What's new

Closed Laptop won't turn on. help!

Status
Not open for further replies.

IamStillKid

Honorary Poster
Mga boss kelangan ko po ng tulong niyo. Sana may pumansin nito. Please po. :'(
Tinanggal ko po kasi ang battery ng laptop ko para ang adapter nalang ang magpo-produce ng power punta sa laptop. Ngayon po, habang naka plugged in ang adapter nag install ako ng microsoft office dahil kakareformat ko lang nun. Tapos ngayon, nakatulog ako at nung umaga na "5 hrs ata napabayaan ko" tinry ko kinlick ang space kung naka-on paba siya. Kahit anong click ko sa power hindi na siya nag-o-on. :'( ngayon, binalik ko ulit ang battery niya. Hindi parin siya nag-o-on. Ngayon, tinry ko ulit yung adapter sa ibang laptop to make sure if ang problema ba is adapter. Pero ok naman po ang adapter, gumana po siya. Ngayon nag try ako ng ibang adapter na may LED. Dun ko nalaman na kapag sinaksak ko ang adapter sa laptop, hindi nagpo-produce ng power ang adapter sa laptop kasi na-o-off ang LED ng adapter po ea kapag sinaksak ko na. :'( mga boss ano po ba dapat kung gawin at ano po ang problema nito? Gagana po ba ito? Na-drain lang ba ang laptop ko kasi ilang oras ko siya hinayaan mag-on hanggang na-off lang siya. Help po mga boss. :(
 
Mukhang need mona e pa check yan sa technician dead e no power, na try mona e remove the baterry then hold power button for 1min para ma drain yung natitirang vol?
 
Maaring may shorted component sa motherboard especially mosfet sa power section kaya napipigilan magpower ang charger. Kung hindi ka sigurado kung papaano mag check up or magrepair, ipatingin mo na sa technician para sure ka.
 
yung sakin my power pero walang nalabas sa screen na display.black lang sya.(sonny vaio)
ano kaya sira nun?
thanks sa papansin
Testingin mo muna sa external monitor kung magkakameron. Kapag meron at nakapunta ka sa desktop press windows logo+p then piliin mo ung duplicate. Kapag wala parin, i right click mo si My Computer>properties>device manager>display adapters>then i disable mo si Nvidia.

Kapag wala pareho. Sira si north bridge or display chip kailangan na ng reballing or replacement. Note, kapag hindi ka sure sa pagrepair sa hardware ng laptop mo better na dalhin mo na sa technician.

Isa pa pala, ilawan mo ang screen ng flashlight, kapag may nakikita kang image, maaring sa display driver lang yan, i disable mo lang si Nvidia, maari din namang backlight problem.
 
Last edited:
Anong brand ng laptop mo?
Acer travelmate 8372 po siya boss :(

Mukhang need mona e pa check yan sa technician dead e no power, na try mona e remove the baterry then hold power button for 1min para ma drain yung natitirang vol?
Opo boss. Tinry ko tinanggal ang battery tapos hold power button. Tapos balik ulit ang battery then press power. Wala po ngayayare ea :(

Try to take the battery out...
Den plug m charger and turn it on...
Cra na battery ng laptop m PPP ag ganyan...
anong ppp boss?
Hindi po sira ang battery boss. Tinanggal ko nga po siya kasi ang ginamit ko is ac adapter lang. Habang ginamit ko siya, nakacharge lang po siya.
 
Maaring may shorted component sa motherboard especially mosfet sa power section kaya napipigilan magpower ang charger. Kung hindi ka sigurado kung papaano mag check up or magrepair, ipatingin mo na sa technician para sure ka.
Anong mosfet po boss? Pero hindi po ba nasunog hardware ko nun
Boss? Wala naman pong amoy sunog ang laptop ko din po ea. Ayaw
Lang talaga mag on ni adapter kapag sinaksak ko na siya sa laptop ko
Po. Pero s isa kung laptop gumana naman po adapter ea :(
 
Kapag ba nakasalpak ang battery and power supply, umiilaw iyong charge indicator?
 
Kapag may nakita kang ganitong pyesa sa power section, i plug in mo si charger then hipuin mo kung may mararamdaman kang nakakapasong init then i multitester mo, set mo sa x1 ohms para malaman mo kung shorted ba, kapag 10-0 ohms ang reading then shorted si mosfet or si component. Kapag i plug mo pala si charger dapat huwag gaanong katagal kasi maaring magdulot ng more and more sira sa motherboard.
Heto iyong pyesa pero hindi lahat nito ay mosfet kaya tingnan mo muna sa net ang description ng according to part number na naka print sa chip.
mosfet.JPG
chip.
 
Attachments

Kapag may nakita kang ganitong pyesa sa power section, i plug in mo si charger then hipuin mo kung may mararamdaman kang nakakapasong init then i multitester mo, set mo sa x1 ohms para malaman mo kung shorted ba, kapag 10-0 ohms ang reading then shorted si mosfet or si component. Kapag i plug mo pala si charger dapat huwag gaanong katagal kasi maaring magdulot ng more and more sira sa motherboard.
Heto iyong pyesa pero hindi lahat nito ay mosfet kaya tingnan mo muna sa net ang description ng according to part number na naka print sa chip.View attachment 122714 chip.
Nako boss. Tinry ko dati i charge ang laptop na may kasamang baterya na tapos tinry ko mag on. Ngayon. D parin gumana. Kahit tinry k na naman tanggain ang baterya at nag plug uli. Wala parin ngyayare. Sana hindi masira ang board ko po. Kasi tinry ko talaga ibang troubleshoot. First time ko kasi magkaroon ng ganito.

Kapag ba nakasalpak ang battery and power supply, umiilaw iyong charge indicator?
kapag sinaksak
Ko amg adapter, ang adapter po magla-ligh siya pero 1 second lang tapos off na
Po siya.
 
Nako boss. Tinry ko dati i charge ang laptop na may kasamang baterya na tapos tinry ko mag on. Ngayon. D parin gumana. Kahit tinry k na naman tanggain ang baterya at nag plug uli. Wala parin ngyayare. Sana hindi masira ang board ko po. Kasi tinry ko talaga ibang troubleshoot. First time ko kasi magkaroon ng ganito.

kapag sinaksak
Ko amg adapter, ang adapter po magla-ligh siya pero 1 second lang tapos off na
Po siya.
May Ohmmeter ka ba? Kung meron, try mong magtest ng component na kamukha ng nasa attachment ko kaso dapat hindi powered ang laptop dahil nagreresistance check ka. Kapag very low resistance iyong mosfet, na itinest mo sa pin gate to drain and vice versa then suspected na shorted pero para sure ka kasi minsan may kaparallel na inductor iyan ay ipower mo SAGLIT ang laptop then hipuin mo kung iinit ng grabe iyong suspected component.
 
Boss hindi ba yan grounded kapag sinaksakan ko ng adapter ang laptop saka hhipuin ko ang component kung mainit ba yun o hindi? Kasi tinry ko isaksak dati ang alam ko lang hindi na mag aandar ang gan
Kahit i on ko pa ang power button
 
Pag nag ooff yung led ng ac adapter pag plug in sa system, ibig sabihin may tama na part ng mobo mo. Better ask a technician nalang sir para di mag cause ng ibang damage.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top