya sa oras na kailangan
mo siyang kalingain? Maunawain ka nga ba, oh pag -
ibig? Kaya mo bang unawain ang
isang nagmamahal na nakahanap
ng ibang mamahalin kaya iniwan
na lang at sinaktan ang matagal
ng mahal. Mauunawaan mo kaya kung walang ginawa ang iyong
mahal kundi lokohin ka lang niya
at sa huli ay sasabihin sa'yo na
"ikaw lang ang mahal ko
magpakailanman." Paano
uunawain ang minamahal na ang bukod tanging ginawa nya ay
ang saktan ka at paiyakin. Pag -
big pa bang matatawag ang pag
- uunawa sa taong minamahal na
nagdulot ng sakit at pighati sa
iyo at dahil sa pag - uunawa mo sa kanya hindi mo na namalayan
na nawala na pala ang iyong
pagkatao dahil sa iyong iniibig.
Hanggang kelan maninirahan ang
pag - unawa sa pag - ibig.
Hanggang kelan dapat ibigay ang pag - uunawa sa taong iniibig?
Kelangan ba talaga ang pag -
unawa kapag umibig? o kambal
lang ng pagkamartir ang pag -
uunawa? Tiwala ba ay pag - ibig?
Pagtitiwala ay ang walang pag -
iimbot na pagbigyan ang taong
minamahal ng alang alinlangan.
Hindi nag - aalinlangan sa mga
bagay - bagay na mangyayari anuma't ginusto o hindi. Tiwala ay
ang pagbibigay sa mahal ang
kalayaan na gawin ang anumang
nais nyang ng walang pagdududa.
Pagtitiwala ay kaakibat ng
pananampalataya at pag - asang anuman ang mangyari ay mahal
ka ng taong mahal mo at hindi
siya gagawa ng anumang bagay
na ikakasakit ng iyong damdamin
at ikapapahamak ng inyong
pagsasama. Kung susumain, ang pag - ibig ay pagtitiwala sa
taong minamahal. Ngunit
hanggang kelan dabat ibigay ang
pagtitiwala. Tiwala pa bang
matatawag ang ilatag sa harap
mo ang mga kamunduhang gawain ng iyong minamahal? Na
dahil sa pagtitiwala ay hindi mo
alintana ang mga paninira sa
kanya. Paninira sa iyong palagay
dahil ikaw ay lubos na nagtitiwala
ngunit ito pala'y katotohanan Nakakabulag na pagtitiwala...hindi
iminumulat ang mga mata sa
kadahilanan na ika'y nagtitiwala.
Matatawag pa ba itong pag -
ibig? o anyo lang ng
katangahan? Hay pag - ibig, sino ka nga ba
talaga. Napakahiwaga mo.
Katulad ng isang diwata sa gitna
ng kabundukan. Maganda ngunit
mailap. Nakakahumaling sa taglay
mong pagkamisteryosa, mahirap kilalanin. Nakita no ba kita? Dumating ka
na ba sa buhay ko? Paano at
kelan ka pa dumating? Ano ba
ang dapat kong gawin para
makilala kita ng tunay?
Hanggang kelan ba kita hihintayin. Sinasamyo ko ang
pagdating mo sa buhay ko.
Sana isang araw makita na kita.
At kung 'di ko man namalayan
ang ating paghaharap nawa'y
lumago ka sa kaibuturan ng aking puso nang ika'y lubusang
makilala. Tatanggapin kita kahit sino ka
man, oh pag - ibig.
...sandali...kilala na kita! Salamat
sa pagpapakilala.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top