What's new

Closed Lamlam --- tula ng kalungkutan

Status
Not open for further replies.

foolstuckdeb

Forum Veteran
Joined
Aug 3, 2016
Posts
343
Reaction
4,290
Points
702
"Lamlam"
paulo delfin
Saglit nating limutin ang sarili sa pag-umid
at kilalaning maigi ang isa’t isa
nang kung magkahiwalay ay makabalik
tayong muli sa umpisa

Sidlan ko ang basyo na 'yong tangi
na nawili sa pagiisa
apuhapin ko ang pagdalamhati
ng mabibigat mong pagluha

Ang sugat ng kahapo'y napaparam din
gaya ng byahe nating walang katiyakan
kung hanggang san ito dadalhin
ng mga palagay lang

Nahimpil sa hinuha't alinlangan
ang damdaming luom na sa pag-aasam
Ang agos ay hindi na dadagsa
pagkat lamlam ang sati'y namamagitan

ano po masasabi nyo sa gawa ko ??
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top