What's new
Status
Not open for further replies.

erwinc09

Eternal Poster
Joined
Mar 27, 2015
Posts
751
Reaction
285
Points
319
The blood-sucking mandurugo of Philippine folklore use their beauty to attract and prey on men. In the olden days a mandurugo would get married to a healthy, plump youth to ensure a constant supply of blood every night. The tip of her hollow tongue tapers to a needle point and pierces the sleeping victim’s neck and sucks a bit of his blood. Another way for her to consume the victim’s blood is to insert her tongue into her sleeping husband’s mouth – the tip of her needle-like tongue piercing the inside of the mouth – and suck the flowing blood while seemingly kissing him passionately. The clueless husband loses weight rapidly, weakens, and withers away as the days go by. When the mandurugo has drained her husband dead, she assumes the form of a bird-like creature and flies off to look for another healthy youth to marry and feed on.
In later times, most mandurugo no longer get married, victimizing different men each night instead and not killing them to avoid being discovered. Those who do get married don't harm their husbands out of love. Instead, they use their marriage as a front and seek out other men to feed on.
It is said the mandurugo arose from kinnara or kinnari who were betrayed by their human lovers, turning into blood-sucking monsters to exact revenge on men.
A mandurugo will remain young and beautiful as long as she consumes blood.

14991208_341867549516076_2569850671436177069_o.jpg

Ang Mandurugo

Ayon sa kwentong bayan, ang uhaw sa dugo na mga mandurugo ay nang-aakit ng bibiktimahing kalalakihan gamit ang taglay nilang kagandahan. Noong araw, gawain ng isang mandurugo na magpakasal sa isang malusog na binata para masigurong may agarang mapagkukunan ng dugo gabi-gabi. Ang dulo ng dila nito ay tutulis na parang karayum, tinuturok ang leeg ng natutulog na biktima at sisipsip ng kaunting dugo. Maaari din nitong ipasok ang matulis na dila sa bibig ng natutulog na mister, tutusukin ang loob ng bibig, at sisipsipin ang lalabas na dugo habang tila niroromansa ang biktima. Gabi-gabi itong gagawin ng mandurugo hanggang sa unti-unting mangayayat at manghina ang walang kamalay-malay na mister nito sa pagdaan ng mga araw. Kapag tuluyang namatay ang mister ng mandurugo, mag-aanyong ibon ito at lilipad papalayo upang maghanap ng panibagong mapapangasawa at mabibiktima.
Kalaunan, karamihan sa mga mandurugo ay di na nag-aasawa. Sa halip sila ay nambibiktima ng iba't-ibang lalaki bawat gabi at rin nila pinapatay upang maiwasang sila'y madiskobre. Yung mga nagkakaasawa naman ay di pinapatay ang kanilang mga mister dahil na rin sa pagmamahal. Sa halip sila'y naghahanap ng ibang lalaking bibiktimahin.
Sinasabing nagmula sa pinagtaksilang mga kinnara o kinnari ang mga mandurugo, na ang pakay ay maghiganti sa mga lalaki.
Ang isang mandurugo ay mananatiling bata at maganda basta't nakakasipsip ito ng dugo.


References:

Bane, Theresa. Encyclopedia of Beasts and Monsters in Myth, Legend and Folklore. McFarland, 2016
Ramos, Maximo D. Creatures of Philippine Lower Mythology. University of the Philippines Press, 1971
 
I think di lang lalake ang target ng mandurugo kasi meron akong nabasa na story, baby ang kinuhang form ng mandurugo and it sucked all the blood nung babaeng nabiktima nya na namatayan ng anak
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top