J
Jeanh
Guest
Ang Wikang Filipino na ginagamit natin ngayon ay hindi na lamang kinuha sa Wikang Tagalog ng Luzon. Maaaring ang ilan sa mga salitang Filipino na isinisingit natin sa pang-araw-araw na pag-uusap ay nagmula sa iba pang wika sa Pilipinas na hindi natin nalalaman.
"Filipino is a living language," ayon sa kahulugang ibinigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang sangay ng pamahalaan na nagtataguyod sa pambansang wika at iba pang wika sa bansa. Dahil sa nabubuhay ang wika, nag-iiba rin paminsan-minsan ang kahulugan ng mga salita depende sa diin, sa paggamit, o sa pinagmulan nitong katutubong wika.
Narito ang ilang mga halimbawa:
1) Ang langgam na lumilipad.
Alam nating masakit mangagat ang "langgám." Ito ay isang kulisap na maliit, may sungot, at walang pakpak maliban sa ilang tigulang. Ang "lánggam," may diin sa unang pantig, ay ang tawag sa ibon para sa Wikang Pangasinan at Sebwano.
2) Ang bahaw na may malaking mata.
Para sa ilang mga wika (Bikol, Hiligaynon, Sebwano, Sinaunang Tagalog, at Waray), ang "báhaw" ay isang pang-uri upang ilarawan ang natira at lumamig nang pagkain. Ang "baháw" naman, may diin sa pangalawang pantig, ay isang ilahas na kuwago sa wikang Bikol at Tagalog.
3) Ang bitin na nakalalason ang kagat.
Ginagamit natin ang salitang "bitín" bilang pang-uri na may kahulugang alanganin o kapos. Para sa wikang Bikol, Hiligaynon, Kapampangan, Sebwano, at Sinaunang Tagalog, ang "bitín" na may parehong diin ay isang sawa o ahas.
4) Ang mabahong daga.
Ang "dagâ" ay isang mapagngatngat na hayop, maikli ang nguso, at nakatira sa lungga. Itinuturing itong peste sa bahay. Sa wikang Pangasinan, tinatawag na "ótot" ang dagâ. Alin kaya ang mas mabaho?
5) Ang bulak na kumukulo.
Ang "búlak" ay ang malambot na tila himaymay na nakabalot sa buto ng puno ng kapok. Ang "bulák" na may diin sa pangalawang pantig ay tinatawag ding sulák--ang kulo o pagkulo ng tubig.

Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.